Actor-producer RJ Agustin signs up with Star Music

Actor-producer RJ Agustin (third from left) is ecstatic about the fruition of his dream of becoming a recording artist: "Ito na talaga! Excited na akong makatrabaho silang lahat dito sa Star Music. Please watch out for my new single coming out very soon."


Natupad na ang matagal nang pangarap ng singer-actor na si RJ Agustin na makahilera ang mga top singers ng bansa sa pagpirma niya sa Star Music Philippines noong nakaraang January 24.

Ang Star Music Philippines (formerly Star Records) ang record label ng mga top-selling local musical artists tulad nina Erik Santos, Angeline Quinto, Daryl Ong, Morissette Amon and Jake Zyrus.

Kabilang si RJ sa iko-co-manage ng Star Music together with Firestarters Artists Management (FAM).

“Ito na talaga! Excited na akong makatrabaho silang lahat dito sa Star Music.

“Please watch out for my new single coming out very soon,” pahayag ni RJ sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) during his contract signing with Star Music kasama ang Star Music head na si Roxy Liquigan at Jonathan Manalo.

ACTING STINTS. Ama ni RJ ang ‘80s action director/producer na si Arturo “Boy” San Agustin, kaya nagsimula ito bilang aktor sa pelikulang Talamak at sa mini-series ng GMA News TV na Katipunan noong 2013.

Pinasok din ni RJ ang pagiging producer tulad ng kanyang ama.

Pinrodyus niya via Firestarters Productions ang critically-acclaimed 2014 Cinemalaya entry na 1st Ko
Si 3rd kunsaan bida si Nova Villa at ang 2016 Metro Manila Film Festival entry na Kabisera na bida si Nora Aunor.

FIRST LOVE. Pero ang pag-awit ang tunay na hilig ni RJ kaya enjoy ito kapag may mga bar gigs siya.

“Kahit sa videoke, basta kinatsawan ako ng tropa, kakanta talaga ako.

“Singing is a big part of who I am kaya malaking blessing ang pagdating ng Star Music sa pag-manage sa career ko.

“Aside from singing, I would also like to write new songs.

“Dun ko mailalabas ang pagiging true musical artist natin,” pagmamalaki pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN