RJ Agustin is joined by Star Magic artist Michelle Vito in his new music video

RJ Agustin's music video for "Seryoso Na Pala" will premiere on MYX on April 13, 2018.


Sobrang excited na ang bagong Star Music artist na si RJ Agustin dahil sa pag-launch ng kanyang unang single titled “Seryoso Na Pala.”

Sa pagpasok ng 2018, pumirma si RJ bilang isa sa bagong contract artist ng Star Music, ang music arm ng ABS-CBN.

Kasabay sa pag-drop ng single ni RJ ay ang release ng music video nito kunsaan kasama niya ang Star Magic teen actress na si Michelle Vito.

Big break ito para kay RJ na ipakita ang kanyang talento sa pag-awit at gusto niyang mapakinggan ng maraming music lovers ang single niya, hindi lang mga millennial lovers kundi pati na ang mga dumaan na sa iba’t ibang relasyon.

Sa music video na dinirek ni Real Florido, ipapakita na nagsimula ang dalawang tao bilang magkaibigan hanggang sa magkaroon sila ng feelings para sa isa’t isa. Pero sa bandang huli ay sa ibang tao sila nagkaroon ng relasyon.

“May kurot sa puso ang single na ito. Maraming makaka-relate kaya na-inspire akong i-record ito.

“Dumarating sa buhay ng isang tao ang ganitong situwasyon. Akala mo siya na, pero hindi naman pala.

“Kung ang hanap ngayon sa mga love songs ay yung tinatawag na hugot, mararamdaman nila iyon sa single natin,” pahayag ni RJ sa panayam namin sa kanya noong April 2 sa Firestarters office sa Timog Avenue, Quezon City.

Kahit na nagsimula bilang isang aktor at film producer si RJ, mas gusto na nitong mag-concentrate ngayon sa kanyang singing career.

Napanood si RJ sa mini-series ng GMA News TV na Katipunan noong 2013. Noong 2016, nag-promote siya ng kanyang single na "Pusong Bakal" sa Playlist ng GMA at kinilala ito bilang Most Wanted Song of the Week sa Barangay LS.  

Noong January 2018, nag-contract signing si RJ with Star Music.

“Ito ang matagal ko nang hinihintay and I am very thankful sa Star Music for giving me this overwhelming opportunity," sinabi ni RJ sa kanyang interview na ginawa noong April 2. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I love music. I love singing. It’s good to hear beautiful music especially if it comes from the heart,” ngiti pa niya.

Si RJ ay anak ng '80s director na si Arturo "Boy" San Agustin na nag-direk dati kina Robin Padilla at Fernando Poe Jr.

Abangan ang iba’t ibang radio tours, mall tours, TV appearances and live performances ni RJ as he promotes the single “Seryoso Na Pala.”

Ang single niya ang pwede ma-download via Starmusic.ph, Apple Music, Spotify at Amazon.com.

Ang "Seryoso Na Pala" ay na-launch sa MOR last April 5 at ang music video premiere ay magkakaroon ng launch sa MYX on April 13.



Stories We Are Tracking

RJ Agustin signs up with Star Music
RJ Agustin signs up with Star Music





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN