Maricris Garcia knew of Regine Velasquez's network transfer plans all along

IMAGE GMA Artist Center Facebook page

Kapuso singer-actress Maricris Garcia admits that she knew of Regine Velasquez's network transfer plans as early as September 2018: "Opo, nung nagkita kami noon, sabi ko nga, 'Ate, totoo ba?' Oo nga raw, ganyan-ganyan. 'Tapos yun, nagbigay pa rin siya ng advice, ganyan."

 


Bago lumipat si Regine Velasquez sa ABS-CBN ay nag-guest siya sa concert ng Kapuso singer na si Maricris Garcia noong September 28 sa Teatrino sa Greenhills.

Noon daw ay alam na ni Maricris na lilipat ang Asia’s Songbird.

Kuwento niya, “Opo, nung nagkita kami noon, sabi ko nga, ‘Ate, totoo ba?’

“Oo nga raw, ganyan-ganyan.

“'Tapos yun, nagbigay pa rin siya ng advice, ganyan.

“'Tapos, sabi niya sa akin, ‘Basta kahit nasa kabila na ako, kung magku-concert ka, sabihan mo lang ako, magge-guest ako sa ‘yo.’”

Ikinalungkot ni Maricris ang paglipat ni Regine.

Lahad niya, “Opo, siyempre nalungkot.

“Kasi ako personally, habang noong nandito si Ate Reg, parang umaasa…

“Nandun pa yung hope mo na, ‘Hindi, magkakaroon pa tayo ng musical and pag nagkaroon ng musical kasama tayo diyan.’ Yung ganun.

“E, 'tapos nawala siya, sabi namin, ‘Ate, paano na kami?’

TOUCHED BY REGINE'S GENEROSITY

Noong gabi ng concert ni Maricris ay kasabay niya ang concert ni Sharon Cuneta kung saan guest rin si Regine.

“Opo.

“Kasi nung time na yun, nag-request nga siya na baka puwede siyang sa unang part dahil nga tatakbo pa siya.

“So kahit ang hirap nung kanta naming dalawa at nasa unahan agad, sabi ko, ‘Sige, okay lang Ate, basta nandun ka sa concert ko,'” patuloy niyang kuwento.

Touched si Maricris sa gesture at suporta ni Regine sa kapwa nito singers.

Tumatawang kuwento pa ni Maricris, “Sabi nga niya, ‘Ang dami ko ngang shows puro walang bayad!’

“Kasi siyempre pag kami hindi naman talaga siya…

“Bilang hindi naman namin kaya yung TF [talent fee] niya, di ba?”

STILL HER IDOL

Banggit namin kay Maricris, wala na ang “reyna” nilang mga singers sa GMA-7 sa paglipat ni Regine sa Dos.

“Wala lang siya dito sa network na ‘to, pero still siya pa rin yung…

“Sa akin personally, wala namang nagbago at walang magbabago sa respeto ko sa kanya, sa tingin ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun pa rin,” paninigurado niya.

Matagal na panahon silang nagkasama sa trabaho ni Regine.

Pag-alala niya, “Opo. SOP, Party Pilipinas, simula pa po nung contest na sinalihan ko, as in talagang simulang-simula.”

Si Regine ang host ng Pinoy Pop Superstar kung saan si Maricris ang winner sa third season; si Jonalyn Viray ang winner sa unang season at si Gerald Santos naman sa pangalawa.

HAPPY FOR JONA

Close pa rin ba sila ni Jonalyn na isa na ring Kapamilya?

Aniya, “Nag-uusap naman po kami, opo.”

Masaya si Maricris sa magandang takbo ng career ni Jonalyn, o mas kilala ngayon bilang si Jona.

Saad niya, “Oo naman, kasi lahat naman kami, yun yung gusto namin para sa mga sarili naming career, di ba?

“So ngayon na nandun na siya, masaya ako para sa kanya.”

Nakausap namin si Maricris sa taping ng Asawa Ko, Karibal Ko ng GMA nitong Miyerkules, November 21, sa Urology Center of the Philippines sa Quezon City.

ACTING OR SINGING?

Dahil mas focused si Maricris ngayon sa pag-arte, mas “niyayakap” na ba niya ang pagiging aktres kaysa pagkanta?

Diin niya, “Singing pa rin.

“Mas nadadalian ako, siguro kasi yun talaga yung nananalaytay sa dugo ko.

“Pero nae-enjoy ko pa rin yung acting.

“May times na may mga eksenang nagugulat ako, na, ‘Uy, nagawa ko yun! Uy, naiyak ako!’

“Kaya masaya pa rin.”

Pero dahil walang masyadong musical show ang GMA, paano ang outlet niya bilang singer?

Ani Maricris, “Ngayon po meron akong mga ilang kaibigan na nagpaplano kami na… hindi naman online show talaga, pero parang magre-record, parang cover, 'tapos upload lang nang upload para lang may content at nakikita pa rin na kumakanta, ganyan.”

NO NETWORK TRANSFER PLANS

Biro namin kay Maricris, hindi naman ba siya nag-isip na lumipat sa ASAP?

“Ay, hindi naman po!” at tumawa ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala naman daw offer sa kanya.

“Wala naman po, wala din.

“Kahit siguro dumating yung time na walang trabaho, walang ginagawa, hindi ko naman po naisip na lumipat agad.

“Parang hindi ko… siguro iniisip ko lang may panahon talaga na ganun – hindi ka palaging busy, hindi palaging puro trabaho.

“So ako, ine-enjoy ko lang kung ano yung dumadating.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN