Ogie Alcasid laments effect of high ticket prices for foreign act concerts

IMAGE Noel Orsal

Ogie Alcasid: "Kumakatok ako sa gobyerno, bakit gano'n kataas ang presyo ng tickets [ng foreign acts]?"


Naglabas ng kanyang hinaing si Ogie Alcasid kaugnay ng nalalapit na pagdating ng mga foreign act concerts dito sa Pilipinas.

Ang hinaing ni Ogie ay tungkol sa mataas na ticket prices sa mga foreign concerts kaya tuloy marami sa mga Pinoy ang nagpupunta pa sa ibang bansa para manood.

“Kasi everytime na lang 'yan ang problema,” saad niya. 

“Laging mas mura sa Singapore, laging mas mura sa Hong Kong, sa Korea.

“Kahit ipagsama mo yung ticket mo sa eroplano, yung hotel mo, mas mura pa rin lumalabas.

“So, hindi natin puwedeng sabihing, teka, may problema di ba?

“Siguro sana, kumakatok ako sa gobyerno, bakit gano'n kataas ang presyo ng ticket?

“Ako mismo, gusto kong manood, bumili ako ng tiket sa Bruno Mars.

“Kasi siyempre, gusto ko yung nasa harap ako. Ang mahal-mahal ng ticket.

“Pero wala naman kaming choice kasi yun ang presyo ng ticket nila.”

Nag-ugat ang usapin tungkol sa foreign concerts dito sa Pinas at ang paglabas ng mga Pinoy concert-goers sa ibang bansa para manood, dahil sa lumabas na ang line-up ng mga darating na international artists na magtatanghal sa bansa ngayong 2018.

Nabanggit ito sa presscon para sa Valentine show na #Pa-More, na gaganapin sa MOA Arena sa February 10 at kinatatampukan nina Ogie, Martin Nievera, Regine Velasquez, at Erik Santos.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ogie matapos ang presscon proper, tumanggi siyang magsalita pa tungkol sa kung ano ba ang dapat na stand ng gobyerno sa usaping ito.

Sabi niya, “Well, ang punu’t-dulo niyan hindi natin alam ang dahilan.

“Lahat tayo nagi-guess, bakit ang mahal? Mahal ba ang TF [talent fee] nila?  Bakit mas mura sa Singapore?

“Hindi natin masu-solusyunan 'yan kung hindi natin alam ang root ng problema, bakit mas mahal?

“Tignan natin visually, kung ang talent fee ng foreign act ay two million [U.S.] dollars, ganon ba ka-eksakto yun? Kung titignan mo yung number of tickets na P50,000 gano'n.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakaramdam din ng disappointment si Ogie dahil sa willingness ng audience bumili ng ticket para sa foreign act concerts, kahit pa napakamahal nito.

Sinabi niya na pag foreign acts, walang alinlangang nagbibilihan ang mga manonood kahit napakamahal ng ticket price nito, samantalang concerts nilang OPM artists ay nagdadalawang isip pa ang bibili kahit hindi pa aabot sa P10,000 ang presyo.

Patuloy pa ni Ogie, “Well, wala naman kaming magagawa diyan dahil right ng consumer 'yan, kung gusto nilang gumastos ng P50,000 na ticket price ng Madonna concert, or P8,000 pesos for Regine.

“That’s their right. There’s nothing we can do about that.

“Maganda yung point na brining-up kanina na sana yung sponsors natin will open up their resources to the local industry, dahil diyan nabubuhay yung local industry pag sinusuportahan ng local sponsors natin,.

“We appeal to the big companies na sana suportahan natin yung mga local concerts natin.”

Maaaring ang pagiging overexposed ng mga local artists ang isa sa mga punto kung bakit nahihirapan na ring ibenta sa market ang kanilang shows lalo’t marami sa kanila ay nakikita na sa telebisyon.

Sumasang-ayon namang nagbigay reaksyon niya si Ogie.

“Maari,” sambit pa niya.

“Siyempre, minsan-minsan mo lang naman nakikita dito si Bruno Mars.

“Kami linggu-linggo, araw-araw. Pero yung mga maliliit, yung mga bagong singers, imagine kailangan nilang mag-pondo nang malaki para makagawa ng concert.

“'Tapos pag wala silang sponsor malulugi sila. Hindi tulad naming mga established na, meron nang nanonood sa amin.

“So, we have a core audience who comes to our concerts, meron na rin kaming sponsors. Iniisip ko lang yung iba.”

Ano ba ang dapat palakasin ng OPM para mabalik yung init ng pagtanggap sa mga local artists sa concert scene?

Tugon ni Ogie, “Kailangan talaga maging involved ang gobyerno natin.

“Kailangan maging involved ang mga mambabatas natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan makita nila ang example nang nangyari sa Korea.

“Ang Korea ginamit nila ang arts, ang music [para] mapagana nila yung ekonomiya nila, maging catalyst yung arts and music, yung mahalin nila yung sarili nilang music.

“Ngayon, isa na siyang international brand.

“Lahat ng mga tao sa buong mundo lukang-luka sa BTS, mga ganyan. Yung Goblin [Korean series sa ABS-CBN] pati ako nanonood.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN