Giselle on the late Rico J. Puno: "Natuto akong mag-green jokes dahil kay Sir Rico!"

by Ruel J. Mendoza
Oct 30, 2018

May ilu-launch na isang awareness campaign ang comedienne na si Giselle Sanchez na may kinalaman sa problema sa mga kabataan ngayon na teen suicide.

Nagkaroon ng malaking interes si Giselle sa lumalalang problemang ito sa mga kabataan ngayon dahil sa nangyari sa 16-year-old daughter ng aktor na si Nonie Buencamino na si Julia Buencamino.

Nag-commit ng suicide si Julia sa loob ng kanyang kuwarto noong 2015.

"Nonie kasi is the first cousin of my husband Emil Buencamino. Noong nagkausap kami regarding sa nangyari kay Julia, it really touched my heart at naisip ko na hindi lang si Julia ang ganito, maraming kabataan ngayon na naiisip ang magpakamatay because of so many problems na pumapasok sa isipan nila.

"Kaya with the help of some of our friends, maglu-launch kami ng isang organization to help these troubled teens and let a lot of people be aware that mental health issued affects children as well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"This organization will help save teenagers from hurting themselves and ending their lives," kuwento pa ni Giselle sa media launch ng Music & Laughter: Sana Tatlo Ang Puso Ko sa Limbaga 77 Restaurant in Quezon City.

Inamin ni Giselle na noong teen years niya ay naging biktima siya ng bullying, pero dahil parating nakasuporta ang pamilya niya kaya hindi niya naisip ang saktan ang sarili niya.

"I experienced being bullied because of my looks during my high school days.

"Pero dahil hindi naman ako pikon na tao and my family was always supportive of everything I do, I turned out okay.

"Ngayon kasi, iba na ang pag-iisip ng kabataan ngayon.

"They mostly rely on people na nakikilala nila over social media. Hindi nila alam na yung mga inaakala nilang friends or followers nila, ito pa ang mga magiging tormentors nila balang araw.

"Ginawa namin ang group na ito for teens to seek counseling and make them realize that life can still be beautiful.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Masarap pa rin ang mabuhay and make all of your dreams come true," diin ni Giselle.

Kabilang sa mga nakikitang problema ni Giselle sa mga kabataan ngayon ay ang pagkawala ng guidance ng kanilang mga magulang.

Isama na raw ang masyadong tutok ngayon sa social media na nagiging source ng online bullying at depression.

"Tayo naman kasi, lumaki tayo sa era na ang fathers natin ang nagwu-work at si mommy ang nasa bahay para mag-alaga sa mga bata.

"At least, there is one parent who looks after us at inaalam ang mga problema natin sa school and other things,

"Ngayon kasi, both parents are working at 'yung iba mga OFWs pa. So ang nakakagisnan ng mga batang magulang ay mga yaya, mga lolo't lola nila, minsan mga kapitbahay pa.

"These people can only do as much for these kids kasi hindi naman sila ang parents.

"Kaya ang nangyayari ay nababaling ang atensyon ng mga bata sa social media kunsaan nabu-bully sila which leads to depression. Doon na nila maiisip gumawa ng hindi maganda sa sarili nila," diin pa ni Giselle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Thankful si Giselle na kahit sobrang busy siya at ang kanyang mister sa kanilang trabaho, nagagawa nilang matutukan nang husto ang kanilang dalawang anak na nasa edad na 15 (Lia) at 8 (Xavier Zappa) years old.

"Kapag may chance na puwede naming isama ang mga bata sa mga lakad namin, ginagawa namin para may bonding kaming lahat.

"Importante yung quality time with the kids.

"I thank God na mga anak namin ay happy kids.

"Open sila to tell us mga problema nila sa school and with their friends. Walang silang tinatagong secrets sa aming mag-asawa.

"Aside from being their parents, we're more like their best friends kaya they can share everything with us,” ngiti pa ni Giselle.

This November, dapat sana ay makakasama ni Giselle ang OPM legend at Total Entertainer na si Rico J. Puno sa concert na Sana Tatlo Ang Puso Ko.

Binawian ng buhay si Rico ngayong umaga, October 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noon huling presscon ni Rico last October 18, naikuwento ni Giselle na big fan ng kanyang aunt na taga-Cebu si Rico.

"I remember when I was like 6 years old, my tita would always talk about Rico Puno. Nasabi ko pa nga na, 'Hindi naman po siya guwapo, bakit ninyo siya nagustuhan?' Sagot lang ng tita ko, 'You should hear him sing.'"

Napatunayan nga ni Giselle na tama ang paghanga ng kanyang tita kay Rico dahil sa magandang pag-awit nito ng mga songs nito na "Lupa", "May Bukas Pa", "The Way We Were", "Buhat" at "Magkasuyo Buong Gabi" noong nakakasama na niya ang veteran singer sa mga shows dito at sa ibang bansa.

Isa pang nakasanayan na ni Giselle kay Rico ay ang mga green jokes nito tuwing nagkakasama sila.

"Naku, I remember yung mga early shows pa namin, I was only 22 years old then, lagi akong pinagti-tripan ni Sir Rico. Masyado raw akong maputi tapos ang laki raw ng boobs ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako naman kasi, gumaganti ako. Mapagpatol din ako. Kaya may isasagot ako na equivalent sa mga sinasabi niya sa akin. Doon nagtatawanan ang audience namin.

"Sa totoo lang, natuto akong mag-green jokes dahil kay Sir Rico!" tawa pa niya.

Pero iba naman daw si Rico kapag wala ito sa entablado. Isang gentleman daw ito na hindi nagagawang mambastos ng babae.

"Sabi nga niya noon, bastos lang siya onstage pero hindi sa totoong buhay, which is very true.

"Kapag tapos na ang show namin, nasa isang lugar lang si Sir Rico at nakikipagkuwentuhan. He doesn't go around flirting or taking advantage sa mga babae.

"He's such a nice person and a wonderful father. Kaya naman hanggang ngayon, he is not just known for his amazing talent but also for his generosity," pagtapos pa ni Giselle.

Nakatakdang gawin sa Theatre @ Solaire at the Solaire Resort & Casino on November 23 ang Music & Laughter: Sana Tatlo Ang Puso Ko at makakasama rin dito sina Marissa Sanchez at Tosca Puno. This is produced by Grand Leisure Corporation and StartUp Village.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results