Julie Anne San Jose to sing "hugut-hugot" songs in upcoming concert

IMAGE Noel Orsal

Looking forward si Julie Anne San Jose na makasama ang mga taong nagmamahal sa January 25 concert niya sa Music Museum. Kakantahin daw kasi niya rito ang mga awiting siya mismo ang nag-compose. 


Feeling nasa cloud nine pa rin si Julie Anne San Jose ngayon dahil sobrang successful ang  3 Stars 1 Heart concert nila ni Regine Velasquez at ni Christian Bautista noong nakaraang Sabado, January 20, sa Waterfront Hotel, Cebu City.

Kaya inspired ang tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart sa nalalapit naman niyang concert. Titled #Julie, gagawin ito sa darating na Sabado, January 27, sa Music Museum.

Kasabay na rin ito ng launching ng bago niyang single na “Nothing Left.”

Ang tema ng kanta ay ang pagbibigay ng isang nagmamahal sa kanyang buong puso sa kanyang iniirog.

Paano kaya niya ito mai-a-apply sa kanyang concert?

Kuwento ni Julie Anne, “Well, kasi most naman po sa mga songs na kakantahin ko is about love.

"Tapos, may mga breakup stage din po.

"Hindi naman po natin maiiwasan na magkaroon ng mga hugut-hugot na ‘yan.

“And I think through the songs na kakantahin ko ay makaka-relate ang mga tao.”

Magiging intimate celebration daw ang kanyang paparating na concert at kakantahin din niya ang iba pa niyang bagong kanta na siya mismo ang nag-compose.

Rehearsals for #Julie today. See you on Jan 27 @ Music Museum ??

A post shared by Jules San Jose (@myjaps) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN