KZ Tandingan recalls bonding moments with her idol Jessie J in Singer 2018

IMAGE Courtesy: @kztandingan on Instagram

KZ Tandingan (right) talks about her bonding moments with her idol, international pop sensation Jessie J (left), during their stint at China's reality singing competition, Singer 2018: "Nakakalula pa rin na I get to talk to her pag nagte-taping. Bonding moments? Oo, kasi itong mga past episodes, magkasunod kaming mag-perform, so pag nandun na sa holding area, magkatabi kami palagi."


Ang isa sa mahigpit na kakumpetensiya ni KZ Tandingan sa Chinese reality singing competition na Singer 2018 ay ang kanyang idolo—ang international pop superstar na sa Jessie J.

Natutuwa naman si KZ dahil kahit na namumukod-tangi si Jessie dahil sa kanyang kasikatan ay mabait daw ito sa kanya at lagi raw nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob.

Kuwento niya, “Sobrang warm niya saka aside nga kasi na kaming dalawa lang yung nag-i-English sa lahat ng grupo, lalo kaming nagkakaroon ng chance na mag-usap.

“'Tapos, yung rooms namin magkatabi, na kapag kumatok ako sa dingding, dingding din niya, so dinig din niya.

“Nakakalula pa rin na I get to talk to her pag nagte-taping.

“Bonding moments? Oo, kasi itong mga past episodes, magkasunod kaming mag-perform, so pag nandun na sa holding area, magkatabi kami palagi.

“'Tapos, palagi siyang parang may isang tray na puro pagkain, 'tapos nag-aabot siya ng mga pagkain habang nagte-taping kami, nagtsi-chikahan.

“Even nung first time namin na nag-meet, bago ako kumanta ng 'Rolling In The Deep,' yung performance ko nun, napalaking parte nun, kung gaano ako nagigil sa stage ay dahil na-meet ko siya prior to the performance.

“Nung pumasok ako dun, di ko alam kung ano ang i-expect, e.

“Siyempe, I’m in a territory na wala pang Filipino ang nakaka-experience ever, walang magtuturo kung ano ang dapat kong gawin kasi ako yung pinakauna.

“Nung pumunta ako dun, punung-puno ako ng takot, puno ng doubt na di ko alam kung ano ang mangyayari.

“Pero nung nag-usap kami sabi niya, 'Just sing your heart out. Don't let the rankings define you.'

“Imagine, out of all the singers that could have been chosen to be part of the show, you are part of the seven, so yun palang panalo ka na.'

“Parang mas na-inspire pa ako na kung anuman ang mangyari, matanggal man ako o hindi, at least I got the chance to perform onstage and show the world who I really am.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa nakaraang Cornerstone Concerts Media Night na ginanap sa Luxent Hotel noong nakaraang March 5.

NO COMPETITION. Kahit pareho silang contestants ni Jessie sa Singer 2018, wala raw sa isip ni KZ na kakumpetensiya niya ang kanyang idolo.

Lahad niya, “Ang kapal ng mukha ko kung sasabihin kong makikipag-compete ako sa kanya.

“Di ko nga iniisip yun na parang competition talaga siya, pero I’ll be lying naman pag sinabi kong ayokong manalo.

“Kasi kung ilalagay ko sa puso ko at sa isip ko na I’m competing against these amazing artists, ako lang ang mahihirapan.

“Saka nga naniniwala ako na if you’re in a race and you’re focusing not on your path, nagpo-focus ka sa path ng iba mong kasabay, mas lalo kang may chance na mag-drift, mas lalo kang may chance na mabunggo.

“Focus on your craft.

“Ako, gusto kong mag-focus sa performance ko kung ano ang gagawin ko week per week.

“Ang tanging competitor ko ay ang sarili ko.

“I always make sure na every week mahigitan ko kungdi ko man matapatan yung performance ko nung previous week.”

CHOICE OF SONGS. Isa sa inaabangan ng mga Pinoy fans na kantahin sana ni KZ sa show ay ang kantang “Anak” na pinasikat ni Fredie Aguilar.

Ayon sa singer, kahit na gusto niyang kantahin ito, ang mga tao sa likod pa rin ng Singer 2018 ang magdedesisyon dito.

“Di ko talaga masabi, e.

“Sila ang namimili.

“Mayroong mga suggestions pero sila ang nakakaalam kung ano raw yung gusto ng audience, kung ano yung gusto ng Chinese audience.

“Sila yung nagde-decide.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN