Is Aicelle Santos open to reuniting with Jonalyn and Maricris of La Diva?

IMAGE Noel Orsal

Aicelle Santos wanted to be a doctor before becoming a singer.


Unang solo major concert ni Aicelle Santos ang Awit Na Aicelle na ginanap kagabi sa Music Museum.

Labing-isang taon na ang showbiz career niya mula nang naging runner-up si Aicelle sa Pinoy Pop Superstar pero hindi raw kasi siya nagmadali.

Naghintay siya ng, sa palagay niya, ay tamang panahon para magkaroon siya ng solo concert.

“For me kasi, hindi rin basta-basta magku-concert. May rason kung bakit na nagku-concert. It takes time for you to build a repertoire. Kung marami kang sumikat na kanta, go ahead, mag-concert ka.

“As for me, hindi naman tayo nagsimula na marami na tayong sikat na kanta. It took years. It’s okay, I don’t mind,” positibo niyang sagot.

Puwede raw isipin na baka nagpapaka-showbiz lang siya na sagot, pero yun daw ang totoo. Okay sa kanya lahat ng nangyari sa career niya.

Lahat daw ng ito, tinitingnan niya na surpresa.

“Honestly, all these are surprises,” nakangiting lahad niya.

“I wanted to be a doctor at first. So yung lahat ng nangyayari sa buhay ko, sa career ko, surpresa lahat ‘to. Hindi ko alam kung paano ako naging regular sa TV, naging actress, naging teatro, naging trio. ‘Eto, may concert na.

“Ano siya, regalo lahat.”

Hindi naka-plano ang lahat ng nangyari sa kanya?

“It’s not, it’s not. Nothing is planned. I prayed for everything na dumarating. Ano siya, surpresang lahat para sa akin.”

Ngayong magkakaroon na nga siya ng unang major solo concert, naniniwala siyang ngayon na nga ang tamang panahon?

“Yes, I feel that this is the right time. Kasi, may baon kang mga kanta na tingin mo ay dapat mong i-share sa mga tao.”

Hindi puwedeng makalimutan na naging bahagi muna si Aicelle ng trio nila nina Maricris Garcia at Jonalyn Viray na La Diva.

Tinanong namin si Aicelle kung hindi ba niya naisip na mabuo sana silang muli kahit sa concert niya lang.

“That’s a treat,” sabi naman niya.

“I’m sure, maraming matutuwa run. Maybe in time.”

Bihira na lang daw silang magkaroon ng komunikasyon, pero okay naman daw silang tatlo.

“Bihira talaga, e,” saad niya.

“Even with Maricris, hindi na masyado kasi, busy na sa kanya-kanyang personal [life] and work. Nagkakamustahan pero sobrang dalang.”

Si Jonalyn, na mas kilala na ngayon bilang si Jona, ay bahagi na ngayon ng ABS-CBN.

Pinasa na ni Regine Velasquez noong R3.0 concert nito sa MOA Arena ang “korona” sa kanilang mga bagong henerasyon ng mga biritera.

Nagulat ba si Aicelle sa ginawa ni Regine?

“Oo naman, it wasn’t even part of the script. Nakakagulat. Overwhelming, surprised and thankful. Thankful kasi si Ate chose us to be part of the show.”

Para kay Aicelle, si Regine raw ay isang “Ate,” “Nanay” sa kanila.

“Gusto mong tularan, her ways. Personal man o nasa stage. Yung faith niya. Yung buhay niya. Yun ang nilu-look-up mo talaga sa kanya. Yung napakalaki niyang puso.”

Mas may nararamdaman ba siyang pressure dahil lahat sila ay kailangang mapatunayan kung sino nga ang puwedeng kumuha ng korona ni Regine bilang isang singer/concert artist?

“Well ako, personally iba-iba naman kasi ang bawat isa. May kanya-kanyang tunog. May kanya-kanyang baon na mission sa kanilang pag-awit.

“So, hindi siya dapat ituring na pressure or kumpetensiya. Whatever comes from you, ikaw. Hindi siya katulad ng kung sino,” ani Aicelle.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN