Singer LA Santos admits having a crush on this ABS-CBN actress

LA Santos will be part of the international concert of Ian Veneracion.


Naghahanda na ang singer na si LA Santos sa pagsabak niya sa pelikula.

Nagsimula na siyang umattend ng acting workshop under Direk Gina Alajar sa kauna-unahang pelikulang gagawin niya.

”I’m the villain in that movie. Sasabihin ko muna yung title pero di ko sasabihin yung kung sino ang leading role. Secret pa po, e,” lahad ni LA sa solo blogcon niya na ginaanap sa Mesa Grill sa Tomas Morato, Quezon City kamakailan.

“Ang title po ng movie is Super Pogi. Ang character ko po doon, ako po yung kontrabida na parang isang hacker po.

“Very exciting po kung ano ang magiging outcome noon kasi gustung-gusto ko rin pong gumaling na aktor po.

“Pinaghahandaan ko na po ngayon kasi it’s a new platform for me po kasi siyempre hindi ako sanay na nag-a-acting po masyado. Pero I’m very excited po sa magiging outcome ng movie na ‘to.”

Kailan niya naisip na gusto niyang mag-artista?

“"Nung naging ano na apo ako parang, kasi po na-buildup yung parang gigil ko po sa, kasi now, parang sobrang gigil ako na to make it there po.

“Parang unti-unti po siyang nagbi-build up sa akin kasi base sa mga experience ko like pagkakaroon ng concerts, gigs. Kapag nararanasan ko yung maraming nanoood sa akin. Parang deep inside sobrang natutuwa po ako. Hindi ako natatakot.

“So, doon ko na-realize na para dito rin, I was made for the industry. So, I discover it po, na-feel ko po yung I might as well try acting po.”

Kung bibigyan siya ng kapartner o ka-loveteam sa movie, sino ang gusto niya?

“Syempre yung kasabayan ko lang po. Parang pareho kaming maggro-grow together. Siyempre excited din po ako na malaman kung magkaka-loveteam ako or hindi. Pero kahit anong mangyari go pa rin ako.

“Celebrity crush? Well, yung time na fresh-fresh pa ako [sa showbiz] si Janella Salvador. Siya po talaga ang celebrity crush ever since po. Kahit nung wala pa po ako sa showbiz, crush ko na siya talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit hindi niya kinuhang guest sa major solo concert niya na #Petmalu si Janella na isa ring singer?

Biro niya, “Hindi po, e, kasi baka maagaw ko [kay Elmo Magalona]. Hindi, joke lang po.

“Hindi po baka kasi may bayad siya, e. Yung mga guest ko po kasi doon, lang po sila for the love lang talaga.”

What about on his next concert?

“Hindi, ako na lang po magpapa-concert para sa kanya. Hindi, joke lang po. Hahaha!”

Sold-out ang major solo concert ni LA sa Music Museum last April 30. Dumagsa rin ang mga veteran singers sa local music industry tulad nina Imelda Papin, Eva Eugenio, at Claire dela Fuente. Dumalo rin si Michael Pangilinan at Ian Veneracion na naka-duet pa ni LA.

Hindi ba nakakaba na pawang de-kalibreng singer ang nakasama niya sa kanyang concert?

“Siyempre po nakaka-kaba sa una. Normal lang naman po na kabahan sa una. Pero yung kapag nandoon na po kayo, mawawala rin yung kaba. Tapos doon na po kayo mage-enjoy talaga.

“Doon niyo po masasabi na, ‘Wow, talagang grabe, nandito na ako, ah,’ parang ganoon po.”

Personal choice niya ba ang mga nag-perform sa concert niya?

“No, they’re my personal friends po. Parang throughout my career po sila po yung nakakasama ko lagi. Sila rin po yung mga nakaka-trabaho sa mga past projects.

“Kaya parang tulong na rin po nila sa akin na nag-guest po sila sa show na yun and ah, parang, how do you say thi po? Hindi na po sila binayaran.

“Kumbaga, ano po, actually, walang bayad po yung mga guest ko, e. For the love lang po talaga.”

Bukod sa mga seasoned performers na nakasama niya sa kanyang concert, nag-guest at naka-duet na rin niya si Concert King Martin Nieverra in one his concerts abroad.

Meron pa ba siyang gustong maka-duet na mga sikat na local singers?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gustung-gusto ko pong makasama mga international na, e,” ani LA.

“Hmm, ngayon si Ms. Celine Dion. Gusto ko po siyang makasama.”

May concert si Celine Dion sa Pilipinas next month. Ang Celine Dion Live in Manila ay gagawin on July 19 and 20, 2018 sa Mall of Asia Arena. 

Malay natin baka maka-duet niya si Celine, di ba?

“Sana nga po, e. Sana kahit front act. But I’m still hoping po. Siyempre sobrang masaya ako kapag nangyari yun. Yayabang na ako kapag nangyari yun. Hindi, joke lang po.”

Meron pa bang ibang international artist na gusto niyang makatrabaho?

“Yung mga rapper, gusto ko ring makasama tulad ni Post Malone. Gusto ko rin sana siyang makasama sa isang song para sa YouTube channel ko. Sana matupad po ang pangarap ko na yun.”

May ginagawa ba siyang cover songs sa YouTube?

“Yeah, I actually posted just two hours ago pa lang po sa YouTube channel ko po.

"It was ‘Nadarang’ and ‘Titibo-Tibo.’ Ah, para sa akin po mas maraming views ang ‘Titibo-Tibo’ kasi it’s a male version po kaya parang mas titingnan po yun.

“Pero I was so happy with the response of YouTube viewers po kaya I’m very excited po. I’m gonna release more cover songs soon.

“Bukod po kay Post Malone, first of all, gustung-gusto ko maka-[collaborate] si Shanti Dope.

“Yeah, I really want to [collaborate] with him. Si Jay Roa and my ano, like my Kuya, si Michael Pangilinan.

“Gustung-gusto ko rin pong maka-duet sa covers si Kuya Ian [Veneracion]. Yun po, e, maganda po yun, di ba?

“And sa mga girls naman po gustung-gusto ko maka-collaborate si, do you know po Aiana Juarez, and si Ms. Jona.

“Gusto ko rin po’ng maka-colab yung mga bagong singer na parang on the rise.

“I will do some colabs po sa YouTube kasi parang ang saya ngayon sa mga YouTube covers. Parang iba’t ibang artist nagsama-sama po kahit magkaibang channel, magkaibang label. Natutuwa po ako na nagsama-sama ang mga artists para lang, for the sake of sa YouTube covers po. Kasi talagang malakas din po yung mga YouTube covers po, napansin ko rin po, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hit ang original song ni LA na “Tinamaan” mula sa kanyang self-titled debut album under Star Records. Kasama rin sa album niya ang mga awiting "Ikaw Kasi," "One Greatest Love," "Bakit Pagibig," "Miss Terror" at "Mine" na pawang original songs.

May next album na ba siya?

“Wala pa po. Yung next project na naka-focus ako yung movie po. Tapos yung mga covers ko.”

Mgkakaroon ba siya ng another major solo concert?

“Wala pa po,” tugon niya. “Pero hindi naman next year, baka after five months after po. Pero if ever, gusto ko po ano, e, sa open area, outdoor. Parang sa concert grounds ng SM Mall of Asia.”

Pero bago ang susunod na malaking konsyerto ni LA, magkakaroon siya ng show together with the SRTAS (the young stars of Asian Artist Agency) sa SM Sangandaan on June 30, Saturday.

“I have an international concert coming po. The day is not yet final. It is with Kuya Ian again, his concert po. I think it’s going to be in Singapore po. Pero wala pa pong final schedule.”

Nagaaral pa rin ba siya?

“Incoming Grade 12 po ako at the University of Sannto Tomas. Kababakasyon lang po namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN