Alden Richards bares "buwis-buhay" production numbers for Adrenaline Rush concert

Adrenaline Rush concert" data-url="https://www.pep.ph/guide/music/28430/alden-richards-bares-buwis-buhay-production-numbers-for-emadrenaline-rushem-concert" data-desc="Will Maine Mendoza be a special guest at Alden's concert?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2018-09-01_16:49:51_alden-main.jpg"> Adrenaline Rush concert" data-url="https://www.pep.ph/guide/music/28430/alden-richards-bares-buwis-buhay-production-numbers-for-emadrenaline-rushem-concert" data-desc="Will Maine Mendoza be a special guest at Alden's concert?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2018-09-01_16:49:51_alden-main.jpg"> Adrenaline Rush concert" data-url="https://www.pep.ph/guide/music/28430/alden-richards-bares-buwis-buhay-production-numbers-for-emadrenaline-rushem-concert" data-desc="Will Maine Mendoza be a special guest at Alden's concert?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2018-09-01_16:49:51_alden-main.jpg">

Adrenaline Rush concert" data-url="https://www.pep.ph/guide/music/28430/alden-richards-bares-buwis-buhay-production-numbers-for-emadrenaline-rushem-concert" data-desc="Will Maine Mendoza be a special guest at Alden's concert?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2018-09-01_16:49:51_alden-main.jpg"> Adrenaline Rush concert" data-url="https://www.pep.ph/guide/music/28430/alden-richards-bares-buwis-buhay-production-numbers-for-emadrenaline-rushem-concert" data-desc="Will Maine Mendoza be a special guest at Alden's concert?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2018-09-01_16:49:51_alden-main.jpg"> Adrenaline Rush concert" data-url="https://www.pep.ph/guide/music/28430/alden-richards-bares-buwis-buhay-production-numbers-for-emadrenaline-rushem-concert" data-desc="Will Maine Mendoza be a special guest at Alden's concert?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2018-09-01_16:49:51_alden-main.jpg"> Adrenaline Rush concert" data-url="https://www.pep.ph/guide/music/28430/alden-richards-bares-buwis-buhay-production-numbers-for-emadrenaline-rushem-concert" data-desc="Will Maine Mendoza be a special guest at Alden's concert?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2018-09-01_16:49:51_alden-main.jpg">

IMAGE Noel Orsal

Alden Richards on what his fans should expect for his forthcoming Adrenaline Rush concert on September 21 at the KIA Theater: "Yung performances ko po, hindi the usual na ginagawa ko. Ang element po kasi ng previous concert is water. Ngayon naman po, nilagyan po natin ng element na air."


Halos sabay-sabay ang mga ginagawa ng Pambansang Bae na si Alden Richards.

Nandiyan na nga ang primetime series niya na Victor Magtanggol, ang mga regional at mall shows niya para sa serye, ang daily noontime show niya na Eat Bulaga at ang Sunday variety show na Sunday PinaSaya.

Pero kasabay pa rin nito ang paggawa niya ng bagong album under GMA Records na iri-release sa mismong concert niya, ang Adrenaline Rush na gaganapin sa KIA Theater sa September 21.

Ang preparasyon ng naturang concert ang isa rin sa masasabing pinagkaka-abalahan ngayon ni Alden.

Mas challenging nga raw ngayon kay Alden ang concert niya kumpara sa nakaraan.

“May challenge po ng konti,” pag-amin ni Alden sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na presscon para sa concert na ginanap sa GEMPC Building, Timog Avenue noong August 30.

“Kasi yung concert ko before, yun lang po kasi ang kinabisihan ko last year.

“Wala po siyang nakasabay. Naka-focus po.

“Dito naman po, kasabay po yung show, pero what made it lighter naman po are the people behind the concert who are helping me conceptualize.

“Mas napapadali po ang trabaho na kasama sila.

“Kasi mahirap naman po kung sa akin lang po ang lahat ng load.

“At saka excited po ako rito kasi nung sinasabi po nila sa akin ang mga segments, kinakabahan po akong gawin lahat, kasi medyo delikado siya.”

May mga buwis-buhay na production numbers ba siya?

“Meron po, meron… mahilig po ako sa mga ganyan—buwis-buhay,” natawang sabi niya.

NEW ELEMENTS

Pagdating nga raw sa mga performances na gagawin niya sa Adrenaline Rush concert, mas kakaiba rin daw kumpara sa mga dating napapanood sa kanya.

Aniya, “Yung performances ko po, hindi the usual na ginagawa ko.

“Siguro yung iba nagawa ko na during Party Pilipinas, Sunday All Stars days na mga intense performances.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang element po kasi ng previous concert is water.

“Ngayon naman po, nilagyan po natin ng element na air.

“So, yun naman po ang mga bagong performances na magagawa ko rito para makita naman po ng mga manonood.”

Hindi rin daw mawawala ang bago niyang karakter sa kanyang primetime series sa GMA-7 na si Victor Magtanggol at Hammer Man sa concert niya.

NEW CHALLENGES

Hindi raw madali para sa isang performer ang kumanta, at the same time sumayaw, o mag-stunts.

Kaya bilib daw talaga siya sa mga performers na nakakagawa nito nang maayos.

Lahad niya, “Before po kasi, I’ve done some production numbers that involve dancing, singing and doing stunts at the same time.

“Hindi po siya madali. Kaya hands-down po ako run sa mga performers who do it flawlessly.

“Kasi, mahirap po yung body movements mo, hindi aligned sa singing.

“Nag-iiba po ang tono.

“So yun po ang challenge sa amin and most especially sa akin on how you’ll deliver it during those performances.”

Ayon kay Alden, more than a singer, actor talaga ang maile-label niya sa sarili.

Pero kung ire-rate niya ang sarili bilang isang singer, ano ang rating niya?

“Confidently, nasa 4.5,” natawa niyang sabi.

“Baka after po nito, mag-4.7.”

NEW SONGS

Bukod sa mga ballads na madalas niyang kinakanta, sa Adrenaline Rush daw ay mga may bagong musical genre siyang susubukan.

Base sa mga napipili nilang kanta, kahit daw siya ay hindi niya na-imagine na kakantahin niya ang mga kantang gagawin niya.

Sabi pa ni Alden, “Ang ginagawa rin naman po namin, hindi kami naka-box kapag gumagawa ng concert.

“We’re very open to any possibility na mangyayari during performances.

“Minsan po nangyayari, hindi po na-rehearse, pero iba po ang nagagawa during live performance.”

Physically, naka-handa raw si Alden kung anuman ang ihahaing challenge sa kanya sa concert. Kung kinakailangang may pa-topless siya, handa rin daw siya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READY FOR BIGGER VENUE?

Nakapag-concert na siya sa KIA Theater noong isang taon.

Hindi ba niya pinaplanong gawin ang concert niya sa mas malaking venue naman sa susunod tulad halimbawa ng Araneta Coliseum?

“Hooo! Dream po siyempre, pero bahala na po si Lord,” nakangiting pahayag niya.

Pero nakikita naman ba niya ang sarili na nagku-concert sa Araneta?

“Nakikita ko ba? Sana, opo… sana, a bigger venue next time.

“Pero siyempre, kailangan po ang mga pinu-produce nating concert, successful.

“Para meron po tayong audience na continuously supports our show.”

MAINE AS SPECIAL GUEST?

Naitanong din kay Alden kung may posibilidad na maging isa sa mga special guest niya ang ka-loveteam niyang si Maine Mendoza.

Ayon naman dito, “Of course, there’s always that possibility.

“We’re just checking the availability and sa ngayon po, wala pa namang final.

“Let's see po kung ano ang mangyayari sa September 21st.”

Dugtong pa niya, “Concert-wise, different performance, ibang mga gagawin na naman.

“Kasi, alam ko po na yun ang palaging sinasabi ng mga performers, na may something kakaiba.

“Pero yun nga po, nabanggit na naman na we’ll do some several stunts na i-include sa concert na kahit ako, hindi ko pa siya nagagawa before.

“Yun po ang ipe-perfect natin dito sa Adrenaline Rush.”

ALDEN THROUGH HIS DIRECTOR'S EYES

Samantala, si Direk GB Sampedro ang nagdirek ng Upsurge concert ni Alden noong isang taon.

Para sa concert niya ngayon, iba naman daw ang mapapanood ng mga tao sa Adrenaline Rush.

“Actually, ang concept nito adrenaline surge sa adrenaline rush.

“Nagsimula kasi kami dun sa water, ngayon naman, air.

“Maraming pasiklab na surpresa.”

Kinumusta rin namin ang director kung paano i-direk sa concert ang Pambansang Bae.

Ayon dito, “Napakabait, napakabait.

“Gustung-gusto ko yung nae-excite ako every time na makakatrabaho ko si Alden.

“Kumbaga, napaka-humble na tao.

“Kahit sobrang sikat, hindi ko maramdaman na sikat yung kasama mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napakabait na kasama, katrabaho.

“Masasabi kong one of the artists na tunay na tao.”

Adrenaline Rush concert" data-url="https://www.pep.ph/guide/music/28430/alden-richards-bares-buwis-buhay-production-numbers-for-emadrenaline-rushem-concert" data-desc="Will Maine Mendoza be a special guest at Alden's concert?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2018-09-01_16:49:51_alden-main.jpg"> Adrenaline Rush concert" data-url="https://www.pep.ph/guide/music/28430/alden-richards-bares-buwis-buhay-production-numbers-for-emadrenaline-rushem-concert" data-desc="Will Maine Mendoza be a special guest at Alden's concert?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2018-09-01_16:49:51_alden-main.jpg"> Adrenaline Rush concert" data-url="https://www.pep.ph/guide/music/28430/alden-richards-bares-buwis-buhay-production-numbers-for-emadrenaline-rushem-concert" data-desc="Will Maine Mendoza be a special guest at Alden's concert?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2018-09-01_16:49:51_alden-main.jpg">


Adrenaline Rush concert" data-url="https://www.pep.ph/guide/music/28430/alden-richards-bares-buwis-buhay-production-numbers-for-emadrenaline-rushem-concert" data-desc="Will Maine Mendoza be a special guest at Alden's concert?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2018-09-01_16:49:51_alden-main.jpg"> Adrenaline Rush concert" data-url="https://www.pep.ph/guide/music/28430/alden-richards-bares-buwis-buhay-production-numbers-for-emadrenaline-rushem-concert" data-desc="Will Maine Mendoza be a special guest at Alden's concert?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2018-09-01_16:49:51_alden-main.jpg"> Adrenaline Rush concert" data-url="https://www.pep.ph/guide/music/28430/alden-richards-bares-buwis-buhay-production-numbers-for-emadrenaline-rushem-concert" data-desc="Will Maine Mendoza be a special guest at Alden's concert?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2018-09-01_16:49:51_alden-main.jpg"> Adrenaline Rush concert" data-url="https://www.pep.ph/guide/music/28430/alden-richards-bares-buwis-buhay-production-numbers-for-emadrenaline-rushem-concert" data-desc="Will Maine Mendoza be a special guest at Alden's concert?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/2018-09-01_16:49:51_alden-main.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN