Kyline Alcantara signs contract with GMA Records; hits 1M followers on Instagram

IMAGE Kyline Alcantara Facebook page

Kapuso kontrabida Kyline Alcantara on finally fulfilling her dream of becoming a recording artist: "I still can't believe this. Dreams do come true."


Masasabi ngang phenomenal ang pagsikat ng tinatawag ngayon na “La Nueva Kontrabida” ng Kapuso network na si Kyline Alcantara dahil sa mahusay na pagganap niya sa primetime teleserye na Kambal, Karibal.

Dahil sa mabilis na pagsikat niya, kailan lang ay napabilang na rin si Kyline sa mga tinatawag na Instagram Millionaires.

ONE MILLION FOLLOWERS. Mabilis na inabot ni Kyline ang one million followers sa Instagram at bilang pasasalamat niya, pinusuan ng 15-year old teen actress ang screenshot ng kanyang Instagram page sa Instagram Stories.

Hindi inaasahan ni Kyline na maaabot niya ang isang milyon na followers sa IG.

“Nagulat po ako na one day, one million na siya!

“As in, akala ko namamalik-mata ako. Totoo po pala.

“Pero nakakakaba po dahil mas lumalaki ang responsibility mo sa publiko, lalo na po ang mga nag-aabang sa teleserye namin nila Bianca [Umali], Miguel [Tanfelix], Pauline [Mendoza] at Jeric [Gonzalez].

“Promise po na mas gagalingan po naming lahat para sa ikakatuwa ng mga followers at fans namin,” pangako ni Kyline sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang contract signing with GMA Records noong nakaraang April 4 sa GMA Network Center.

RECORDING CONTRACT. Nadagdagan pa ang blessings ni Kyline dahil certified recording artist na rin siya.

Sa pagkakataong ito, ipapamalas naman ni Kyline ang kanyang talento sa pag-awit.

Ginanap ang contract signing ni Kyline sa GMA Network, at dinaluhan ito nina SVP for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, GMA Records Managing Director Rene Salta, GMA Records A&R Manager Kedy Sanchez at ang mommy ni Kyline na si Tita Rowena.

Sa kanyang IG, heto ang pinost ni Kyline noong nakaraang April 6:

I still can’t believe this???? Dreams do come true? #KylineGMARecords

A post shared by Kyline Alcantara (@itskylinealcantara) on

HEADSTART IN MUSICAL THEATER. Kinuwento ng teen actress na bago siya nag-artista sa TV, sumali siya sa isang musical theater production noong pitong taong gulang pa lang siya.

Pagbabalik-tanaw niya, “Bago ko po malaman yung pag-arte, gusto ko talagang kumanta, nag-start po ako sa musical theater.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi po pag nakikinig po ako ng songs, pag hindi ko masabi o hindi ko ma-put into words yung gusto kong sabihin, nakikinig lang ako ng kanta, and yun lang yung gusto kong maramdaman ng mga nakikinig ng songs ko.

“Katulad ng nararamdaman ko pag nakikinig ako ng mga kanta na magkaroon ako ng connection na maramdaman ko na, 'Ay, ako 'to, ako itong kantang 'to!'”

MILLENNIAL SOUND. Para sa kanyang unang album, gustong mag-record ni Kyline ng mga kantang katulad ng songs nina Malaya at Moira dela Torre.

“Gusto ko pong tunog, millennial talaga siya.

“Kung tema ng kanta, wala pa po sa ngayon pero for sure, dahil ma-lovelife ang kabataan ngayon, feeling ko naman po lovelife, mga emote songs,” lahad niya.

Paboritong singers din ni Kyline sina Aicelle Santos at Julie Anne San Jose.

Sa mga international singers naman, kasama sina Beyonce at Ed Sheeran sa mga paborito niya.

Ang ginawang cover version ni Kyline ng awiting “Perfect” ni Ed Sheeran ay umabot na ng 1.8 million views sa YouTube.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN