Kean Cipriano speaks up about "sulutan" issue with former IV of Spades vocalist Unique Salonga

by Rose Garcia
Aug 18, 2018
Kean Cipriano (fourth from left) breaks his silence on rumors surrounding his management of former IV of Spades vocalist Unique Salonga (second from left), who's now a solo artist. "I felt sad when I heard that Unique disengaged. Pero yun nga, I'm getting feedback na yun nga, inagaw mo ba sa banda si Unique. No way, no way I'm gonna do that."

May bagong “baby” ang mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza. Ito ay ang kanilang itinayong recording label, ang OC Records.

“One year naming iniisip at tina-try lang to have our own recording label kasi last year, I started managing,” simulang pahayag ni Kean.

“Ako naman, ang compass ko palagi yung sa artist, you want to sign on a label. Lahat sila, may hesitation to sign-up in a label.

“Sakto rin when Sir Vincent del Rosario set-up a meeting, nagulat din kami na naka-align yung gusto namin. Why not put-up a recording label? Sabi ko, sige, so after a series of serious meeting talking about it, planning it out, we came out with this OC Records.

“Joint venture ko to with Boss Vic del Rosario, where there’s the joint chairmanship, CEO. of the company. Half kami sa company and partnership talaga siya.”

Equal daw sila sa OC Records ng VIVA at hindi sub-label lang ng VIVA.

Sabi pa ni Kean, “Magki-cater kami sa mga artists na unheard, underground, underdog, underrated artists. Sabihin na natin na unorthodox type, out-of-the-box, risky, hindi yung safe or nagko-compromise.

“We decided to come-out with OC Records na yung label is very much focused sa creative control of the artists.”

Bilang isang artist din, gusto raw niyang makapag-trabaho rin kasama ang mga artists na hindi kino-compromise ang work nila.

Bukod sa dating miyembro ng IV of Spades na si Unique, contract artists na rin ng OC Records sina Rice Lucido, Earl Generao, Frizzle Anne at ang grupong Bita & The Botflies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Kean, “These artists are going to come out with albums, music videos that we'll invest on.

“Yun din ang napapansin ko ngayon sa business, maglalabas ng single... okay naman yun, okay yun. Ako rin, even Callalily, naglabas kami ng single lately.

“Pero ako kasi, lumaki ako sa era na makikilala mo ang artists through their album. Doon mo makikilala, e. Makinig ka ng Madonna record, alam mo na ito ang state of being nung artist, parang era ng buhay niya yun.

“Yun ang gusto kong mangyari sa kanila.”

Dugtong din niya, “Ngayon, of course, I’ll still be playing music, I’ll still be recording. Ako, I signed with OC Records myself.

“Gusto kong makapag-contribute sa music industry, hindi lang ako as an artist. Gusto kong maging portal, gusto kong maging way nila to be heard, to be the music out there talaga.

“Yun ang sinasabi ko sa kanila, no promise of fame and fortune. Pero, gawin mo ang gusto mo. Nagagawa mo siya at one point in your life professionally.

“I believe, when arts becomes successful, it unavoidably becomes a business. So, yun ang gusto kong mangyari.”

Magkatuwang nga silang mag-asawa sa pamamahala ng OC Records. Kung si Kean ang CEO/President, si Chynna naman daw ang Vice President at namamahala sa artist development.

Kuwento rin ni Kean, “Yun ang ginagawa ni Chynna. Weird lang kung minsan. Magkasama kami sa trabaho, hindi naman maiiwasan na maiuwi mo yung trabaho.

“Pero sinasabi ko rin sa kanya na balansehin din natin. Siyempre, at the end of the day, we’re family.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Posible rin daw silang mag-record ng kantang dalawa. At the same time, sumusulat na rin ng kanta si Chynna. Isa sa sinulat nito ay posibleng i-record ni Frizzle Anne.

“Kami naman ni Chynna, gumagawa talaga kami ng mga kanta. Favorite collaborator ko ang asawa ko.”

"NO WAY I'M GONNA DO THAT."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Kean sa ginanap na OC Records launch sa Good Guys & Steak sa Kamuning, Quezon City noong August 14.

Dito ay binigyang linaw rin ni Kean ang mga isyung lumalabas at kumakalat kung bakit umalis si Unique sa dati nitong grupo at ngayon nga ay under na ng OC Records.

Ayon kay Kean, “I used to manage their band before, then I disengaged. Nag-disengage ako, last project ko sa kanila yung 'Mundo.' Even last year pa lang, nakaplano na iri-release ang 'Mundo' ng Feb 14, 2018, I already told them that.

“I disengaged dun sa banda, February 14, the night before they released their 'Mundo.' It’s a mutual thing. Ako lang kasi, I felt na siguro it’s too crowded na rin sa loob that’s why I disengaged.

“Okay naman, it was mutual naman at the beginning.

“Two months after, si Unique ang umalis ng banda. Pero nung umalis siya ng banda, nag-usap kami, nagpa-manage siya sa akin.”

Para lang maging malinaw, lalo na sa ilan na nag-iisip na nagkaroon ng sulutan o plinano nila ni Unique ang pagkalas sa IV of Spade, walang ganoong scenario?

“Hindi, no way,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako, fan ako ng banda. Unang beses ko pa lang silang makita, hindi pa ganun ang mga suot nila. Blown-away ako. Kasi ang galing, ang ganda ng mga kanta. Sabi ko, okay ‘to.”

Kahit daw siya, nakaramdam ng lungkot nang malaman niya na kumalas na si Unique sa banda.

“I felt sad when I heard that Unique disengaged. Pero yun nga, I’m getting feedback na yun nga, inagaw mo ba sa banda si Unique. No way, no way I’m gonna do that.

“Nagkataon na umalis siya sa banda, lumapit siya sa akin para magpa-manage. Umpisa pa lang naman, naniniwala na ko kay Unique. Alam ko yung kapasidad ng tao at may magic yung bata. Storyteller siya. Sabi ko, game, gawin natin. I-ayos natin ang career mo.

“Gusto niyang mag-explore kaya sabi ko, tara, gawin natin.”

Dugtong pa ni Kean, “Ako, I’m very happy sa creative process namin ni Unique. Very balanse.

“Like yung album na Grandma drinop namin kahapon. Yung buong process ng pagre-recording nun, from choosing all the songs, picking the perfect musician for him to the mixing, to the mastering, magkasama kami, tinutukan namin.

“Ako, very proud ako sa kanya dahil nagawa namin ang album kung paano niya gustong gawin na walang compromise.”

Sa kabila ng mga isyu o mga haka-haka, ayaw raw ni Kean na mag-focus sa mga ito.

Sabi nga niya, “Ako kasi, I don’t want any drama.

“Ang importante sa akin, you make good music, you make good arts, we’re okay, we’re good. Kung anuman tayo, magkakasama tayo. Pero ang focus ko talaga, make good music, yun talaga.

“Yun lang ang goal.

“I know exactly what my truth is, so I don’t need to explain. I will let the music speak for itself. Kapag narinig niyo ang Grandma album ni Unique, yung buong album na yun, nagsasalita, nag-e-explain kung anuman yung mga pinagdaanan namin ni Unique.”

Aware rin si Kean na iba-iba ang naging reaksyon o komento ng mga nakapanood ng sabay na guesting nila ni Unique sa Tonight with Boy Abunda kamakailan lang.

Aniya, “Ang daming nagsasabi sa akin na mixed feedback yung nakukuha dahil nag-guest kayo ng sabay sa Tonight with Boy Abunda and all that…

“Okey yun, mas gugustuhin ko na my artist is being true to himself instead of nagsu-sugar coat siya or kung anuman ang ginagawa niya just to please everybody.

“Mas gusto ko na, ako, artist ako, mas gusto ko na totoo ang nangyayari at sinasabi ko kesa sa kung ano-ano man. So masaya ako sa kung ano ang nagiging flow ng career ni Unique.”

Excited na rin si Kean sa magiging concert ni Unique sa KIA Theater sa September 29. Magsisilbi rin daw itong major event ng OC Records.

“Ito yung pinaka-malaking project ni OC ngayon, in-partnership with VIVA Live. Yung concert namin, the Grandma tour, yung concert ni Unique. Sa KIA Theater at first time na mapapanood ng mga tao si Unique as a solo artist.

“First time rin siyang mapapanood na magpe-perform ng live ng mga songs niya sa Grandma. Kahit ako, hindi ko alam kung ano ang mangyayari.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, hindi naman itinatanggi ni Kean na ang OC Records, bukod sa business side nito ay ang simula ng katuparan ng mga goals niya para sa music industry sa bansa.

“Well, dati naman talaga, genuinely, tumutulong ako sa mga artists. And then naisip ko, this is what I wanna do for the rest of my life, make music.

“Yung label thing, naisip ko siya last year, pero ang pagtulong sa mga artists, as in few years back. Kasi dati, may mga pino-produce rin ako, pero tropa-tropa lang. Now, I’m doing it professionally.

“Alam ko na, yun nga, paulit-ulit kong sinasabi, pero may mako-contribute ako sa music industry ng Pilipinas through these artists. Hindi natin alam kung sino ang maghi-hit o hindi, but definitely, may mai-influence ang mga ito na mga tao.”

ON CALLALILY

Ipinaliwanag din ni Kean kung paano naman siya bilang artist at kung sino talaga ang humahawak sa kanya na manager.

Ayon kay Kean, “Ganito yan, ang Callalily is under Sindikato Management. Kean Cipriano as a solo artist, solo performer, actor, is with Cornerstone and I have my own recording label.

“Hindi ko kayang i-manage ang sarili ko. Kailangan ko ang Cornerstone. Kumbaga, parang sinegregate ko ang career ko na, this is my movie side of the world or TV side of the world or this is my Callalily world.”

Kumusta ang mga ka-banda niya sa Callalily sa pagkakaroon niya ng sariling recording label?

“Okay sila,” mabilis niyang sagot.

“Kami naman kasi ng Callalily, thirteen years na kaming magkakasama. So, hindi lang kami magkakabanda. Pamilya na ang nabuo. May mga sari-sarili ng pamilya, may sari-sarili ng buhay pero magkakasama pa rin kami.”

Dagdag ni Kean, “Okay naman sila, ako like yung isang kabanda ko, meron din siyang side project. Open kasi kami for expansion. Kapag kinahon mo ang sarili mo, mabe-burnt-out kaming lahat.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kean Cipriano (fourth from left) breaks his silence on rumors surrounding his management of former IV of Spades vocalist Unique Salonga (second from left), who's now a solo artist. "I felt sad when I heard that Unique disengaged. Pero yun nga, I'm getting feedback na yun nga, inagaw mo ba sa banda si Unique. No way, no way I'm gonna do that."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results