Regine Velasquez jokes about reason for staying with GMA-7: "Ang laki ng suweldo ko dun."

IMAGE MOA Arena Instagram

(From left) Martin Nievera, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, and Erik Santos give superb performances at their pre-Valentine concert, #paMORE, held Saturday night, February 10, at MOA Arena.


Successful ang sold-out Valentine concert nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, at Erik Santos na #paMORE sa Mall of Asia Arena kagabi, February 10.

And we kick off #PAMORE with this gorgeous opening!

A post shared by Mall of Asia Arena (@moaarena) on

Bukod sa mga nakamamanghang performances ng apat na kilalang singers, naaliw rin ang mga manonoood sa paminsan-minsang biruan ng apat sa pagitan ng kanilang production numbers.

Isa sa mga nakapukaw ng pansin ng mga manonood ang palitan ng hirit nina Regine at Erik.

Ito ay pagkatapos batiin ng Kapamilya singers na sina Martin, Ogie, at Erik ang mga malalapit na taong sumuporta sa kanilang concert na karamihan ay mga taga-ABS-CBN, katulad nina Vice Ganda at Angeline Quinto.

Hirit ni Regine, "Ako lang taga-Channel 7."

Sagot naman sa kanya ni Erik, "Malay mo, Ate, malapit na."

Pero agad na sumagot si Regine, "Hindi, okay naman ako.

"Malaki ang bayad ko. Ang laki ng suweldo ko dun."

Dinig na dinig ang tawanan ng mga manonood dahil sa hirit ni Regine.

"NEVER ENOUGH." Samantala, kapansin-pansin ang bahagyang paos na boses ni Regine sa ilang mga kantang inawit niya.

Gayunman, marami pa rin ang humanga sa kanyang performances na karamihan ay kinakailangan niyang bumirit.

Katulad na lamang ng rendition niya ng "Never Enough" mula sa Hollywood movie na The Greatest Showman.

Ilang araw bago ang concert ay nagpatikim na si Regine sa fans ng kanyang gagawin sa concert.

May disclaimer pa siyang, "Huwag masyadong taasan ang expectations para wag ma disappoint"

Ngunit kahit may kaunting paos ay napakaganda pa rin ng kinalabasan ng pag-awit niya ng "Never Enough."

Pinalakpakan din nang husto ang magkakahiwalay na duet niya kina Ogie, Martin, at Erik.

ERIK HAS ARRIVED. Naging highlight din ang pagkakasama ni Erik sa grupo, dahil siya ang pinakabata sa apat na singers.

Sa bandang umpisa ng concert ay sinabi ni Ogie, "Alam mo, Erik, ikaw ang dapat palakpakan.

"Kita mo naman, you have arrived, Erik Santos."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Regine, "It is time," para magkaroon ng solo concert si Erik sa MOA Arena para sa kanyang 15th anniversary celebration.

Isa sa mga pinalakpakan nang husto sa performances ni Erik ay ang duet nila ni Martin, kung saan kumanta sila ng medley ng Broadway musicals.

@eriksantos and @martinnievera singing "You'll Never Walk Alone." #paMORE

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

#paMORE HIGHLIGHTS. Sa pre-Valentine concert na ito, ibinahagi rin nina Ogie at Regine ang paborito nilang hobby ngayon—ang manood ng mga Koreanovela.

Isa sa mga kinahuhumalingan daw nila ay ang Goblin, na isinalin sa Tagalog at ipinalabas sa ABS-CBN.

Dahil dito ay magkasama nilang kinanta ang theme song nitong "Beautiful."

Kasunod nito ay ipinarinig ni Ogie ang kanyang bagong composed na "Korean" song, ang "Taba Kuna Bes," na sa katunayan ay may Tagalog lyrics ngunit ginawang tunog Korean.

Watch: Ogie Alcasid's new "Korean" song! ???????????? #paMORE

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Nagkaroon din ng isang segment kung saan kinanta nilang apat ang mga popular na kantang isinulat ni Ogie.

Samantala, binigyan naman ng mga manonood ng standing ovation ang Concert King na si Martin Nievera, na ipinagdiriwang ang kanyang 35th showbiz anniversary ngayong taon.

Umani rin ng masigabong palakpakpakan ang pagkanta niya sa finale ng "What Kind of Fool Am I," na madalas na kinakanta ni Regine.

Martin Nievera and Regine Velasquez singing "What Kind of Fool Am I" #paMORE

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN