Sam Milby to sing a duet with Arnel Pineda on "Rockoustic Heartthrob" concert

by Ambet Nabus
Oct 18, 2008
Heartthrob Sam Milby will stage a major concert on October 25 in Aliw Theater. Titled I Am Sam: Rockoustic Heartthrob, The Concert, Sam will sing songs from different genres. He will also have a number with The Journey's Arnel Pineda.


Sa upcoming concert ni Sam Milby na I Am Sam: Rockoustic Heartthrob, The Concert on October 25 sa Aliw Theater, makaka-duet niya bilang isa sa kanyang guests ang internationally-renowned lead singer ng The Journey na si Arnel Pineda.

"I'm pretty excited. I love rock music and I am really looking forward kung ano ang kakantahin namin," saad ni Sam sa PEP (Philippine Entertainment Portal), during his presscon last Tuesday, October 7, sa ABS-CBN.

Although wala naman daw seryosong susunding theme ang Rockoustic Heartthrob, asahan daw ng mga kanyang mga fans and supporters ang "variety" ng sound and music dahil sa line-up of guests niyang kinabibilangan din nina Pokwang, Yeng Constantino, at Anne Curtis.

"Kung ano lang yung nakasanayan ko since I started to learn how to sing, yun ang maririnig ninyo—rock, pop, at mga love songs," sabi ni Sam.

Si Johnny Manahan ang magiging director ng concert ni Sam sa ilalim ng produksiyon ng ASAP Live. Makakasama rin niya rito ang G-Force with Georcelle Dapat as choreographer.

Continue reading below ↓

"It's a very different discipline [playing guitar and singing] kumpara sa acting. But I both love them, I both enjoy them, so please don't ever let me choose for only one. Without the other, I could be invalid," sagot ni Sam bilang reaksiyon sa magagandang komento na isa lamang siya sa mga bagong artista ngayon na kayang mag-excel sa pagkanta at pag-arte.

Patuloy na napapakinggan sa airwaves ang latest album niyang A Little Too Perfect, kung saan nag-gold na ang carrier single nitong "Mahal Pa Rin Kita."

Ibinabalik lamang daw ni Sam niya through his music and songs ang anumang magagandang blessings na nakukuha niya at naibibigay rin sa kanya ng mga tao.

Bukod sa mga regular shows niyang Dyosa at ASAP '08, on-call pala si Sam bilang spokesperson sa mga schedule ng Department of Education Center for Students and Co-curricular Affairs.

"Kapag may mga events po sila na kailangan ako, I give them time," pahayag nito sa PEP.

Continue reading below ↓

Pinakanae-enjoy nga raw niya ang pakikipag-usap sa mga mag-aaral at malaman sa mga ito ang iba't ibang isyu sa buhay. May balak na rin siyang magtayo ng isang foundation centering on youth's (in-school and out-of-school) issues like child labor, formal and non-formal training on vocational courses, short-study grants, etc.

"Lahat po ‘yan, pinag-aaralan na naming gawin and hopefully in the future ay matupad," hangad ng matinee idol.

Napag-alaman din ng PEP mula sa business manager ni Sam na si Eric Raymundo na immediately after Sam's show in Aliw Theater ay magkakaroon ito ng European tour simula October 28 hanggang sa November 12. Makakasama niya rito sina Piolo Pascual at Pokwang.

Then, sa pagbabalik ni Sam ay agad itong gagawa ng movie na siya namang magiging movie opener for 2009 ng Star Cinema.

Bukod pa rito ang isang indie film entitled Cul De Sac na sabay ngayong tinatapos ni Sam sa taping ng Dyosa. This year din ito mapapanood at balitang magiging lahok ito sa ilang international festivals next year.

Continue reading below ↓

Sa lahat ng mga blessings na ito, walang hanggang pasasalamat lang daw ang nais na ibalik at patuloy na ibigay ni Sam.

Read Next
Read More Stories About
Sam Milby, music
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heartthrob Sam Milby will stage a major concert on October 25 in Aliw Theater. Titled I Am Sam: Rockoustic Heartthrob, The Concert, Sam will sing songs from different genres. He will also have a number with The Journey's Arnel Pineda.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results