First and last 'Philippine Idol' Mau Marcelo returns to Viva Entertainment


"Paminsan-minsan po ay nakakapanood din ako ng PinoyIdol pero hindi ko po natutukan. Nang malaman ko po na hindi akoni-recognize, nasaktan din po ako, pero slight lang. At least po, ako angkauna-unahan at kahuli-hulihang tinawag na ‘Philippine Idol,'" says Mau Marcelowhen asked for her reaction about not being recognized as the first winner ofthe Philippine version of American Idol.



Balik sa Viva Entertainment si Mau Marcelo, ang tinanghal nafirst and last Philippine Idol in 2006. Unang naging Viva artist si Maupagkatapos niyang maging finalist ng Star For A Night in 2002, kung saansi Sarah Geronimo ang naging champion.

Nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal)sa Viva office sa 6th floor ng Tektite Bldg., Pasig City,ikinuwento niya kung paano siya muling bumalik sa Viva.

"Nakausap ko po sa isa kong corporate show ang isangtaga-Viva office at kinumusta ko sa kanya si Ma'am Veronique [DelRosario-Corpus, head ng Viva Artist Center] at hiningi ko ang cellphone numberniya," kuwento ni Mau. "Pero hindi pa po ako nakatatawag sa kanya,ipinatawag na niya ako. Nag-usap kami pero sabi niya, kailangan ko munangayusin ang release paper ko sa Fremantle [FremantleMedia, American Idolowner], dahil sila ang bale in-charge sa akin, after na nanalo ako sa PhilippineIdol.

"Si Ma'am Sandra [Chavez] na po ang nag-asikaso ngrelease paper ko sa kanila dahil siya po ang in-assign ng Fremantle na siyangmag-manage sa akin. Nagpa-release na rin po ako sa kanya kahit sa December2009 pa matatapos ang contract ko sa kanya as my manager. Naayos na po, kayanakapag-sign na rin ako ng five-year contract sa Viva Artist Center two weeksago."

Nalaman ba niya ang pagkakaroon ng Pinoy Idol ngGMA-7? Ano ang naging feeling niya nang hindi siya kinilala bilang firstwinner ng Philippine version ng American Idol?

"Paminsan-minsan po ay nakakapanood din ako ng PinoyIdol pero hindi ko po natutukan. Nang malaman ko po na hindi akoni-recognize, nasaktan din po ako, pero slight lang," natatawang wika niMau. "At least po, ako ang kauna-unahan at kahuli-hulihang tinawag na‘Philippine Idol.'"

Naubos na ba ang napanalunan niyang one-million-peso cash prizenoon?

"Hindi pa po naman. Although hindi po naman ako talaganabigyan ng mga shows, maliban sa ilang corporate shows, at wala rin namangnaibigay na show sa akin ang ABC-5 para sa one-million management contract ko sakanila, ibinigay po naman nila sa akin iyon. For twelve months tumanggap po akong P85,000. Kaya iyon po ang ipinagpatayo ko ng isang musical and dance schoolsa amin sa Lucena, last March. Bumalikna po ako roon dahil medyo mabigat na rin iyong may nirerentahan akong bahay saQuezon City, ‘tapos wala naman akong trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

As young as four years old ang mga nag-aaral sa kanyang musicschool, pero no age-limit sa kanya, basta may gustong matutong kumanta atsumayaw. Sino ang katulong niya sa management ng kanyang music and danceschool?

"Katulong ko po ang husband ko sa pagma-manage, sakanya ko iniiwanan kapag ganitong pumupunta ako ng Manila o may show ako. Peromay mga teachers po akong katulong sa pagtuturo sa music, bukod sa mga danceteachers na nagtuturo ng ballroom dancing, belly dancing and hip-hop. Mayroon din akong teachers na nagtuturo sapagtugtog ng gitara at piano.

"May recital na nga po kami sa November 8 sa QueenMargaret Court sa Lucena, 20 students din po silang magpi-perform."

Nalungkot lamang si Mau nang kumustahin namin ang debutalbum niya dahil wala pa raw maisagot sa kanya ang Sony-BMG Music kapagtinatanong niya.

Kumusta naman ang mga anak niya, mahilig din ba sila sapagkanta?

Kuwento ni Mau, "Ang eldest ko po, si Tricia, she's six years old na, atmadalas siyang mag-join ng mga amateur contests at lagi naman siyang nananalo.Nakakatuwa nga po kapag dumating siya at iaabot niya sa akin ang premyo niya.Hindi naman po pare-pareho ang first prize, depende po sa amateur contest nasinalihan niya. Minsan, P5,000, minsan P3,000. Iyong bunso, siPaolo who's two years old, alam na rin niyang kantahin ang mga kinakanta ng ateniya, kaya lang, pautal-utal pa ang pagkanta niya, pero nasa tono."

If ever ba, gusto rin niyang mag-artista?

"Why not, kung bibigyan po ako ng chance, pero sigurosa comedy lang, iyon lang po ang kaya ko."

Iyong kotseng binili niya after winning in PhilippineIdol?

"Nasa akin pa rin po, iniingatan namin iyong KiaCarnival, iyon lang po ang kaisa-isa kong souvenir ng Philippine Idol. Pero kapag nakaipon pa po ako, gusto ko ringmakapagpundar ng isang grocery, kahit po maliit muna."

Susundan pa ba nila si Paolo?

"Hindi na po, tama na silang dalawa, ang hirap po ngbuhay ngayon, gusto lang naming mabigyan sila ng magandang future, kaya kaminagsisikap na mag-asawa," nakangiting patapos ni Mau.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN