Stella Ignacio performs for "Echoes of Dreams", Nov 7


International jazz artist Stella Ignacio will perform for the charity concert titled Echoes of Dreams. It will be held at Teatrino, Promenade Greenhills, this Friday, November 7.



Nagpunta ang international jazz artist na si Stella Ignacio sa presscon ng Echoes of Dreams, isang charity show for the abused children, na siyang magaganap ngayong Biyernes, November 7, sa Greenhills.


Pinahanga ni Stella ang dumalong press sa naturang presscon lalo na ng malaman na nalibot na nito ang buong mundo dahil sa naiiba nitong atake ng pagkanta ng jazz.

Nakausap ng writer na ito ang artistic director-producer ng Echoes of Dreams na si Jerome Vinarao, at ayon sa kanya, "Stella as a performer is world-class. She is one of those unique, not just unique but extraodinarily unique female jazz that I know, who can just keep you seated once you see her perform.

"She will rock the house and she will be able to make to tap, jump and be elated because she's such a wonderful performer. I've seen many performers here ang abroad, she's one of those on top of them."

The ironic thing is that Stella started ballet dancing when she was five years old at pinag-aralan pa niya ito sa Cultural Center of the Philippines. Hindi niya talaga alam kung paano siya nagsimulang kumanta, basta ang naalala lang nito, she plays all sorts of intruments.

Stella believes that Yamaha started it all, where she enrolled and learned the theories of music. Nang nag-college na, ito 'yung time na gusto nitong mag-aral sa University of the Philipipnes para makapasok sa Philosophy.

"Actually, ang pangit-pangit talaga ng boses ko noon. Walang kakuwenta-kuwenta. Wala akong choice but to follow my dad's dream of me to be a very good singer. Papaano kasi, gusto niyang maging singer noon pero hindi niya ito natupad, kaya pinag-aral niya ako sa St. Scholastica's College Conservatory of Music, major in voice."

Nagkaroon siya ng training sa opera singing. Pagkatapos nitong nanatili ng maiksing panahon sa Metropolitan Theater, she moved on to Repertory Philippines where she stayed for three years joining such productions as West Side Story, where she essayed the role of the noisy yet funny Rosalia, Kismet, Camelot and Prides of Pazance, to name a few.

"I left the stage because there's no money there," sambit nito. Ang kanyang kaibigan, si E.J. Villacorta, ang nag-convince sa kanya na maging solo artist na ginawa naman niya.

Una siyang pumunta sa Singapore before moving on to Japan where she stayed for four years. From here, she decided to try out the music scene in New York and Los Angeles.


MUSICAL INFLUENES. How does she describe her kind of music? "People are asking me about my style but I honestly don't know. Some people say that I sing like Liza Minelli."

Her favorite artists are Bobby McFerrin, Cassandra Wilson and Al Jarreau. She listens to a lot of black music and soul as well as classical, slow rock and jazz music but no heavy metal for her please.

"Singing is my release. If I stopped singing, that would be my most depressing moment," says Stella.

As a professional singer, she started with Amado Pascual. Nag-perform siya sa Bahia ng Intercontinental Hotel, her first professional gig. Sumama rin siya sa Batukada ni Bong Penera.

Una siyang nagperform sa Singapore, sa Neptune Theater for six months. May nag-offer sa kanya to do a jazz gig sa Hilton-Singapore, tinanggap niya ito kahit nangangahulugang iiwanan niya ang kanyang well-paid nightlly stint sa isang class na hotel. Dito siya nagsimulang gamitin ang kanyang talent sa pag-improvize ng kanyang sariling musika. Dito talaga siya natuto at na-master ang jazz.

Parang namamasyal lang noon si Stella sa Japan, Malaysia, Singapore, Thailand, Indonesia and America even Las Vegas, dahil sa kagalingan nito sa jazz music. Pati sa Autralia, ay naimbita siya sa mga Filipino communities para kumanta sa mga beauty pageants.

Katatapos lang ni Stella kumanta sa ilang mga nightly joints sa Hongkong tulad sa Cafe Deco and One Bar, Harbor View, The American Club and, Langham Place Hotel.

Sa November 7, magkakaroon siya ng jazz concert sa Teatrino, Promenade Greenhills, ang Echoes of Dreams with the special participation of a French musical director, David Starck and artists such as Raul Roco Jr., Kooky Tuason, Blackheart, Benjamin Band, Arnold Jallores, Jr., Meryl David, Bob Mitra and Camille Dela Rosa, the youngest Filipina painter with 15 solo exhibits.


Dito sa Echoes of Dreams, magaan ang kanyang pakiramdam sa pagkanta dahil alam nitong makakatulong siya sa Immaculate Heart in Memoriam Foundation na siyang nangangalaga ng mga kabataang inabuso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN