JC Santos faces new challenge as recording artist: "Ang hirap pala."

IMAGE Mark Atienza

JC Santos on finally fulfilling his longtime dream of becoming a recording artist: "Akala ko madali lang siya, ang hirap pala. Studio setting, e. Sanay ako na buga lang nang buga."


Last January 30 ay pumirma ng kontrata si JC Santos sa Star Music para tuluyan nang tuparin ang matagal na niyang pangarap na maging isang recording artist.

Ayon nga sa singer/actor, dito niya napatunayan na iba pala ang challenge ng recording sa sa pag-arte.

“Iba yung feeling pero pare-pareho yung kaba.

“Iniisip na namin ito dati kasi inaral ko yung tatlo [acting, singing, dancing].

“Kumbaga, sa theater kailangang mag-aral ka ng tatlo. Ngayon, inuna namin yung acting.

“Saka na lang natin sabihin na, 'Ahh, nakakanta ka, eventually na rin na nakakasayaw.'

“Nasa second stage kami ngayon, it’s part of the strategy and it’s good enough na nakausap namin sila Sir Roxy [Star Music head Roxy Liquigan], si Sir Jonathan [Manalo, Star Music audio content head], binigyan nila ako ng song.

“Nakapag-record ako ng single, yung Puwede Naman.

“Actually, it’s the first time na nakapag-record ako in my life.

“Akala ko madali lang siya, ang hirap pala.

“Studio setting, e. Sanay ako na buga lang nang buga.

“Sa theater, mas malakas, e.

"Ito, parang katabi mo lang o kaharap mo lang ang kausap mo,” kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

ALBUM THEME. Agad naming tinanong si JC kung ano ang laman ng single niyang "Puwede Naman" at ng ilu-launch niyang album sa February 8.

Lahad niya, “Yung theme ng album, puwede siya sa lahat ng gender, laging hopeful.

“Yun ang napag-usapan naming theme, and agree naman ako dun sa concept nila na yun—asking for love.”

SONGWRITING PLANS. Sa kabila ng pagiging isang singer, gusto ring subukan ni JC ang pag-compose ng mga kanta at maging isang mahusay na composer.

Sabi pa ni JC, “Hopefully, gusto kong tahakin ang landas na ‘yan.

“Habang busy pa dito sa acting, at least mayroon akong Star Music na laging sumusuporta sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Eventually, I'll go for that.

“Mukhang mapupunta ako sa moving on.

“Mayroon akong mga series ng journals dati, plano ko silang palapatan eventually.”

Sino kaya sa mga singers natin ang gustong ma-collaborate ni JC sa hinaharap?

Saad niya, “Mayroon eventually, gusto kong makasama si Jona [Jonalyn Viray].

“She’s amazing, fan ako ni Jona.

“Hopefully, makasama ko si JM [de Guzman] sa ganito, matagal na kaming magkaibigan and naisip namin itong before.

“Kasama ko siya dati na naggigitara lang kung saan-saan.”

Bukod sa album, isa rin palang concert ang pinaghahandaan din ng singer/actor.

Pakli niya, “May plan for a concert sa Music Museum.

“Wala pang date pero soon.”

CHANNELING HIS HEARTACHES. Open book na hindi naging maganda ang paghihiwalay ni JC at ng theater actress/ex-girlfriend niyang si Teetin Villanueva kunsaan nakuwestiyon ang loyalty at faithfulness ng aktor sa kanilang relasyon.

Bagamat nasaktan si JC sa kanilang breakup, inamin naman niyang nagsilbing aral ito para sa kanya, at tuluyan na rin niya itong pinaghugutan ng emosyon na maara niyang magamit sa kanyang mga awitin.

“Mayroon.

“Di ba sabi nila pag naririnig mo yung song masaya ka, pero pag naiintindihan mo yung, may pinagdadaanan ka.

“Marami akong naiintindihang kanta,” makabuluhan niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN