Julie Anne San Jose names ABS-CBN singers she wants to work with

Will Benjamin Alves perform during the January 27 concert of his girlfriend Julie Anne San Jose?


Isang pre-Valentine show ang handog ng GMA-7 singer-actress na si Julie Anne San Jose sa gabi ng kanyang concert na may titulong #Julie.

Magaganap ang #Julie sa Music Museum ngayong Sabado, January 27.

“Intimate siya, mas mature. Sa choices of songs makikita na agad.

“Mas mata-tackle yung mga relationships.

“Mas mature, mas iba sa mga past concerts na ginawa ko.

“I also want to share a piece of me to my supporters,” pahayag ni Julie sa press conference ng #Julie sa GMA Network Center.

Ang singer-actor na si Michael Pangilinan ang guest ni Julie sa kanyang concert.

Hindi raw kasi napilit ni Julie Anne ang boyfriend niyang si Benjamin Alves na mag-guest sa kanyang concert.

Okay na raw kay Benjamin na manood na lang ng concert kasama ang mga fans ng Kapuso actress.

“Hindi ko na siya pinilit. Nahihiya raw kasi siya.

“But the most important thing is nandoon siya and he will have a great night watching it with the people who genuinely support me,” ngiti pa ni Julie.

Pinaghandaan daw ni Julie ang kanyang concert dahil sa tema nito na different stages of love.

“’Yung concept po kasi ng show is about the stages of love.

“Since malapit na po ang Valentines Day, parang pre-Valentine concert na rin ito for everybody.

“Marami po kaming hinandang production numbers.

“Magkakaroon ako ng mga medleys of different love songs since ang concept nga po namin ay different stages of love.

“Yung stages of love, yung getting to know, tapos nasa relationship na kayo, tapos darating yung magkaaway na kayo, hanggang sa break up, and then moving on stage,” aniya.

Makikita sa aura ni Julie na masaya ito sa kanyang love life with Benjamin.

Though ayaw pang i-reveal ni Julie kung gaano na sila katagal ni Benjamin, tama na raw yung nakikitang masaya siya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ano ang nakikita niyo sa akin ngayon, I guess it’s very easy to tell na happy po ako.

“Hindi lang si Benj ang nagpapasaya sa akin, nandiyan ang family ko, my friends, the fans and marami pang dahilan para maging masaya.

“Like itong concert ko, I’m happy that natuloy na and I like to share whatever love I have sa marami.”

Isa sa production numbers ni Julie ay ang pag-awit niya ng No. 1 single niya ngayon na "Nothing Left."

Kamakailan lang ay nag-No. 1 ito sa iTunes Philippines sa loob lamang ng thirty minutes matapos ang release nito.

“Overwhelming po ang response sa single ko na 'Nothing Left.'

“Matagal din po kasi ako hindi nakalabas ng bagong single. Kaya magandang sign itong pagiging No. 1 ng 'Nothing Left' sa iTunes Philippines.

“I'd like to thank Universal Records for all their support.

“Yung vision ko po sa music na gusto kong gawin ay all out ang support nila,” sabi pa ni Julie Anne na may ilalabas na bagong album sa middle part ng 2018.

SINGERS SHE'D LIKE TO WORK WITH. Aminado si Julie Anne na maraming OPM singers ang gusto niyang makatrabaho in the future. Ito ang dahilan kung bakit umalis siya ng GMA Records at lumipat sa Universal Records.

Nang tanungin kung sino-sino ang mga singers na ito, sagot niya: "Gary Valenciano... I also want to collaborate with Ate Jona Viray.

"Si Gary po talaga, 'yan yung mga ultimate."

Gusto ring makatrabaho ni Julie Anne si Sarah Geronimo dahil idol niya ang Kapamilya singer.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN