Morissette Amon talks about return to Asia Song Festival in South Korea

IMAGE @itsmorissette on Instagram

Morissette Amon on her performance before South Korean music fans: "I appreciate na nagustuhan din nila ang Filipino song."



Mainit muling tinanggap ng Korean audience si Morissette Amon sa 2018 Asia Song Festival na ginanap sa Busan, South Korea.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na nag-perform ang Pinay singer sa naturang event. Noong nakaraang taon ay binigyan siya ng standing ovation sa kanyang performance.

Sa kanyang Instagram account na @itsmorissette, nag-post si Morissette ng picture niya kasama ang K-pop group na Seventeen at nilagay niya sa caption:

"annyeonghaseyo @saythename_17 thank you for being so nice!!

"Oo guys, napa-fangirl po talaga ako ‘coz I’m familiar with some of their songs and work.. even caught them doing soundcheck pero pinagbawalan kumuha ng footage.

"@bigbadbawang @kringkim, I watched them perform ‘Don’t Wanna Cry’ live and it was my LSS for the rest of the day WAAAAA #HelloKIdol #Seventeen"

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Morissette sa ASAP noong Linggo, October 7, at masayang nagkuwento ang singer sa magandang experience niya sa Korean music lovers.

Kinanta niya ang Filipino song na collaboration nila ni KZ Tandingan.

Ani Morissette, "I was invited again to sing sa Asia Song Festival. Last year yung kinanta ko po yung 'Secret Love Song' na ni-rearrange po namin, 'tapos yung mash up ng 'Best Of My Love' and 'Emotions.'

"This year siyempre gusto kong mag-iba dahil sobrang hirap pantayan ng performance ko last year. This year nag-original song ako, original Filipino song, title is 'Throwback.'"

Bukod dito ay kinanta din ni Morissette ang Korean song na "Resignation," na orihinal na kinanta ni Lee Young-Hyeon ng South Korean vocal group na Big Mama.

Kuwento niya, "Sobrang naghanap din kami ng Korean song, yung 'Resignation.'

"May Korean friend ako na nag-suggest na ito yung kantahin ko. 'Tapos trinanslate namin yun in English, 'tapos yung dulo kineep namin yung Korean."

Ayon kay Morissette, iba ang naramdaman niya nang makita niyang na-recognize siya agad ng Korean audience sa paglabas niya pa lang ng stage, at kung gaano ka-warm ang binigay na reception sa kanya habang nagpe-perform.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually natuwa ako kasi umpisa pa lang parang na-recognize nila ako from last year," sabi niya.

"Even when nung nag-closing na kami, nag-bow na kami. Nung pine-play nila yung 'Throwback,' which is original Filipino song, music. I appreciate na nagustuhan din nila ang Filipino song."

Dagdag pa ng singer, "Sobrang happy ako kasi sobra nilang na-appreciate na nag-Korean ako. Siyempre parang sobrang di nila inexpect yun na all through out the song English yun, so happy ako."

Kamakailan ay nawalan ng boses si Morissette ilang oras bago concert niya sa Dubai. Na-postpone din ang kanyang concert sa Capiz, dahil inutusan siya ng doktor na ipahinga ang boses.

Paliwanag niya, "Ever since na nangyari po sa akin sa Dubai sa boses ko, medyo di pa nakaka-recover yung voice. So hopefully the next few days, lilipad na naman ako to States, may show kami nila Sir Joey of Side A and Aiza Seguerra. After nun hopefully maka-voice rest ako."

Dugtong niya, "Nawalan ako ng boses out of nowhere. Siguro sa kaka-travel ko, kasi before Dubai nag-Canada ako, nag-Australia. Puyat, stress, lahat na yata.

"[Kailangang ng] pahinga, which is ngayon wala kaming luxury magpahinga pero ngayon bina-balance din namin kasi sayang ang mga opportunities."

Aminado si Morissette na natakot siya sa nangyari at pinagpapasalamat niya na bukod sa ilang nagpahayag ng pagkadismaya ay marami pa rin ang sumuporta at nakaunawa sa sitwasyon niya.

Aniya, "Natakot, sobra kasi 10 minutes before ako nag-opening, nawalan ako ng boses. Wala man lang sign, pero nai-push naman. Super supportive ng mga audience namin dun.

"Nagreklamo? May mga nabasa ako kasi siyempre ang inexpect nila yung Morissette na todo talaga, yung mga napapanood sa YouTube. Before the show lumabas talaga ako, para mag-apologize ako na ito yung nangyari. But I promised them na ibibigay ko pa rin ang best ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng pagkawala ng boses bago magsimula ang Dubai concert, si Morissette na lang ang nag-adjust dahil wala silang binago sa areglo at line up ng mga kinanta.

 "Although I've had incidents like that pero first time namin na ganun kalaking concert, siyempre di rin ganun kadaling songs ang nasa lineup ko.

"Di rin namin puwedeng palitan ang mga songs kasi yung musicians namin, bukod sa musical director ko, is based dun sa Dubai.

"Wala kaming binago dun sa mga areglo namin, ako mismo ang nag-adjust. Okay lang as long as na masaya yung audience and na-fulfill naman yung makapag-concert pa rin ako."










WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN