Mocha Girls to perform in Guam, Nov 2-15


The Mocha Girls will perform at the Island ClubRoyale in Tamuning, Guam from November 2-15, 2008.



Very excited na ang Mocha Girls para sa kanilang nalalapitat much-awaited na U.S. tour. First stop nila ang Guam from November 2-15.Laya naman todo paghahanda na ang all-female group na binubuo nina Mocha,Hershey, Grace at Bez dahil ito ang first time nila na makabisita sa Guam atmakapag-perform para sa mga Pinoy doon pati na rin sa mga dayuhan.

Nakatakdang magtanghal ang Mocha sa Island Club Royale saTamuning, Guam sa loob ng dalawang linggo. Bibisitahin din nila ang kanilangmga kaibigang Pinoy sa Guam na naghahanda ng special welcome party para sagrupo. Ibinahagi nga ng grupo ang kanilang kasiyahan nang makausap sila ng PEP(Philippine Entertainament Portal) kamakailan lang.

"Sobrang excited na kami. Ako nga I can't wait to pack mybags already. We promise to give the people in Guam our hot and explosiveperformances," masayang pahayag ni Mocha.

Ayon naman kay Hershey, "Napalundag nga ako sa tuwa nangsabihin sa amin ng manager namin na si Byron Cristobal at ng PR Manager naminna si Joyce Pagala na tuloy na tuloy na ang U.S. tour namin."

"Syempre po masaya kami dahil first time namin na makapuntaat makapag-perform as a group sa Guam," sabi naman ni Grace.

"Happy po kami kaya naman we guarantee to give the best ofFilipino entertainment in Guam," dagdag pa ni Bez.

So, ano bang ginagawa nilang paghahanda para masigurongmag-e-enjoy ang mga makakapanood sa kanila sa Guam?

"Araw-araw po ay nagre-rehearse kami at nag-aaral ng mgabagong dance steps para mapasaya po namin ang mga manonood sa amin sa Guam lalona ang mga kababayan nating mga Pinoy na nasasabik din sa Pinoy entertainment,"sabi pa ni Mocha.

"Pati po ang pagkanta namin ay inaaral naming mabuti parahindi naman po kami mapahiya," ayon pa kay Hershey.

"At saka para makaulit pa!" pabirong sabi pa nina Bez atGrace.

Sa kanilang pagpunta sa Guam sandali ngang iaalis muna ninaMocha at Hershey sa kanilang mga isip ang tungkol sa isinampa nilang kasonglibelo kontra sa isang tabloid. Ayaw raw nilang maapektuhan ng problemang itoang kanilang magandang kapalaran sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa kabila ng kaso, tuloy pa rin ang buhay para sa gruponamin. Pero hindi naman ibig sabihin nito na kakalimutan na namin yung kaso atang pambabastos na ginawa sa amin. Patuloy pa rin naming ipaglalaban angkarapatan namin. Pero sa ngayon positive vibes muna kami," ani Mocha nasinang-ayunan naman ni Hershey.

Samantala, matapos ang two-week stint ng Mocha sa Guam,pagbalik nila sa Pilipinas ay haharapin naman nila ang pagpo-promote ngkanilang second album under Viva Records tampok ang mga kantang "Deliciosa,""Mobe" at iba pa.

Una nang naging hit ang kanilang kanilang kantang "Patcha"na mula sa kanilang first album with Viva Records.

Magkakaroon din sila ng mall tours para sa kanilang secondalbum sa December at January.

Bukod sa kanilang U.S. tour at bagong album ay busy din angMocha sa kanilang regular shows sa Mugen Metrowalk every Tuesday; Bluewave,Macapagal (Wednesdays); Hard Rock Café, Makati (Thursdays) at sa Bagaberde,Roxas Blvd. (Fridays).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN