Matteo to girlfriend Sarah Geronimo: "Thank you, my love!"

IMAGE Allan Sancon

Matteo Guidicelli and Carlo Aquino joined forces for their first concert held at the Music Museum. Sarah Geronimo,the girlfriend of Matteo, watched the sold-out concert last night.


Nagsanib-puwersa sina Matteo Guidicelli at Carlo Aquino sa unang pagkakataon para sa isang concert na ginanap kagabi, November 17, sa Music Museum.

Aminado si Carlo na kinakabahan siya sa proyekto na ito. "First time ko sa Music Museum. First time ko mag concert-concert," sabi ng aktor sa mga dumalo ng kami,ang show titled MatteoXCarlo.

Biniro naman ni Matteo ang former '90s child star: "Parang di naman kasi bata pa lang ako, napapanood na kita noong nasa Cebu ako. Ikaw na laman TV at napapanood kita."

Isa sa mga highlights kagabi ay ang pagpapasalamat ni Matteo sa kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo na nanood noong Sabado sa Music Museum.

Noong pinapasalamatan nina Carlo at Matteo ang mga sponsors ng kanilang concert, nagpasalamat rin si Matteo sa kanyang family at si Sarah G na tinawag niyang "my love."

Nagtilian ang mga tao nang sinabi ni Matteo kay Sarah na: "Thank you, my love!"

* All photos by Allan Sancon


Pagkatapos ng concert ay pumunta si Sarah backstage at nagpa-picture kasama ang kanyang boyfriend na si Matteo.

View this post on Instagram

Ayaw ko na. Bye world. ???????????? #AshMatt #SarahGeronimo #MatteoGuidicelli #SarahG #MatteoXCarlo | ctto

A post shared by Sarah Geronimo Fan (@isgfan) on


Nagsuot si Matteo ng jacket na may letters na MG at SG na tumutukoy sa initials nila ni Sarah G.

View this post on Instagram

His jacket though ?????? #AshMatt #SarahGeronimo #MatteoGuidicelli #SarahG #MatteoXCarlo | ctto

A post shared by Sarah Geronimo Fan (@isgfan) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN