Judy Ann Santos fulfills her culinary passion via online cooking show

IMAGE Rommel Gonzales

Judy Ann Santos talks about how the idea for her online cooking show, Judy Ann's Kitchen, started: "Plano ko talagang self-produced, kasi gusto ko meron akong first-hand na ano... ako yung, hands-on ako, gusto ko kung ano yung diskarte ko. Walang script, tapos walang ayos. Basically kung paano ako magluto sa bahay."


Nakakatatlong episodes na ang Judy Ann's Kitchen, ang online cooking show ni Judy Ann Santos.

Dito, tuwing Sabado ng umaga, sa ganap na 10:30 am, mapapanood si Judy Ann na nagluluto ng iba-ibang putahe habang nakikipagtsikahan sa kanyang audience sa Facebook.com/judyannskitchen.

Paano nabuo ang konsepto nito?

Lahad ni Juday, “Matagal nang idea ni Ryan 'yan.

“Bagong lipat pa lang kami dito, as in bagong kasal pa lang kami, hindi pa nauuso yang mga cooking videos, napag-usapan na namin 'yan.”

Lagi raw sinasabi sa kanya ng mister niyang si Ryan Agoncillo na magandang ideya na mag-shoot ng videos habang nagluluto si Judy Ann sa kusina sa bahay nila sa Alabang.

“Ako lang yung hindi confident.

“Wala lang, parang feeling ko lang ang yabang ng dating, or wala lang, alam mo naman ako.

“Wala akong bilib kasi sa luto ko,” pag-amin niya.

COOKBOOK. Mas una nga raw napag-usapan ang paggawa ng videos bago pa man na-conceptualize ang cookbook niya na Judy Ann’s Kitchen.

Dagdag niya, “It was originally Ryan’s idea, parang two-minuter nga lang.

“Parang two-minute videos lang, kasi alam niyang hindi ako confident magsalita habang nagluluto.”

Ito ang dahilan kung bakit mas naunang lumabas ang cookbook niya.

Ini-release ito noong June 2015.

Noong May 2016 ay nanalo ito ng award sa Gourmand World Cookbook Awards 2016, bagging third spot in the “Best Authors and Chefs Outside Europe” category.

Kuwento ni Juday, “Idea ko yung book.

“Kasi nga parang at that time ang dami ko pang kailangang prosesuhin with ABS, 'tapos yung Bet On Your Baby na biglaan.

“Pero idea na namin ni Raymund yun matagal na.

“Palagi naming napag-uusapan yun ni [celebrity photographer] Raymund Isaac, everytime na magsu-shoot ako sa studio niya.

“Hanggang isang araw pumunta na lang ako sa studio niya kasi may shoot nga ako ng umaga.

“Ibinato ko na sa kanya. 'Gawin na natin.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“To cut the long story short, in two-three weeks’ time, natapos kong i-shoot yung buong cookbook.

“Kumbaga may idea na agad ako, alam ko na yung chapters, lahat!

“So yung Judy Ann’s Kitchen na online show, idea na namin siya nung natayo na yung bahay sa Batangas.

“Parang isa lang yun sa talagang plano, na yung kitchen sa Batangas, nung ginagawa na yung kitchen, kasama na dun sa idea yung kapag gumawa ako ng kitchen, yung puwedeng pag-shoot-an eventually.

“So doon nanggaling yung idea.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann sa bahay niya sa Alabang nitong nakaraang Miyerkules, October 25.

BOOSTING HER CONFIDENCE. Patuloy niya, “And then ito lang, itong year lang na ‘to, parang tinanong lang uli ako ni Ryan, ‘O, ano na ang gagawin mo dun sa cooking video mo? Ano na ang nangyari?’

“Kasi si Rye palagi naman talagang siya yung firestarter ko when it comes to projects out of my comfort zone, acting.

“Siya lahat yun, mula sa culinary classes ko pa lang, siya yung nagsabi sa akin, na ang dami-dami kong gustong aralin.

“Isa lang naman yung sinabi niya sa akin: ‘Ano yung alam mo nang gawin ngayon?’

“Sabi ko cooking. Tapos, sabi niya, ‘O, e di iyon ang aralin mo.’

“Tama naman.

“So it's so safe to say na Ryan has always been yung… greatest believer ba?

“Yung siya talaga yung nag-i-ignite sa passion ko for cooking, at the time na wala akong confidence sa sarili ko pagdating sa pagluluto.

“Kahit na sinasabi ng mga tao na ganito-ganyan, parang nayayabangan lang ako sa sarili ko kapagka masyado ko namang ina-up yung sarili ko.”

Pero hindi ba kapag may passion ang isang tao, tulad ng pagluluto, hindi ba dapat ay mas gusto nitong ipinapakita ito sa mga tao?

Aniya, “Oo, pero… ewan ko lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro kasi ang daming magagaling, ang daming... alam mo yun?

“Tapos, ngayon, putuk na putok ang mga cooking shows, so parang takot ako, takot akong makipag-head on.

“Hanggang sa I realized na, you know, I am my own person, ako naman ito, sarili kong karakter naman ito.”

SOCIAL MEDIA AS BEST MEANS TO CONNECT. Bakit sa FB page nila napagdesisyunang ipalabas ang Judy Ann’s Kitchen?

Paliwanag niya, “Nung nag-research kasi kami, dapat iyan parang… YouTube talaga.

“So nag-research kami.

“Apparently, ewan ko kung mag-a-agree ang mga tao sa amin, it is the easiest form of social media to connect to the people.

“Kasi siya yung pinakamalawak lalo na dito sa Pilipinas.

“Basta lahat, from all walks of life, naka-Facebook 'yan.”

Hindi talaga nila pinlano na ilagay ang show sa isang lifestyle cable channel.

Tugon niya, “Hindi. Plano ko talagang self-produced, kasi gusto ko meron akong first-hand na ano... ako yung, hands-on ako, gusto ko kung ano yung diskarte ko.

“Walang script, tapos walang ayos.

“Basically kung paano ako magluto sa bahay.”

Dagdag pa ni Judy Ann, “Sa YouTube kasi ang hirap kumonek back.

“Gusto ko kasi yung nakaka-reply din ako, very personal kasi for me yung pagluluto, e.

“Para sa akin, pag pagluluto yung pinag-uusapan, nag-iiba yung aura ko, nag-iiba ako.

“Kumbaga, mas nao-open ko yung sarili ko sa mga tao.

“Kasi, siguro kapag may iba ka nang… hindi ko sinasabing hindi ko na passion ang acting.

“It’s just that may iba kang form of releasing everything and relating to people na ikaw mismo, kasi ang food connects to everyone e, di ba?

“Masaya ka, malungkot ka, para din siyang pag-arte.

“Yun nga lang yung pag-arte, hindi mo natitikman pero nararamdaman mo siya.

“Yung pagluluto nararamdaman mo siya 'tapos natitikman mo siya, 'tapos iyon yung mag-i-stick na lasa sa iyo, hanggang umuwi ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung experience alone na ibinigay mo sa tao o ibinibigay ng pagluluto sa akin, nag-i-stick sa akin.

“So ganun ako, pag nagta-travel, pagka kumakain sa labas, kung napapansin mo ang dami kong ino-order, di ba, tapos hindi naman ako masyadong kumakain.

“Tinitikman ko silang lahat, parang nae-enjoy ko na yung ganun tapos naglalaro na siya sa isipan ko, kung paano ko siya pagsasama-samahin, sa paanong paraan ko siya isasama sa iba pang recipes na alam ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN