Morissette Amon postpones Capiz concert due to vocal condition

IMAGE Noel Orsal

Morissette Amon reschedules Capiz concert upon doctor's orders.



Bigo ang mga tiga-Capiz na makita nang personal at marinig na kumanta sa harap nila si Morissette Amon.

Kanselado ang dapat sana’y live performance ni Morisette sa Capiz, Roxas City noong October 1 sa concert na pinamagatang Our Jam.

Ito ay dahil sa masamang vocal condition ng 22-year-old ASAP Biritera.

Sa kanyang tweet noong Lunes ng hapon, October 1, humingi ng paumanhin si Morissette sa mga taga-Capiz na nag-aabang sa kanyang pagdating, kasabay ng paglilinaw niyang hindi siya isinugod sa ospital.

Nilinaw nitong pinayuhan siya ng kanyang doktor ng strict vocal rest.

Aniya, “hi there. just wanted to clarify to those who may have read from another certain post that I was NOT RUSHED TO THE HOSPITAL but just adviced by my doctor to go on strict vocal rest.

“we apologize to those who are expecting me in Capiz today, but pls read below.”


Naka-post sa ibaba ng tweet ni Morissette ang official announcement na naunang i-tweet ng kanyang Twitter fan page.


Ang tweet naman na ito ay nagtataglay ng official statement mula sa RankOne Productions at Stages na siyang nag-organisa ng nasabing concert.

Ayon sa announcement: “Stages and RankOne announces with deep regret that Capizikat’s “OUR JAM” featuring Morissette and Sam Mangubat will have to be moved to November 3, 2018 due to a fortuitous event following Morissette’s recent vocal health condition.

“We sincerely apologize to Jevin Andrada’s Capizikat Team and our beloved Capizeño audiences for any inconvenience this postponement may have caused.

“Morissette is en route to recovery and she is very excited to see all of you in Roxas City.
Thank you for your kind consideration.”

Hindi ito ang miminsang nagkaroon ng problema si Morisette sa kanyang boses.

Matatandaang ibinahagi niya sa nakaraang interview sa PEP.ph na nawalan siya bigla nang boses ilang oras bago siya sumalang sa concert niya sa Dubai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinakailangan niyang mag-take ng steroids para makakanta at hindi mabigo ang mga Pinoy audience na umaasa sa kanyang performance.

Sumang-ayon naman at sumuporta ang mga fans ni Morissette sa di nito pagdating sa show.


Isa naman sa kanyang followers ang nagpa-alala ng advice ni Lani Misalucha kay Morissette sa pressscon ng natapos  na nilang show, ang A Lani Morissette Concert.


May nagsabing napagod ang boses ng kanilang idol dahil sa kaliwa’t kanang live show nito.


Nagpahayag naman ng kanilang get-well-wishes ang ibang supporters nang tinaguriang Asia’s Phoenix.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN