Marion Aunor tapped to produce songs for Leila Alcasid's debut album

Singer-turned-music producer Marion Aunor on working with Leila Alcasid for her debut album: "Pumunta pa ako sa bahay nina Leila para magkuwentuhan kami tungkol sa lovelife niya, mga experience niya para nga yung personality niya, mailagay talaga sa song. Very hands on din naman si Leila."


Kahit hindi siya naging active sa music industry noong nakaraang taon, hindi nawala sa sirkulasyon si Marion Aunor dahil nag-compose siya ng mga kanta para sa ibang mga singer.

Si Marion ay pamangkin ng Superstar na si Nora Aunor.

Ang kanyang ina ay ang dating singer na si Maribel “Lala” Aunor, na kapatid ni Nora.

Ngayong nagbabalik siya, naka-focus ang atensyon ni Marion sa pagiging singer niya at pagsusulat ng mga kanta tulad ng "Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko," ang official theme song ng Ang Pambansang Third Wheel, ang upcoming movie nina Yassi Pressman at Sam Milby.

COMPARISON. Nang magpahinga si Marion, biglang lumitaw si Moira dela Torre kaya hindi maiwasan na pagkumparahin sila.

“Friend ko naman po si Moira.

“I’m very proud sa mga accomplishment niya niya at kung may ganoon na sounds sa industry, parang nakaka-happy na may bagong sounds sa OPM na nagiging mainstream,” sagot ni Marion sa pilit na pagkukumpara sa kanila ni Moira.

MARION AS MUSIC PRODUCER. Bukod sa plano niya na mag-concentrate bilang singer, si Marion ang producer ng ilan sa mga kanta sa debut album ni Leila Alcasid, ang panganay nina Ogie at Michelle Van Eimeren.

Kuwento niya, “'Completely In Love' at saka 'Fallin’ for You' ang dalawang singles na ginawa ko para kay Leila.

“And I think may third single pa na ipinapasulat sa akin.

“And then, yun nga yung first na ginawa ko as producer for Star Music.

“Pumunta pa ako sa bahay nina Leila para magkuwentuhan kami tungkol sa lovelife niya, mga experience niya para nga yung personality niya, mailagay talaga sa song.

“Very hands-on din naman si Leila.

“Yung sa album niya, I was given the chance na ganoon ang maging atake namin sa songwriting, mas personal.

“Lagi nga ako ninenerbyos kapag nandiyan si Sir Ogie Alcasid, kung ano ang sasabihin niya pero very welcoming siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi pa niya, 'Okey lang, kapag may gusto ka na gawin na changes, puwede nating pabalikin si Leila sa studio.'

“Tinatanong niya ako like, 'What do you think of her record?'

“Very humble siya, down-to-earth.”

RECORDING CONTRACT. Tapos na ang kontrata ni Marion sa Star Music kaya lumipat siya sa Viva Records.

Nilinaw ni Marion na may mga project pa rin siya sa Star Music bilang songwriter kahit exclusive ang kontrata niya sa Viva Records.

Paglinaw niya, “I have a good relationship with Star Music.

“Open pa rin ako sa mga projects with them and everything.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN