Newbie singer L.A. Santos not bothered by bashers: "Napa-flatter pa nga po ako kapag may basher ako."

IMAGE Arniel Serato

Wala daw problema sa baguhang singer na si L.A. Santos ang pagkakaroon ng bashers dahil nagpapatunay lamang daw ito na napapansin siya at ang kanyang mga kanta. Sina Ian Veneracion, Jona, at Jaya ang ilan sa mga guests ni L.A. sa kanyang April 30 concert sa Music Museum.


Hindi na bago ngayon sa showbiz ang bashers. Lahat na lang nang kilos ng isang artista beterano man o baguhan ay meron silang nasasabi.

Katulad na lamang ng newbie OPM (Original Pilipino Music) singer na si Leonardo Antonio "L.A." Santos.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Marami na rin po akong bashers, ang iba nga minumura pa nga ako.

“Pero sa totoo lang, I don’t see them in a bad way.

“Sa totoo po, napa-flatter pa nga po ako kapag may basher ako kasi yun nga parang napapansin yung ginagawa ko, e.

“Tapos parang pinu-promote na rin nila ako kumbaga. Hindi naman ako galit sa mga bashers, go lang.”



Si L.A. ay alaga ng concert producer na si Joed Serrano ng JEDI (Joed Entertainment Department, Inc.) management group.

Sinugalan daw ni Joed si L.A. para ipag-produce ng concert dahil naniwala daw siya sa potensiyal nito pagdating sa pagkanta.

Pero sino nga ba si L.A.?

Tugon ng 18-year-old aspiring singer, “Si L.A. ay isang bagong OPM artist na unique, kasi I see myself as a unique artist kasi I’m trying something new to do po para sa OPM.

“Tapos makikita naman niyo po sa musicality ko, parang more on R&B, hiphop pero may OPM elements.”

Sa Lunes, April 30, gaganapin ang first major concert ni L.A. na pinamagatang #Petmalu sa Music Museum.

Kabilang sa kanyang mga special guests sina Ian Veneracion, Michael Pangilinan, Jona, Jaya, Boobsie Wonderland, ang kapatid niyang si Kanishia Santos, at ang Jukebox Queens na sina Imelda Papin, Claire dela Fuente, at Eva Eugenio.

Mark the date!! ????????

A post shared by LA (@lasantos27) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN