Pokwang graces "Spooftacular" shows


Pokwang (in photo) will grace the November 14 and 15 playdates of Da Spooftacular Showdown, which stars John Lapus, Candy Pangilinan, and Jon Santos.



"Fantastic! Tatawa ka to the highest level. Nakaka-aliw at nakaka-baliw to the max!" pahayag ng isang miyembro ng press na nakapanood ng Da Spooftacular Showdown na ginanap sa Music Museum last November 7 and 8.

Pinatunayan nina Jon Santos, Candy Pangilinan at John Lapus na kabilang sila sa comedy royalties ng bansa dahil successful ang first two nights ng kanilang show.

Pagkatapos ng show, lumabas na nakangiti ang mga manonood na para bang hindi na maka-recover sa mga pagpapatawang ginawa nina Jon, Candy, John, at ng kanilang espesyal na panauhin na si Vice Ganda.

Punong-puno ng halakhakan at saya ang buong Music Museum dahil sa todo hiyawan ang mga audience sa bawat comedy skit na kanilang pinapakita. Wala pa rin talagang kakupas-kupas magpatawa ang tatlong stars ng nasabing show.

Mas kaabang-abang ang performance ng tatlong beteranong komedyante ngayong Biyernes at Sabado dahil ang isa sa kinagigiliwang Poohkwang stars na si Pokwang ang kanilang special guest! Siguradong hahagalpak kayo sa kakatawa dahil sa kanilang mga funny antics!

Presented by VIP Access Media Production, huwag palalampasin ang ikatlo (November 14) at ika-apat (November 15) na gabi ng Da Spooftacular Showdown sa Music Museum na hatid ng ASAP Live!

Para sa ticket inquiries at seat reservations sa Da Spooftacular Showdown, maaaring tumawag kay Aileen sa 09278592907, sa Ticketworld (891-9999) o sa Music Museum (721-6726).


Ticketworld


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN