Lani Misalucha breaks down at presscon for concert with Morissette Amon

IMAGE Noel Orsal

Asia's Nightingale Lani Misalucha (in photo) is all praises for young singer Morissette Amon: "Yung the quality of her voice, yung tone, yung power, strength, andoon. I wasn't like that when I was 22, siguro nung nagba-banda pa ako."


Nalalapit na ang joint concert ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha at ng isa sa mga successful young artists ngayon na si Morissette Amon.

Bilang was malawak ang karanasan ni Lani sa entertainment industry, natanong ito sa press conference ng concert nila kung ano ang mabibigay nito na reminder sa nakababatang singer.

Panimula ni Lani, “Meron tayong mga priorities sa buhay, if you think that this is something you want to do for the next several years and do it, because this is what you love.

“Kasi sa akin, iba ang naging priority ko talaga nung bago pa ako sa industry, iba na yung priority ko sa buhay.

“May pamilya na ako when I got into show business, so yun yung talagang inuna ko, which was to nurture my family.

“Hindi ko talaga, ano ang tawag mo doon? Hindi ko talaga binulusok nang todo-todo.

“It was good that I was able to balance both worlds, yung sa ‘yo [Morissette], since hindi mo siguro priority ang magkaroon ng relationship at this time.

“And I don’t think anytime soon you want to get married dahil wala naman, then, go ahead.

“I-mold mo po ang ‘yong craft at iyong talent, and I’m telling you, you already are a very good artist and you’re going a long away.

“You’re gonna go a long way, it’s just, never, never forget, uh, bakit nagka-crack ang boses ko?”

Dito na nga naging emotional si Lani, “Hindi talaga, never forget ....that was given to you,” hanggang sa napaiyak na ito nang tuluyan.

Pahikbi-hikbi niyang lahad, “God gave you that, all of us, all of our talents, all of our skills, are given from heaven.

“It was given to us, and anytime it can go away. It can be taken away from you in a snap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, you just gonna be grateful and always acknowledge the One who gave you that.

“You have to be grateful all the time, and especially you, especially you,” diin pa niya kay Morissette.

“Now that you’re traveling, you always have to ask for guidance and protection.

"That you always be safe in everything that you do," paliwanag ni Lani habang tumutulo ang luha.

“Minsan kasi masyado na akong busy… nalilimutan ko na, na ‘Teka muna, hindi na ako,’ alam mo yun?

“Minsan unti-unti ka nang lumalakad away from the One that you have to give priority too, ganoon.

“Nangyayari yun, e, sana lang, hindi talaga dire-diretso makalimot, yung ganoon kasi nangyari na sa akin yun.

“Nakakahiya lang hindi mo ma-acknowledge Yung nagbigay sa atin ng biyaya, yun lang naman.”

PRAISES FOR MORISSETTE.

Bilib si Lani sa kakayahan ni Morissette at lalong hindi na raw niya kailangan pang i-mentor ito.

Bulalas niya, “Naku! Mentorship? I don’t think kailangan niya yun.

“I mean, honestly, ha, kasi ako, late na pumasok sa industry, mga 27 na yata ako noon.

“So for her, being 22 years old and sing like that, hindi ako ganyan nung 22 ako.

“Yung the quality of her voice, yung tone, yung power, strength, andoon.

“I wasn’t like that when I was 22, siguro nung nagba-banda pa ako.

“Yung pagkanta niya ng eksakto na kahit tumatalembang ‘pag bumagsak.

“Parang pusa kapag hinagis mo, pero pagbagsak niya pasabog, ganoon.

“Hindi sa mentorship, ang masasabi ko lang is to really take care of it.

"Because she has a long way to go, mahaba pa ang tatakbuhin [ng karera niya].”

Dahil malayo na ang kanyang narating, ninenerbyos pa ba ang isang Lani Misalucha?

Tugon niya, “Oh, my gosh! All the time. Mapaliit o mapalaki.

"Kasi hindi mo talaga alam kung ano ang mangyayari.”

Mahihiga ba ulit siya habang kumakanta sa concert nila ni Morissette?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa si Lani, “Grabe naman!” at nagpaliwanag.

“Honestly, I am really, really grateful kasi meron mga songs noon na very easy sa akin.

“I’m surprised na nagagawa ko pa rin ngayon, siyempre hindi na ganoon ka-easy gawin.

"Pero nagagawa ko pa rin. More effort, oo, at ngayon, may nerbiyos na, ‘Uy, shocks! Ma-aano ko ba?’”

Ang A Lani Morissette—Musical Journey concert ay pamamahalaan ni Carlo Orosa na magaganap sa September 22 at 23 sa The Theatre at Solaire.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN