Napuno ni K Brosas ang Kia Theater kamakailan para sa kanyang 18K Brosas 18th anniversary concert.
Laking pasasalamat ni K sa mga guests niya that night kabilang sina Regine Velasquez, Angeline Quinto, Kyla, Jaya, at Zsa Zsa Padilla.
Pabirong sinabi ni K sa mga manonood: "Maya lang kayo nagpunta rito ay para sa mga guests ko 'no? After nilang kumanta ay aalis na kayo, di ba?”
Tawang-tawa sina Angeline Quinto (right) at Kyla kay K Brosas dahil sa mga pabirong panlalait ni K Brosas sa dalawa. Isa rito ay ang pagpansin ni K sa boobs ng kapwa singer. "Nakaka-distract yung dede mo kasi," bulalas ni K tungkol sa boobs ni Angeline.
Kamakailan ay inamin ni Angeline na sumailalim siya sa breast reduction surgery.
* All photos by Allan Sancon