KZ Tandingan wishes Jessie J to show up at her major concert

IMAGE @kztandingan on Instagram

Asia's Soul Supreme KZ Tandingan (right) wishes to have international pop superstar Jessie J (left) as one of her special guests for her forthcoming major concert at the MOA Arena on June 22: "Oo naman, Jessie J yun, no! Kahit nga ibigay na sa kanya lahat ng ilaw at spotlight, okay lang sa akin."


Wish pala ng tinaguriang Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan na maging special guest sana niya sa kanyang upcoming major concert ang international pop superstar na si Jessie J, na nakasama niya sa Singer 2018 sa China.

Ang concert ni KZ na pinamagatang Supreme: KZ Tandingan ay gaganapin sa MOA Arena sa June 22.

“Oo naman, Jessie J yun, no!

“Kahit nga ibigay na sa kanya lahat ng ilaw at spotlight, okay lang sa akin,” pabirong sambit ni KZ.

“Kahit nga pumunta lang siya at huwag na kumanta.

“Basta um-appear lang siya, it’s a big honor, mai-push lang.

“Kaso lang busy siya kasi mag-start na siya ng tour niya sa US, sa UK.”

Nakakapag-usap pa ba sila ni Jessie pagkatapos ng Singer 2018?

“Nagme-message-message, ganyan, sa Instagram.

“Ayoko naman siyang kulitin kasi baka i-unfollow ako,” natatawa niyang hirit.

Posible kayang magkaroon siya ng future collaboration with Jessie J?

Paninigurado niya, “Bigyan lang po ako ni Jessie J ng panahon, ipatawag niya ako, I’ll be there.

“Aarte pa ba ako, Jessie J yun, no!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si KZ sa presscon ng kanyang concert na ginanap noong June 6 sa Felicidad Mansion Events Place sa San Francisco del Monte, Quezon City.

FEELING THE PRESSURE. Dahil sa tagumpay na tinamasa niya sa Singer 2018, mula sa Soul Supreme ay tinatawag na siya ngayong Asia’s Soul Supreme.

Ano ang nararamdaman niya sa bago niyang title?

Pag-amin niya, “Siyempre naninibago kasi idinidikit yung buong Asia sa pangalan mo, nakakalula.

“Pero nakakatuwa kasi iyon na yung bunga ng pinaghirapan mo.

“Pero at the same time nakaka-pressure, kasi pag sinabing Asia’s Soul Supreme kaya kailangan lahat ng performance mo you always have to give your best.”

Sa pagkakaroon ng bagong title, mas lalo ba siyang kinakabahan para sa kanyang concert dahil mas marami siyang kailangang i-prove sa mga tao?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Siyempre nakakakaba po kasi this is the biggest concert na gagawin.

“Kumbaga, nung sinabi sa akin nina Erickson [Raymundo, manager niya at big boss ng Cornerstone] na magku-concert ako sa MOA Arena, sabi ko, ‘Seryoso po ba kayo?’

“Kumbaga, nakakalula.

“Kaya sana, yung mga tao suportahan naman sana yung concert ko ngayon, kasi ibibigay ko naman po ang lahat.

“Nakaka-pressure, pero I’m very excited na maipakita sa isa sa pinakamalaking concert venue sa Pilipinas kung ano ang kayang gawin ni KZ.”

REPERTOIRE AND GUESTS. Ano ang mae-expect ng mga tao pagdating sa repertoire niya sa concert?

Lahad niya, “Mayroong mga kantang nakilala niyo na sa akin na kakantahin ko pero lalagyan naming ng twist.

“Mayroong mga bagong kantang hindi niyo pa naririnig sa akin before.

“Mayroon akong collaboration with other artists na hindi ko pa nakaka-collaborate before.

“Mayroon ding reunion with the ASAP Soul Sessions dahil matagal din kaming hindi nagkasama.

“Basta halu-halo po siya, may songs that you heard from me before and also new songs.

“Ang maipapangako ko lang po sa inyo, wala kaming areglong simple.

“So, iyon ang kailangan nilang abangan kung paano namin binali yung mga kakantahin namin.”

Espesyal kay KZ ang kanyang guests sa concert na kinabibilangan ng kanyang brother sa Cornerstone na si Inigo Pascual, ang biggest influence niya sa rap music na si Gloc 9, ang firs time niyang makaka-collaborate na si Moira dela Torre, at ang ASAP Soul Sessions group na kinabibilangan nina Kyla, Jason Dy at Daryl Ong.

First time ding makakasama ni KZ na mag-perform onstage ang boyfriend niyang singer-songwriter na si TJ Monterde.

Paano niya na-convince si TJ na mag-guest sa concert niya?

Sabi niya, “Dati ko pa siya sinasabihan na mag-guest naman siya sa past concerts ko.

“Pero ayaw niya, mas gusto nga niyang manood na lang o kaya nasa backstage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero this time, talagang pinilit ko na siya, sabi ko, ‘Sige na naman. Yung ibang concerts ko hindi ka pumayag. Eto milestone ito sa career ko.'

“'It will be my honor if you allow me to sing with you sa stage kasi napalaking milestone nito sa career ko.'

“'Tapos ayun, napilit ko siya at pumayag naman.”

Bukod sa mga nabanggit, kaabang-abang din daw ang iba pa niyang surprise guests na sa concert na mismo mari-reveal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN