Tawag ng Tanghalan Season 2 winner Janine Berdin to star in MMK episode

IMAGE Adrian Poe

Malaki ang papasalamat ni Janine Berdin sa kanyang pagkapanalo bilang grand champion ng Tawag ng Tanghalan Season 2. Malaki daw ang maitutulong ng kanyang mga napanalunan sa kanyang pamilya.



Unti-unti na daw nag-sink in sa isip ng 16-year-old Cebuana singer na si Janine Berdin ang kanyang pagkapanalo bilang grand champion sa Tawag ng Tanghalan Season 2 ng It’s Showtime.

Kuwento niya sa media, “Yes po. Parang ngayon po, a month na po has passed since nag-grand finals.

“And parang… parang ngayon na-grasp ko na po yung thought na ako ako na po yung grand champion and yung mga responsibilities rin po na dapat kong gawin as a grand champion.”

Bukod sa management contract, business package, at house and lot, malaking tulong daw para kay Janine ang napanalunang P2 million dahil panustos din daw nila ito sa pagda-dialysis ng kanyang lola.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine na launching ng bagong TNT Records noong nakaraang Huwebes, July 12, sa ABS-CBN.

Kaya ayon pa sa Grade 10 student mula Mactan, Cebu, isa daw talaga itong “dream come true” para sa kanya.

Saad niya, “Ito po lahat dream come true ko po ito. Dati po lahat… nung student pa lang po ako parang iniisip ko po na, ‘Bakit hindi ako kinikuha sa mga gig na okay naman boses ko.’

“Gusto ko lang talagang kumanta. Kahit hindi ako bayaran, basta makakanta lang ako sa restaurant yung ganun.

“Tapos ngayon kumakanta na po ako sa buong Pilipinas and ina-appreciate po nila at naniwala po sila sa passion ko kaya sobrang dream come true po ito lahat.

“It’s nothing but a dream come true po talaga.”

Noong bata si Janine ay naging bahagi siya ng Star Circle Quest Season 4. Sa naturang talent search competition ng ABS-CBN na umere noong 2011, nakasama ni Janine si Kyline Alcantara na ngayon ay isang talent na ng GMA-7.

Sa katunayan, binati ni Kyline si Janine nang manalo ito sa Tawag ng Tanghalan. 

Sa hiwalay na panayam, binalikan ni Janine ang panahon na sumali siya sa SCQ.

"Hindi po siya [acting] unfamiliar sa akin kasi noong bata po ako, nag-a-acting po ako," pagbabalik-tanaw niya.

"Isa din po siya sa mga passion ko." 

Nang tanungin kung gusto niyang gumawa ng acting project, inamin ni Janine na gagampanan niya ang kanyang sarili sa kanyang upcoming Maalaala Mo Kaya episode. 

"Nagpa-plano na po sa MMK," aniya.

"If ever bigyan nila ako ng chance na mag-acting, siyempre whole-heartedly kong tatanggapin yun kasi isa yun sa mga gusto ko talagang gawin."



Stories We Are Tracking

Kyline Alcantara congratulates TNT winner Janine Berdin
Kyline Alcantara congratulates TNT winner Janine Berdin



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“TNT ALL-STAR SHOWDOWN.” Ang TNT Records ay isang bagong music record label na under ng mother studio nitong Star Music.

Ito ang magiging tahanan ng mga bagong tunog at musika ng bagong henerasyon sa larangan ng original Pilipino music (OPM).

Sa launching nito, pumirma ng kontrata si Janine, TNT Boys, Ato Arman, Eumee Capili, Froilan Canlas, Anton Antenorcruz, Arabelle Dela Cruz, Reggie Tortugo, Sheena Belarmino, at Steven Paysu.

Pumirma din ng kontrata ang iba pang produkto ng Tawag ng Tanghalan Season 2 na sina JM Bales, Christian Bahaya, at Sofronio Vasquez (na kilalanin ang kanilang grupo na COVE), at sina Lalaine Araña at Pauline Agupitan (na bubuo naman sa bandang biritera na Bukang Liwayway).

Sa July 28, masusubukan ang galing sa pagkanta ng halos lahat ng grand finalists ng Seasons 1 and 2 ng Tawag ng Tanghalan sa TNT All-Star Showdown concert na gagawin sa Araneta Coliseum.

Tampok sa naturang concert ang TNT Season 1 grand champion na si Noven Belleza. Ang TNT Boys na sina Kiefer Sanchez, Mackie Empuerto, at Francis Concepcion ay mapapanood ng kanilang mga kababayan matapos ang kanilang pagtatanghal sa Little Big Shots United Kingdom edition at sa Little Big Shots U.S. edition.







Stories We Are Tracking

TNT Boys return to <em>Little Big Shots</em>; get praised by Queen
TNT Boys return to Little Big Shots; get praised by Queen
TNT Boys earn standing ovation in <em>Little Big Shots</em> UK
TNT Boys earn standing ovation in Little Big Shots UK





ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN