RS Francisco reveals new Miss Universe 2018 to visit PH this month

IMAGE Allan Sancon

As part of Frontrow's collaboration with the Miss Universe Organization, the newly-crowned Miss Universe 2018 is scheduled to visit the Philippines immediately after the coronation night in Thailand on December 17, according to Frontrow's RS Francisco (in photo).


Gaganapin ang charity music festival na Frontrow Cares headed by Frontrow’s business partners RS Francisco and Sam Verzosa sa December 16 sa MOA Concert Grounds.

Magaganap ang music festival kunsaan kasama sa mga magpe-perform ang Parokya ni Edgar, Spongecola, Callalily, pati na rin sina Ely Beundia, Billy Crawford, Gloc-9, Andrew E, Ex Battalion, Jake Zyrus at marami pang iba.

Paano nila pinili ang mga performers?

Ayon kay RS, “As much as possible, we want to get the most iconic artists, yung big stars to attract more people and actually, mostly yung mga kilala.

“Yung magagaling.”

Sinusubukan din nilang kunin ang serbisyo ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, ayon pa kay RS.

Lahad niya, “But I didn’t want to ano pa, kasi parang may taping yata sila that day.

“Tinanong ko na si Ogie.”

Linggo ang Decemeber 16 at bukod sa live show ng ASAP ay may taping raw ito kung saan kasali ang mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani RS, “Ogie is a good friend because we’re both from La Salle, and Regine is my idol, so what better way…”

May chance pa kayang makuha nila ang mag-asawa?

“Well, with prayers anything naman is possible,” dasal ni RS.

COLLAB WITH MISS U ORGANIZATION

Samantala, affiliated ang Frontrow sa Miss Universe beauty pageant at nagkataong sa December 17 idaraos ang Miss Universe 2018 sa Bangkok, Thailand.

Pero ayon kay RS, hindi siya makakapunta sa Thailand para manood ng Miss Universe dahil nga may charity music festival siya dito sa Pilipinas.

Baka raw magpadala na lamang sila ng representative doon.

“I was telling Sam nga, ‘Paano yan? 8:00 a.m. yung pageant. E, we’re required to be there pero itong musicfest might end 4:00 or 5:00 a.m. Paano yung plane trip, three hours?’

“So, sabi ko, since they’re coming here, e di salubungin na lang natin sa airport,” ang rebelasyon pa ni RS tungkol sa pagpunta sa Pilipinas ng bagong tatanghaling Miss Universe 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasamang tutungo ng bagong Miss Universe sa bansa right after the pageant ang tatlo pang past Miss Universe winners na sina Iris Mittenaere ng France at Demi Leigh Nel-Peters ng South Africa.

Kasama rin siyempre sa mga aktibidades ng Frontrow at Miss Universe winners si Pia Wurtzbach na Miss Universe 2015.

May mga charity works daw na gagawin ang apat na beauty queens sa Pilipinas sa pagtutulungan ng Frontrow nina RS at Sam at Paula Shugart na presidente ng Miss Universe Organization.

So wala pa mang bagong Miss Universe ay nakuha na ito ng Frontrow?

“I think that’s one of the negotiations na kailangang gawin kasi for endorsement na siguro yang sinasabi niyo.

“But the new Miss Universe will be coming here just to do the charity works first,” paglilinaw ni Sam.

Ni-request na raw nila kay Ms. Shugart na taun-taon ay ang Pilipinas muna ang destinasyon ng bagong mananalong Miss Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam rin daw ni Ms. Shugart na ang mga Pinoy ay beauty pageant aficionados.

“Kaya gustung-gusto nilang pumunta dito,” dagdag niya.

MOMOLAND MEET AND GREET

Speaking of international celebrities, ang Frontrow rin ang magdadala sa Pilipinas ng sikat na K-Pop group na Momoland para sa sang Fan Meet sa Lunes, December 3, sa ABS-CBN Vertis Tent sa Quezon City.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina RS at Sam sa presscon ng Frontrow Cares nitong nakaraang Miyerkules, November 28, sa Luxent Hotel, Quezon City.

JAKE ZYRUS AS ENDORSER?

Going back to Frontrow Cares, dahil isa si Jake Zyrus sa mga performers sa charity musicfest nila, ibig sabihin ba ay endorser na rin ng Frontrow ang trans man singer?

“I’d love to,” bulalas ni RS.

"Ako I’d love to.

“You know Jake is an inspiration, Jake is an inspiration.

“I just met him personally now because I told nga the team, 'If he’s in ABS, please, I wanna meet him na now, because I bought a large number of his book because I want his book to empower my LGBT Frontrow members.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katuwang din sila ni Sam sa pag-produce ng music video ni Jake.

“Jake is very strong and meron siyang voice and all that.

“Of course, not just that. Talented!” pagpuri pa niya.

Kaya malamang daw, bukod sa Frontrow Cares ay magkakaroon pa sila ng mga concerts with Jake as the main performer.

BIG CELEB ENDORSER FOR 2019

Samantala, may katatapos lamang sila na photohoot para sa isang bagong endorser ng Frontrow na ayaw muna nilang i-reveal pero ayon kay RS ay malaking celebrity ito.

“Gusto kasi namin pag ni-launch namin talagang sabog,” wika pa ni RS.

Tinanong namin kung bigger than Kathryn Bernardo and Daniel Padilla ang bagong endorsers nila.

“Basta big.

“Ito yung tipong pag nakita nyo, pag ni-launch namin, sasabihin nyo, ‘Wow, bagay siya sa Frontrow!’

“Pasabog yun for 2019, e!” hirit pa niya.

Speaking of KathNiel, sinubukan raw nilang isama ang dalawa sa Frontrow Cares charity musicfest pero schedule daw ang kalaban nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin niya, “Madali sila kausap, pero it’s the schedule [that's the problem].”

Samantala, kung sa M Butterfly ay 28 charitable institutions ang natulungan nila, target nilang higitan pa ito with their charity musicfest.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN