KZ Tandingan reacts to those comparing her with TNT winner Janine Berdin

IMAGE Noel Orsal (KZ)

KZ Tandingan (right) points out her similarities with Tawag ng Tanghalan Season 2 champion Janine Berdin.


Ikinatuwa ni KZ Tandingan nang malaman niya na isa siya sa mga idolo at musical influences ng Tawag ng Tanghalan Year 2 grand champion na si Janine Berdin.

Una pa lang daw niyang mapanood si Janine na lumalaban sa contest ng It’s Showtime ay bumilib na siya rito.

“Hindi pa kami nagkikita, pero nag-exchange kami ng tweets. Kasi when I watched her sa show, sa Tawag ng Tanghalan sa TV, napanood ko siya na kinanta niya yung 'Narda.' Sabi ko, ‘Cool!’ Nakita ko sa kanya yung sarili ko dati na parang hindi mo mahuhulaan kung ano yung kakantahin mo at kung paano mo kakantahin.

"Pero pag kinanta niya na parang bagong version nung kanta, na parang original niya, nakakabilib.

"So, nung napanood ko sa kanya yung 'Narda,' hindi ko naisip na magiging ganun kaganda yung Narda pag ginawa mo siyang ballad.

"So, ang masasabi ko sa kanya, hindi siya yung normal na masasabi mong kontesera, iba siya.

"Sabi niya nga, you don’t need to hit the high notes para makapagkuwento. Makikita mo iyon sa buka pa lang ng bibig niya, galaw ng katawan niya, kamay niya, paglabas ng dynamics niya. She is very special as a singer. I really hope to meet her very soon and sana we get to sing together.”

Ito ang inihayag ni KZ tungkol kay Janine nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa June 6 presscon na ginanap sa Felicidad Mansion Events Place sa Quezon City.

Ang kanyang upcoming major concert titled Supreme: KZ Tandingan at the MOA Arena na magaganap sa June 22 ay produced by Cornerstone Concerts and Star Events, and directed by Mr. Johnny “Mr. M” Manahan.

Produkto rin ng singing contest ng ABS-CBN si KZ nang tanghalin siyang grand champion ng X Factor Philippines noong 2012.


COMPARISON WITH JANINE. Ano ang reaksyon ni KZ sa pagkukumpara sa kanila ni Janine lalo na sa istilo ng pagkanta?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang happy ako kasi ang galing-galing naman nung bata. Pero magkaiba kaming artist. Siguro kaya lang nakikita ako ng mga tao sa kanya kasi we fall in the same category na iba kami doon sa mga singers na napapanood ng mga tao.

"Nandoon kami sa category na iba. Kaya nakikita nila na parang ganito si KZ nung nagsisimula, yung iba ang tunog, hindi mo alam kung ano yung kakantahin niya at kung paano niya kakantahin.

"I’m just really proud of her. Hindi kami pwedeng pagkumparahin dahil magkaiba kami ng strengths.

"Pero I’m really thankful na itinuturing niya akong influence niya. I’m really flattered na kumbaga kasama ako doon sa influence niya sa pagiging magaling niyang artist. At saka pareho kaming Bisaya.”

Si KZ ay taga-Digos, Davao del Sur habang taga-Cebu naman si Janine.

Kung magkaroon ng chance na mag-meet sila personally, ano ang ipapayo niya kay Janine?

“Stay who you are. Never listen to people telling you what to follow, kung ano yung normal, para lang makapasok ka dito sa industry na ito. Kasi people will not remember you kung may ginagaya ka. People will remember you for who you are. So, always be who you are.”



Stories We Are Tracking

Kyline Alcantara congratulates TNT winner Janine Berdin
Kyline Alcantara congratulates TNT winner Janine Berdin
And the winner of Tawag ng Tanghalan is...
And the winner of Tawag ng Tanghalan is...
Pinoy celebrities who had failed attempts in reality shows
Pinoy celebrities who had failed attempts in reality shows
Janine Berdin says
Janine Berdin says "Nosi Ba Lasi" is her personal anthem


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN