Richard Poon to reunite with ASAP Sessionistas for his 10th anniversary concert

RP10: Richard Poon 10th Anniversary Concert will be held at Resorts World Manila on May 18, 2018.


To celebrate his 10th year in the music industry, Richard Poon will stage a major concert.

Titled RP10: Richard Poon 10th Anniversary Concert, gagawin ito sa New Performing Arts Theater, Resorts World Manila this Friday, May 18, 8 p.m.

“It feels happy,” simula ni Richard sa ginanap na media conference for his concert. “Sino ba yung nagsabi sa akin nung isang araw na parang hindi raw lahat ng kumakanta umaabot ng sampung taon? Hahaha!”

Richard started crooning through regular gigs sa iba't ibang bars at lounges across Metro Manila. Kasama niya ang 21-piece band at madalas magkasama sila sa weddings.

Nakilala rin siya for covering standards and classic pop OPM and foreign songs with his musical influences Harry Connick, Michael Buble, and Jose Mari Chan.

Pagpapatuloy ng big band crooner, “Sabi ko, ‘Ah, ganun ba’? Happy naman to have ten years in this industry. Saka yung music ko, ewan ko lang, ha, kapag umabot ng ten years, thank you Lord. Hindi naman ako pop, di ba? So, very, very happy na tumagal ako ng ganito.”

Para sa kanyang 10th anniversary concert, magkakaroon siya ng 21-piece orchestra. Tampok dito ang powerhouse guests na personal niyang pinili dahil malaking bahagi sila ng kanyang career. Kasama rito ang fellow ASAP Sessionistas niya na sina Kean Cipriano, Nyoy Volante, Sitti, Erik Santos, at Moira dela Torre. Si Christian Bautista, na ngayon ay isa nang GMA-7 star, ay magkakaroon ng reunion sa mga dati niyang kasamahan sa ASAP.

Ang aktor na si Richard Yap ay isa rin sa mga guests ni Richard Poon sa kanyang convert.

Bukod sa pagiging singer, may iba ring pinagkakaabalahan si Richard. Ang pamilya niya ay restaurant na ang pangalan ay Mr. Poon.

Ang misis naman ni Richard na si Maricar Reyes ay may Choco-Liquor Cakes business.

Available pa rin ang libro nila ni Maricar titled Ten Things We Fight About.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang mga proyekto na ginagawa ni Richard sa ngayon?

“Ano pa ba ang gusto kong i-venture? Ah, I think si Maricar ngayon is, nakikita ko kasi siya na prini-pressure niya sarili niya na tapusin yung final draft ng kanyang solo book.

“Di ba, meron kaming book ngayon na parang kaming mag-asawa, Ten Things We Fight About.

“Sabi ng ABS, ha. Hindi ko lang alam kung tama. Certified bestseller daw siya sa National [Book Store]. I’m not sure but I’m happy.

“Tapos meron ngayong draft na ginagawa siya kasi nga parang si Erickson [Raymundo], yung manager namin, sabi sa kanya parang ikuwento niyo yung life story mo.

“So, I think second book, which is her solo book lang. I think it’s about second chances in life. So, tinatapos niya yun ngayon. Isa yun sa mga bagong ventures na papasukin ng aking asawa na yun. Taga-suporta lang ako sa likod."

May posibilidad rin na magbukas sila ng shop para sa mga cakes na ginagawa ng kanyang misis.

Ani Richard, “Saka yung Choco-Liquor Cakes niya tuluy-tuloy pa rin. Uh, okay naman. Maraming naa-adik sa chocolate cake niya. So, I think we’re slowly moving.

“We might open in Greenhills. Ngayon meron kaming talks in Greenhills na baka sa Virra Mall mag-open kami ng Choco-Liquor Cakes niya."

Bakit puro proyekto ng asawa niya ang binabanggit ng singer?

Ani Richard, “So far, puro asawa ko, ‘no?

“Tinutulungan ko kasi siya, e. Kasi medyo sa showbiz kahit papano medyo wala siyang soap na medyo mabigat, di ba? So, mas nakaka-negosyo siya ng konti, parang ganoon.

“Pagkatapos nito [concert], wala pa akong plano, actually. Pero usually people say I might go to food.

“So, hindi ko alam si Papa kapag tumanda pa siya. He is already 79, by the way, ang daddy ko. Malakas pa. Araw-araw nasa Mr. Poon siya, e. So, very, very strong. Hindi ko alam ‘pag binigay ba niya sa akin, magluluto ba ako? Hindi ko alam, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun pa lang ang aking plano, so far.”

What more does he want for himself as an artist and his audience?

“What do I want?

“Ah, well, kahapon, nag-dance session kami. Pinakita ko nga sa director ko, si John Prats. Tawa siya nang tawa, e. Sabi niya, ‘Richard, nakakainis.’

“Galit na galit siya kahapon. Sabi ko, ‘Bakit ka naiinis?'

“Kasi raw wala siyang taping the whole day. Nasa bahay lang siya. Hindi raw siya na-inform ng tama na meron pala akong dance rehearsal. Gusto raw niya akong mapanood.

“Gusto niya, aayusin niya ang aking mga dance moves. But you know, I’ve always been a fan of Bruno Mars. Hindi ko naman sinasabing magagawa ko, I don’t ever think I’ll be able to do what he does.

“But I’ve already been thinking for about two and a half years na ang saya siguro na isang [Michael] Buble-type magkaroon ng banda para may synchronized movements. But it’s very difficult.

“Actually, medyo naggi-give up na ako ng konti. For two and half years, I’ve been trying to find from the Conservatory, mga people na tumutugtog ng torotot pero sumasayaw. Medyo mahirap, mahirap talaga. But I’m trying.

“So, siguro sabi ko bago yun, ako muna siguro. So, kahapon medyo kalawang talaga. Hindi naman ako dancer, di ba?

“So, itong show na ito will show a little bit synchronized movements. First time ko pala to work although kilala ko na sila for like 15 years sina Manoeuvres, mga dancers ni Gary V. By the way, he’s doing very great ngayon."

NEW ALBUM? Magkakaroon ba ng bagong album si Richard Poon?

Aniya, “The other thing na hindi ko pa nagagawa for ten years, I quit U-turn, yung acoustic band to do original songs.

“Oo, which is very weird kasi hanggang ngayon hindi ko pa nagagawa yung original songs. Tamang-tama itong Star Records, I’ve been with MCA for five albums and then, UR [Universal Records] ako ng two albums. The last album was with Star Records, with Richard Yap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, they signed me up. Sabi nila, ‘Richard, sige. We’re open na to have you make a full original album, six songs, EP [extended play].'

"Hindi ko sure kung live, ha, if it’s a live album. But in-allow ako to have a full original album this year.

“So, ako parang, sa wakas. Ang tagal naman ng sampung taon, di ba? Ang tagal nang hinintay ko. Pero, thank you Lord.”

Naisip ba niya na mag-move on from doing this kind of music?

“Moving on, hindi ko sure. I think the movement might be, sabi ni Jonathan Manalo sa akin which is from Star. Ah, sabi niya, ‘Richard, alam mo si Buble, di ba, sumikat siya, yung first concert niya, di ba puro [Frank] Sinatra talaga, e.

"His second concert, sabi niya, ‘If you noticed, gumawa siya ng hit song niya na ‘Home’ saka ‘Everything.’ It’s not fully standard, e. Parang pop-feel na.’

“Sabi niya [Jonathan], ‘Richard, that’s what I want to do for you dito sa album mo na six songs na original. Kilala ka na na standard, e. Let’s make some original songs na medyo may pop ano na, may pop-leaning na siya.’

“And I think, the six songs are mostly wedding songs, love songs. Parang pang-kasal na kanta. Puro love, about love.”

Maglalabas ba siya ng album next month?

“Ah, baka hindi.

“Actually, ang plano nga ‘pagka-concert dapat mag-release na ng baka isa o dalawa ng single lang sa digital. But I think medyo masikip ang sched, so, probabaly, pero within the year I think malalabas yung puro original songs.

“So, yung frustration ko na to write original songs kahit papaano ngayon mabibigyan. And in the future also, alam mo minsan, kung napapansin ninyo sa social media meron din akong sign na I want to be private.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I also like writing for other people. Okay lang sa akin, kung halimbawa sumikat yung isang song ko sa ibang artist, okay lang naman sa akin.

“So, meron din akong side na ganoon. Meron akong naipon na mga kanta na para sa ibang tao. Hindi ko pa lang nilalabas. So, I want to pursue that in the future na kung pwedeng ibigay sa iba-ibang tao. Happy naman ako doon kung pwedeng mapagbigyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN