Balladeer Jonas David gets inspiration from these two Kapamilya singers

IMAGE Courtesy of Ivory Music

Jonas David, a singer from Pampanga, delivers Christmas message via Kapampangan song "Mamasku Ta Pampanga": "Na-a-amaze nga po ako na nakagawa ko ng isang song na ganito. Yun nga pong ibang nakarinig na ng song na Kapampangan umiyak sila."


Paboritong singer ng balladeer from Pampanga na si Jonas David si Gary Valenciano.

Aniya, “Kasi frustration ko po yung sumayaw, e!

“Naa-amaze ako kapag ang isang singer magaling sumayaw, magaling kumanta, magaling ding mag-compose.”

Frustrated dancer si Jonas, pero sabi niya, “Puwede po sigurong matuto.”

Paborito ni Jonas na kanta ni Gary ang “Narito.”

Magkakilala na raw sila ni Mr. Pure Energy. Kuwento ni Jonas, “Sa Aliw Awards, 2009, matagal na… Mabait po siya.”

Isinama lang daw siya ng isang kaibigan na manood, at na-introduce raw siya kay Gary.

Isa sa mga achievement ni Jonas ay ang makagawa ng melody ng isang kanta para kay Jed Madela noong 2010.

“Yun pong kanta niyang 'Let Go' na nasa Breathe Again album, iyon po yung all-original songs na album ni Jed.”

Ironically, hindi pa raw sila nagkakakilala ni Jed.

“Hindi ko nga po siya nakita nung ni-record niya yung song, e,” at natawa si Jonas.

“Kinuha lang niya po yung song… in-email ko po yung song sa kanya,” aniya, at napili naman ito ni Jed.

Ang Universal na raw ang umayos para mai-record ni Jed ang kanta ni Jonas.

“Dalawa po kami, yun pong lyrics kay Mitch Felicitas Santos, sa akin po yung melody.”

Paborito niya si Gary, bakit hindi kay Gary siya nag-email ng kanta?

“Hindi ko po alam ang email niya, e,” at tumawa si Jonas.

Pangarap daw ni Jonas na makilala ng personal si Jed, isa sa pinakasikat at pinakamahusay na male singers sa Pilipinas.

Ano ang pakiramdam na nakamarka na ang pangalan niya sa isa sa mga kanta nito?

Tugon ni Jonas, “Masarap po, masarap yung feeling.

“Siyempre, hindi ko po maisip na nagawa ko yun.

“Iyon po yung gusto kong gawin noon after that.

“Ayoko sanang ako yung kumakanta gusto ko yung iba.”

Nais rin daw ni Jonas na makalikha ng isang melody para kay Lani Misalucha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanga raw siya dito, “I find her very amazing talaga.

“Her versatility, kaya niyang mag-classical, kaya niyang mag-pop, na-a-amaze ako sa kanya!”

KAPAMPANGAN CHRISTMAS SONG. Sa ngayon ay nakapirma si Jonas ng kontrata sa Ivory Music & Video kung saan inawit niya ang Kapampangan Christmas song na “Mamasku Ta Pampanga.”

“It is also the first original Kapampangan song na naka-distribute po worldwide, digitally,” sinabi pa ni Jonas.

Ang lyrics ng “Mamasku Ta Pampanga,” na ang ibig sabihin ay Let’s Celebrate Christmas in Pampanga, ay sinulat ni Benny Guinto.

Proud si Jonas na nasa music history na siya ng Pampanga.

“Saka na-a-amaze nga po ako na nakagawa ko ng isang song na ganito.

“Yun nga pong ibang nakarinig na ng song na Kapampangan umiyak sila.”

Ang kanta raw ay tungkol sa kung  paano ipagdiwang ang Pasko the Kapampangan way.

“Kung paano po yung closeness ng family, yung ganun.

“Saka yung extraordinary Christmas in Pampanga, kasi kami nga po ang Christmas capital, di ba?”

Ano ang extraordinary Christmas sa Pampanga?

Ayon kay Jonas, “The hospitality of the people po, the food, the place.

“Talagang masasabi kong we are the Christmas capital, talagang extraordinary po yung Pasko sa amin.”

Inspiration rin daw ni Jonas sa pagkanta ang American gospel singer na si Yolanda Adams.

Nanggaling si Jonas sa Emmanuel Music, isang gospel recording company, bago ito pumasok sa mainstream recording.

Dati rin siyang miyembro ng gospel group na Boys For God.

Gumagawa rin si Jonas ng mga singles para sa mga restaurants at hotels tulad ng Cabalen Restaurant, Mystique Lane Hotel,

The Orchid Gardens, at para sa Philippine Dental Association, among others.

Nakapag-front act na rin siya sa Madrigal Singers at sa mga artists tulad nina Kuh Ledesma, Dulce, Bituin Escalante, Kitchie Nadal, at Sponge Cola.

May negosyo ring native Kapampangan delicacies ang pamilya ni Jonas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, maaaring i-download ang “Mamasku Ta Pampanga” sa Spotify, Amazon, at iTunes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN