KZ Tandingan proud to make history in China's Singer 2018

For KZ Tandingan, competing in China's Singer 2018 has enriched her as an artist, a reward by itself even if she did not win. She came home happy, "I'm just really proud kasi first time in history na may Filipino sa contest na yun at kumanta sa Tagalog na may Mandarin."



Hindi man pinalad si KZ Tandingan na manalo bilang China Singer 2018 Champion, sapat na raw na naipakita niya ang kanyang kakayahan sa isang international competition.

Napabilang si KZ bilang isa sa wildcards at kinanta niya ang "Anak" ni Freddie Aguilar.

Lahad niya, "Actually, lahat ng na-eliminate sa competition were included sa wildcard [round].

"I'm just really proud kasi first time in history na may Filipino na nag-represent sa Philippines sa contest na yun at kumanta sa Tagalog na may Mandarin.

"Although di tayo nakapasok dun, we made history."

Sapat na rin daw na nakadaupang-palad at nakilala ni KZ ang idolo niya na si Jessie J. na siyang tinanghal na grand winner sa China Singer 2018.

Kuwento niya, "I got the opportunity to meet Jessie J.,  perform with Jessie J.

"Kung papanoorin ninyo ang video nung in-announce na siya ang nanalo, mas malaki pa ang reaksyon ko sa kanya.

"Sobrang happy ako na siya ang nanalo."

Naging maganda rin daw ang samahan nila KZ at Jessie J. sa kumpetisyon.

"Oo, kasi nung pinapunta niya ako para sa 'Bang Bang,' sobrang natuwa ako kasi naisip pa niya akong isama sa performance niya.

"'Tapos sabi niya, sobrang saya daw niya na nandun ako sa performance na yun.

"Sobrang na-appreciate ko yun na na-appreciate niya."

Nakapanayam ng PEP.ph PEP.Ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si KZ noong nakaraang Linggo sa ASAP.

GROWTH EXPERIENCE. Labis din daw ang kasiyahan ni KZ na iba-ibang superstars sa music sa China ang nakasalamuha niya.

Dugtong pa niya, "And I got to perforn for the Chinese audience.

"'Di lahat ng foreigners nabibigyan ng pagkakataon because sobrang ano sila.

"Kung sino ang sa kanila, yun ang tinatangkilik nila.

"I'm just really thankful na nabigyan tayo ng pagkakataon, di ko makakalimutan yun.

"Grabe yung growth ko as a person and as an artist sa three months na nilagi ko sa China."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas pa ba siya na sumali muli sa isang international singing competition?

Tugon ni KZ, "'Di ko pa alam, tingnan natin, kasi nung sumali ako sa China Singer 2018 wala yun sa plano ko.

"Bigla na lang binigay ng Panginoon. Di natin alam kung ano ang plano ng Diyos.

"Pero kung dumating ang opportunity, ipag-pray natin kung dapat ba nating tanggapin o hindi."

BACK IN TJ'S ARMS. Masaya rin si KZ sa kanyang pagbabalik mula sa China dahil sa kanyang boyfriend na si TJ Monterde.

"Nagkita na kami, sobrang saya ko, finally na-hug ko na siya, nag-usap na kami face to face.

"Kasi dati pag nag-uusap kami sa phone, minsan biglang nawawala ang signal, napuputol.

"Ang hirap dun ng communication, kasi walang Facebook, walang Instagram, so medyo mahirap mag-usap ng tuloy-tuloy."

Samantala, itong June na ang big concert ni KZ sa MOA Arena.

"Sa June 22 na po yan sa Mall of Asia, Arena."

Supreme ang titulo ng kanyang concert sa darating na June.

"Sobrang kinakabahan ako, sobrang thankful lang ako sa Cornerstone na sobra ang pagtitiwala nila na kaya naming mapuno ang Mall of Asia.

"Ang laki nun, e, I really hope na sana po ay suportahan ninyo ang concert na yun, hinding-hindi po kayo magsisisi."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN