Paco Arespacochaga, other '90s singers compare music industry then and now

IMAGE Ruel Mendoza

Popular singers of the nineties will perform at the '90s Overload concert that will take place on November 17, 2018 at The Theatre at Solaire.


Muling magsasama-sama sa isang malaking throwback concert ang mga sumikat na lead vocalists ng mga banda noong '90s para muling buhayin ang era ng OPM alternative music.

Titled '90s Overload, ang concert na ito ay gagawin on November 17 sa The Theatre at Solaire.

Hindi makakalimutan ng Gen-X-ers ang kakaibang musika noong dekada '90. Kabilang na rito ang paglabas ng maraming Pinoy bands na naghatid ng mga original songs na hanggang ngayon ay inaawit pa at pinapatugtog sa mga concerts, TV shows, at movies.

"The '90s music has a very distinct statement and hindi questionable ang mga naging audience nila, na up to now ay nandiyan pa at hinihintay ang muling pagbalik ng music nila. What's good about it, the current generation or the millennials, they are interested to the music of the '90s which is really one of the best eras for OPM," ani Audie Gemora na director for Entertainment ng Solaire Resort & Casino.

Ang mga makiki-party sa '90s Overload show ay sina Jek Manuel of IAXE Band, Cooky Chua of Color It Red, Lei Bautista of Prettier Than Pink, Paco Arespacochaga of Introvoys, Perf de Castro of Rivermaya, Glenn Jacinto of Teeth, Wency Cornejo of After Image, Myra Ruaro of Put3ska, Naldy Padilla of Orient Pearl, Dodong Cruz of The Youth, Stephen Lu of Rizal Underground, at Noel Palomo of Siakol.

Muling maririnig ng mga kabilang sa Gen-X ang mga pinasikat nilang OPM hits tulad ng "Paglisan," "Cool Ka Lang," "Habang May Buhay," "Sabado Nights," "Manila Girl," "Ako'y Sa Iyo, Ika'y Sa Akin," "Ulan," "Next In Line," "Mangarap Ka," "Tag-Ulan, Tag-Araw," "Multo Sa Paningin (Multong Bakla)," "Lakas Tama," "Kailanman," "Line To Heaven," "Di Na 'Ko Aasa Pa," "Pagsubok," "Kisapmata," "Himala," at "Laklak."

Sa media launch para sa '90s Overload na ginanap sa lobby ng Theatre at Solaire, dumating sina Jek Manuel, Wency Cornejo, Lei Bautista, at Stephen Lu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Via Viber Live Chat naman nakausap ng press sina Paco Arespacochaga, at Perf de Castro na kasalukuyang nasa U.S.

Excited ang mga magpe-perform sa '90s Overload dahil noong kapanahunan daw nila, walang naging rivalry ang mga banda at sinusuportahan nila ang musika ng bawa't isa.

"Everyone knew everyone and supported each other's music. Though we had our own unique sound and identity, we were all part of one community, one family, one barkada," sabi ni Lei Bautista.

Pagdating daw sa kanilang music, mas marami raw nakakaalala ng kanilang mga songs kumpara ngayon na kahit digital na, wala raw nagiging distinct sound ang mga singers ngayon.

"During our time, you would recognize agad kung kanino ang song na iyon. Because we all have our own brand of music," diin pa ni Stephen Lu.

"Ngayon kasi, mas inuuna nila ang image ng singer bago sila gumawa ng songs. Kami noon, music muna at doon na lalabas ang image namin."

Dagdag pa ni Paco, iba na rin kung paano gumawa ng music ngayon ang mga tinatawag na millennial singers.

"Everything is easier now. May laptop ka lang, puwede kang mag-download ng mga apps that can help you create music.

"Iba talaga noon because we would all gather around sa isang studio and collaborate with one another in regards to lyrics, the melody and all that. May interaction kaming lahat noon for our music.

"Ngayon kasi, uso na raw ang two-minute song lang. E, di parang gumagawa ka lang pala ngayon ng commercial jingle ngayon."

Para naman kay Jek, nakaka-miss daw ang mga fans na sinusundan sila sa mga venues kunsaan sila may gigs tulad ng Club Dredd, Mayric's, Kalye, '70s Bistro, at Freedom Bar.

"Fans would really go to those venues just to watch us play.

"Ngayon kasi, it's more on watching there favorite singers on social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala na kasi yung mga venues tulad ng Club Dredd and Freedom Bar where we also mingle with our fans. Yung nagiging barkada mo na rin sila after ng gig ninyo.

"Well, people still go to concert venues like MOA Arena, Araneta Coliseum but it's mostly my foreign acts na. Bihira ang mga local performers not unless you're sikat on TV or on social media."

For Wency naman, naa-appreciate niya ang bagong ways of making music. Hindi nga lang daw kasing personal tulad nang paggawa nila.

"When we write songs kasi, we really think about the words. May inspiration kami parati. That's why we came out with songs like 'Habang May Buhay,' 'Mangarap Ka,' and 'Next In Line.'

"Ngayon kasi, napapansin ko, parang play for words na lang. Kung ano lang ang babagay sa sinulat nila.

"It's a whole new generation na kasi and we're clueless kung gaano ba kahalaga ang music para sa mga millennials ngayon.

"Sa amin noon, when you one song, aabangan mo yung susunod. You would buy the CD and play it over and over again.

"Ngayon kasi hindi na gano'n, it's all downloading on your cellphone."

Sa palagay ni Perf de Castro ay umiigsi na ang attention span ng mga kabataan ngayon when it comes to music.

"Because of the digital age, masyado nang mabilis lahat, e. Even when it comes to music.

"They hear one song, ma-enjoy nila for ilang minutes and then it's on to the next.

"During our time, mauuna muna ang radio to pick up our songs. It will usually take days or weeks before people will get use to it.

"Kapag marami na ang nagre-request sa radio stations, dun na papasok ang mga guestings namin, release ng CD tapos show na.

"It's a long process for us, pero it was worth it kasi people were enjoying our songs."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya para sa mga concertgoers ng '90s, bubuhayin ng '90s Overload ang kanilang hiling na muli silang mapanood on one stage.

Available ang '90s Overload tickets via TicketWorld at Tel. No. 891-9999.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN