Arnold Reyes finds artistic fulfillment as singer, record producer and actor

by Rommel R. Llanes
Dec 16, 2018

Record producer, singer and actor Arnold Reyes finds fulfillment in all his creative ventures: "Actually, lahat e. Basta may artistic component, okay ako."

PHOTO/S: Rommel Gonzales

Proud na proud ang record producer na si Arnold Reyes sa kanyang bagong obra.

“Ako po ang producer, but ang executive producer si Ma’am Lorna San Tobias, ako yung producer nung physical album… nung album mismo.

“Ako yung umuupo sa recording, ako yung nag-compose ng ibang songs, lahat.

“Kumbaga, yung timpla nung buong album ako po yung in-charge,” panimulang kuwento ni Arnold tungkol sa album na Sana May Forever.

Ang head ng LST Music & Production na si Lorna Tobias ang producer ng album na Sana May Forever: The Love Album.

Bukod kay Arnold, ang ilan sa mga artists sa album ay sina Raynald Simon, Laarni Lozada at Lharby Policarpio.

Ang kanta ni Arnold sa album ay ang “Sana May Forever.”

FINDING INSPIRATION

Sino ang inspirasyon niya sa pagsulat ng “Sana May Forever?”

Lahad niya, “Actually, ever since nag-start akong magsulat, na-realize ko na marunong pala akong mag-compose ng kanta nung nag-join ako ng Metropop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ever since nag-start ako, ang inspiration ko tungkol sa story ng ibang tao, e.

“Kasi pag sa sarili ko yung istorya, hindi ko matatapos.

“Kasi parang siguro sa sarili mo ang dami mong gustong sabihin, di ba?

“So parang hindi ko ma-compose or mahimay sa dami ng gusto kong sabihin siguro.”

May forever na ba si Arnold?

Pakli niya, “Wala pa.”

Sa ngayon ay si Boy Abunda pa rin ang manager ni Arnold.

Hindi raw totoo ang mga bali-balitang umalis siya kay Tito Boy.

Mabilis niyang pagklaro, “Hindi, hindi, ang hirap naman iwan ni Boy, kasi…”

Bakit loyal si Arnold kay Boy Boy?

“Kasi si Boy more on consultancy, parang ganun lang, e.

“Siguro dahil kasi kahit papaano may na-establish ako na konting pangalan sa industry.

“Yung trabaho parang lumalapit na, so parang nandiyan sila para alalayan ako, schedule.”

SHORT STINT AS TALENT MANAGER

There was a time na nag-manage din si Arnold ng singer, si Edward Benosa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kuwento niya, “Yes, before, kasi nag-produce ako ng album, sabi ng Star Music, ‘O walang manager si Edward.’

“Sabi ko, ‘Patay, sige ako na lang muna.’

“So, tinapos ko lang yung duration ng promo nung isang album, and then after nun, sabi ko, hindi ako manager talaga.

“Parang tulong lang yung ginawa ko, kasi songs ko rin yung nandoon and ako rin yung producer.”

Wala na ba silang communication ni Edward?

Ani Arnold, “Meron naman, kaya lang…

“Kasi siyempre meron din akong sariling trabaho, may career din ako.

“So parang after kasi nun, nung nag-produce ako ng album niya and then tinulungan ko siya, parang nahati attention ko.

“Parang sa akin sabi ko, ‘Ay, hindi ito yung gusto ko.'

“Mas gusto ko yung ito, umarte.”

Gaano katagal niyang hinandle si Edward?

Estima niya, “Basta yung duration lang nung buong album.

“Siguro naka-dalawang single lang kami, pero yung pa-two years na medyo pa-exit na ako nun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang ang akin, inayos ko na lahat, kinonek ko sila sa mga ganyan, and then okay na ako.

“Inayos ko yung mga presscon, lahat-lahat, inilapit ko sa press, para after nun yun na, exit na ako.

“Kasi hindi naman yun talaga ang ano ko, e.”

MOVIE PROJECT

May magandang role si Arnold sa Aurora ni Anne Curtis na entry sa Metro Manila Film Festival sa December 25.

Pang-acting award?

“Sana ma-appreciate ninyo,” at tumawa si Arnold.

“Support ako dun.”

Na-e-enjoy daw niya lahat—ang pag-arte sa movies at TV, ang pagkanta at paglikha ng musika.

Dagdag niya, “Yes, and ito, may ganito ako ngayon [album]

“So kahit papaano na-e-express ko pa rin yung musicality ko, sa paggawa ng album.”

Saan siya pinaka nag-e-enjoy?

Aniya, “Actually, lahat e.

“Basta may artistic component, okay ako.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →

Record producer, singer and actor Arnold Reyes finds fulfillment in all his creative ventures: "Actually, lahat e. Basta may artistic component, okay ako."

PHOTO/S: Rommel Gonzales
• This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
Poll

View Results
Total Votes: 12,184
• 50%
• View Results