Migz Haleco reveals how ASAP helped his career as a performer

IMAGE Rose Garcia

Migz Haleco narrates how he got inspired to write his single "Pag Ika'y Nagmahal": "One day lang, nakikinig lang ako ng mga classic songs ng mga Apo Hiking [Society]. Bigla lang akong na-engganyong sumulat."

 


Ang This ang unang album ng Star Music at PPL Entertainment, Inc. artist na si Migz Haleco.

Gaya ng nakasanayan na ngayon, una muna itong nilunsad sa digital format bago inilabas ang physical album.

Masaya naman daw si Migz sa nakikita niyang pagtanggap ng mga tao sa unang album niya.

“Okay naman, happy ako,” saad niya.

Sanay na rin daw si Migz ngayon na solo na siya kumpara dati na may ka-duo siya.-

Lahad niya, “Noong una, tinanong ako kung okay ako.

“Noong una, nag-a-adjust ako.

“Pero ngayon, nakasanayan ko na solo ako.”

READY TO GO SOLO? Ang dati niyang naka-duo na si Maya, pagkatapos na manganak ay hindi pa masasabing nakababalik talaga sa music career nito.

May panghihinayang ba siyang naramdaman dahil dito?

Pag-amin niya, “Nakakapanghinayang din.

“Matagal din kaming nagsama.

“Ano rin kasi, hindi mo rin alam kung kailan titigil, kailan magpapatuloy.

“So ako, go with the flow lang.”

MORE FULFILLED AS SONGWRITER? Naging daan din ang una niyang album para maipakita rin daw niya ang kakayahan niya sa pagsusulat.

Ayon kay Migz, “Sobrang na-fulfill ako kasi yung This is my first album.

“Nakaka-fulfill siya kasi dahil at least nalagay run yung ibang songs na mga sulat ko mismo.

“Masaya kasi, I got to work din kala kuya Rox [Santos], isa sa mga magagaling na producers ng Star Music.

“Yung mga listeners naman, may mga nagsasabi naman na okay sa kanila.”

Dugtong din niya, “Malaki rin ang naitulong sa akin ng Himig Handog.”

Pahinga muna raw siya ngayon sa ASAP, pero natuwa si Migz dahil ang dapat guesting lang niya rito noong una ay tumagal pa ng ilang buwan.

GROWING FAN BASE. Bago pumasok sa mainstream, mas unang nakilala si Migz online sites tulad ng YouTube dahil sa pag-a-upload niya ng mga kanta niya roon.

Naramdaman ba niyang mas dumami ang followers niya ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, inamin ko na medyo hindi ako ganung ka-active as before.

“Siguro ano, nagkaroon ako ng sariling process.

“Hindi naman sa hinahanap ko ang sarili ko.

“Pero hinahanap ko ang iba pang kaya kong gawin.”

Dugtong din niya, “Pero sa followers, mas dumami naman lalo na noong nag-ASAP.”

NEW SINGLE. Noong May 25, sa Punta Bar & Restaurant sa Shaw Boulevard, Mandaluyong nilunsad ni Migz ang music video ng kanyang single, ang “Pag Ika’y Nagmahal,” na siya rin ang sumulat.

Hugot ba ito sa sarili niyang karanasan?

At paano nga ba siya magmahal?

“Siguro masasabi kong all-out akong magmahal, all-out akong magbigay.

“Kapag nandun ka rin kasi, hindi mo na masabi.

“Based on experience rin siya, generally.

“Hindi lang sa relationship in the past.

“Siguro na-experience ko rin yung ibang strain ng relationship.

“Hindi lang sa lovelife. Kahit sa family, sa management, everyone.

“Nagkaroon din ako ng mga pinagdaanan kaya nagawa ko rin itong song na ‘to.

“Hindi lang siya about relationship. General siya na ‘pag ika’y nagmahal, kahit na nasasaktan...”

Kahit na nasasaktan, tuloy pa rin?

“Yes, tuloy pa rin. Kahit na nasasaktan,” saad niya.

Kuwento ni Migz, mabilis lang daw niyang naisulat ang kanta.

Aniya, “One day lang, nakikinig lang ako ng mga classic songs ng mga Apo Hiking [Society].

“Bigla lang akong na-engganyong sumulat.

“'Tapos, naisipan ko na bakit kaya hindi gumawa ng song na classic yung feel na bago lang ang vocabulary.”

Fan daw siya ng Apo Hiking Society at Eraserheads.

“Itong music video na ito, basically about love siya.

“Pero dini-describe niya na ang love, hindi lang siya puro saya, bliss.

"Pinapakita rin dito ang pain.”

Ang bago niyang music video na “Pag Ika'y Nagmahal” ay napapanood na sa YouTube.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN