RJ Agustin dedicates upcoming concert to his late father, Boy San Agustin

by Ruel J. Mendoza
Nov 29, 2018
Star Music artist RJ Agustin will hold his November 30 birthday concert at the Music Hall at Metrowalk, Ortigas.

Maraming dapat na ipagpasalamat ang Star Music artist na si RJ Agustin sa kanyang November 30 birthday concert. Titled RJ Agustin Live At The Music Hall, ang concert na ito ay gagawin sa Metrowalk, Ortigas.

Nag-celebrate ng kanyang kaarawan si RJ noong November 22.

Thankful ang singer-actor-film producer/businessman sa magandang takbo ng career niya ngayong 2018.

After niyang pumirma ng kontrata with Star Music, tuluy-tuloy ang kanyang trabaho tulad ng TV guestings, mall shows, at personal appearances sa iba't ibang events.

Nai-launch na ang kanyang single na "Seryoso Na Pala" at may second single siyang ilalabas na sinulat ni Joven Tan.

"Sobra po akong na-bless sa taong ito and I would like to share it with the people who are always there to support and believe in my talent.

"I have so much to be thankful for, lalo na sa mga executives ng Star Music for giving me this break.

"Matagal ko pong hinintay ito and I am still overwhelmed sa lahat ng nangyayari," ngiti pa ni RJ.

Continue reading below ↓

Kung may isang tao na gustong i-share ni RJ ang blessings ng career niya ngayon, ito ay sa kanyang ama, ang veteran film director na si Arturo "Boy" San Agustin na pumanaw noong June 2018.

"Dream kasi ng dad ko na makita niya akong successful sa bagay na gusto kong gawin, which is singing and performing live.

"Sayang nga lang at hindi na niya nahintay ang mga nangyaring maganda sa career natin. Pero alam ko, saan man naroon si dad, masaya siya para sa akin.

"Pakiramdam ko nga, siya ang nagga-guide sa career ko sa tamang direksyon.

"Kahit sa kabilang buhay, he is still doing what he loves, directing!" tawa pa ni RJ.

May magandang tribute na gagawin si RJ para sa kanyang ama sa gabi ng concert niya.

"May isang portion ng concert where I will dedicate it to my dad.

"I will sing his favorite songs. Mahilig din sa music si dad. Kumakanta din siya.

Continue reading below ↓

"And this is our first Christmas na wala siya. Malungkot pero we all have to move on.

"Wala man si dad sa mundong ito physically, but in spirit, he is still with our family.

"We miss you, dad. This concert is for you," pagtapos pa ni RJ Agustin.


Read Next
Read More Stories About
concert
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Star Music artist RJ Agustin will hold his November 30 birthday concert at the Music Hall at Metrowalk, Ortigas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results