Ryan Cayabyab, local performers looking forward to the first Pinoy Playlist 2018

IMAGE Arniel Serato

The first Pinoy Playlist 2018, Ito Ay Atin, Sariling Atin will be held at the BGC Arts Center in Bonifacio Global City, Taguig City from October 11-13 and 18-20.



Excited na ang mga OPM (Original Pilipino Music) singers, composers, and fans sa paparating na Pinoy Playlist 2018, Ito Ay Atin, Sariling Atin kung saan magsasama-sama sa anim na araw ang mga Pinoy performers sa iisang lugar upang magtanghal ng all-Filipino musical compositions.

 IMAGE Arniel Serato

Ang Pinoy Playlist 2018, Ito Ay Atin, Sariling Atin ay isinusulong at inorganisa nina Maestro Ryan Cayabyab, Moy Ortiz ng The Company, at ng talent manager at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) Troika columnist Noel Ferrer.

Ito ay sa pakikipagtulungan din ng BGC Arts Center, sa Bonifacio Global City, Taguig City.

 IMAGE Arniel Serato

Sa presscon ng event na ginanap sa BGC Arts Center noong Miyerkules, September 19, hindi maitago ang excitement ng organizers at ilang performers na magkuwento kung bakit napakahalaga para sa kanilang mga musikero ang Pinoy Playlist 2018, Ito Ay Atin, Sariling Atin.

Kuwento pa ni Mr. Cayabyab, "Una sa lahat ano siya first time siya na halu-halong style ng music, halu-halong genre.

 IMAGE Arniel Serato

"Iba-ibang mga performers, merong mga paakyat, merong mga on the way up, merong mga beterano, may mga comedian, may a capella, merong rock bands, merong singer-songwriter, merong galing sa Visayas Music Festival.

"So, it’s just exciting just to be there. Kahit ako lagi ko nga iniisip, kung maamoy ko lang yung simoy ng hangin dun sa six days na yun, kasi makikita mo electrifying, e.

"For example, one hour, tatlong concert sabay-sabay, in the same place, in the same vicinity.

"Labas ka lang sandali meron na ibang concert, sa kabilang theater, ibang klaseng performance.

"Sobrang excited ako kasi it’s never been done… alam mo yun sabay-sabay, in every hour merong iba-ibang type of music na lalabas."

Ayon naman kay Ito Rapadas ng bandang Neocolours, mas ganado ang kanyang banda na makasama sa performance ang mga batang singers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Arniel Serato

Saad pa niya, "Very excited. Mas excited ako kasi opportunity to for the band to play with the younger performers, the kids.

"So, I’m looking forward to share music with the young ones."

Dagdag pa ni Gabe Mercado ng DaPulis band, ngayon pa lamang daw sila makaka-perform na makakasalamuha ang hindi rock performers kundi ibang genre na ibang-iba sa kanilang musika.

 IMAGE Arniel Serato

Kuwento ni Gabe, "Active kami nung late '90s hanggang early 2000. Tapos parang qualification namin dati was rock, so mga kasabayan namin ang mga rock bands like Greyhoundz, Razorback, Wolfgang, at parang yun ang eksena namin.

"So, parang hindi namin halos nakakahalubilo katulad ni Mr. C (Ryan Cayabyab) and iba pang pop artists, yung mga classical, so nakakakiliti para sa akin, yung mga hindi mo usually nakakasama, makakasama mo sa isang festival.

"Nae-excite ako."

Ang Pinoy Playlist 2018, Ito Ay Atin, Sariling Atin ay gaganapin mula October 11-13 at 18-20 sa BGC Arts Center kung saan merong halos 102 performers sakop ang iba’t-ibang genres.

Ang mga tickets ay nagkakahalaga ng PHP750 (1-day pass), PHP1500 (3-day pass), at PHP2250 (festival pass). Meron ding student at group rates.

Mabibili ang mga tickets sa mismong gate ng venue o sa www.ticketworld.com


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN