Agsunta "signs off;" deletes video covers on YouTube

by Rose Garcia
Jan 31, 2019


Agsunta, Signing Off.

Ang mga salitang ito na lang ang makikita bilang caption sa nag-iisang video na mapapanood sa kanilang official YouTube channel na Agsunta. Ang pop-rock band na ito ay meron nang mahigit 620,000 subscribers at nagawaran na ng silver play button ng YouTube.

Ginulat nga ng apat na miyembro ng Agsunta na sina Jireh Singson (vocals), Mikel Arevalo (guitars) Josh Planas (bass), at Stephen Arevalo (drums) ang mga fans nila dahil sa halip na karaniwang #AgsuntaSongRequests ay mensahe ng pamamaalam sa YouTube channel ang pinost nilang video.

Ang bandang Agsunta ay isa sa mga recording artists ng Star Music at talent ng PPL Entertainment, Inc.

Ang kanta nilang “Wakasan” ay kinilala bilang 2nd Best Song sa 2018 Himig Handog. Kinanta rin nila ang theme song ng GMA-7 primetime series na Cain at Abel at ng iWanTV online series na Spirits Reawaken.

Ang orihinal nilang kanta na “’Di Ba Halata?” ay madalas na naririnig sa Pinoy Big Brother Otso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago pa man sila mag-mainstream, masasabing mas una silang nakilala sa online community at marami ang nag-aabang at nanonood ng mga ina-upload nilang cover songs. At halos lahat ng mga cover songs nila ay OPM dahil supporters sila ng Original Pilipino Music.

Pero bandang 12:00 noon ng January 30 ay nag-post ng video ang Agsunta members na may malungkot na mensahe para sa kanilang mga subscribers at tagahanga.

Kung bubuksan ang kanilang YouTube account, wala na lahat ang mga uploaded videos nila. Base sa ipinahayag nila, tila lumalabas na ang mga komentong natanggap nila sa loob ng ilang taon, mapa-good or bad man daw ito ang isa sa dahilan kung bakit nag-desisyon silang mag-sign-off muna.

May ilang tagahanga rin na naikokonek ang biglang pagsa-sign-off nila na baka may kaugnayan daw sa naging isyu sa tweet ng isa pang banda na tila kinukuwestiyon ang mga singers na gumagawa ng cover songs.

Ilang netizens ang nagpalagay at nagsabing Agsunta raw ba ang tinutukoy ng frontman ng bandang December Avenue na si Zel Bautista.

Noong December 21, 2018, nag-post si Zel sa kanyang Twitter account: "If you want instant Fame, copy other people's work and suck from it. You get the money but not the glory and respect. You dont have a voice, you dont even belong."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May sumunod na tweet si Zel kunsaan nanindigan siya:

"This is my perspective as an artist. I did not mention any names nor anything about covers. This is for people who uses someone else's work for money and that they dont belong in this creative world. Read it again."

Sa video na pinost ng Agsunta, sinimulan ng mga ito sa panghingi ng sorry dahil halos dalawang buwan daw silang hindi nakapag-upload. Marami raw silang mga ginawa sa career at personal na buhay nila.

Sabi ni Josh, “We also took the time to talk, to rest. Nag-reevaluate rin kami. Pinag-usapan namin ang mga dreams namin at siyempre, nakapag-reminisce na rin kami.”

Nagbalik-tanaw rin sila sa mga unang videos daw na inuload nila four years ago.

Ayon kay Mikel, “Sobrang solid niyo guys, kaya gustong-gusto naming mag-thank you sa inyong lahat. Siyempre, pinagtiisan niyo kami. Talagang nagtiyaga kayong makinig sa amin at never niyo kaming iniwan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Jireh ang nagbanggit tungkol sa mga komentong natatanggap nila.

Ayon dito, “From YouTube to FB to IG hanggang Twitter, nakikinig kami. Naririnig namin kayo kaya naman hanggang ngayon, patuloy pa rin kaming nagsasama para makapagbigay ng inspirasyon sa inyo.

“Pero siyempre, hindi naman tago sa kaalaman ng iba na may mga harsh comments sa amin. May mga nanlalait. May mga nagagalit. May mga todo pa ngang magsalita. Maganda lang pakinggan kasi English.”

Dugtong pa niya, “Galing ito sa mga iba’t-ibang tao. Mula sa mga followers namin, kaibigan ng mga followers namin, bata, matanda, magulang at mga ka-tropa at hindi ka-tropa sa industriya, wala kaming sinabi, wala kaming ginawa, tumahimik lang kami.

“Hindi dahil sa tama ang mga galit o panlalait at comments kung hindi dahil sa nirerespeto namin ang boses ng bawat isa.”

Nakiusap sila na sa mga hindi nagkakagusto o nirerespeto ang ginagawa nila, respeto na lang daw sana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Mikel, “After ng ilang pag-uusap namin, ilang beses kaming nagtalo, pinag-usapan namin ang mga goals namin as a band. Yung mission and vision namin as a band, napag-desisyunan naming apat na sabihin sa inyo ‘to, kasi, deserve niyo namang malaman ‘to.”

At saka sinabi ni Jireh na, “Masakit man, mahirap man, kailangan na muna naming itigil ‘to. Kami naman muna.

“It was a four years of solid OPM. Ilang taon ng pagsasama at pagpapadama ng pagmamahal natin sa OPM, walang pagsisi kasi no regret.”

Nagpasalamat naman si Stephen sa mga ka-grupo niya. Aniya, “Gusto ko talaga sa inyong mag-thank you kasi sa totoo lang, marami akong natutunan sa inyo.

“Siyempre, hindi ko masasabi lahat, pero yun, gusto ko lang talagang mag-thank you sa inyo at hindi ko makakalimutan yun.”

Binigyan naman ng assurance ni Jireh na hindi sila mawawala. Sa YouTube account lang nila sila nag-sign-off, pero mapapanood at mapapakinggan pa rin daw sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman ‘to goodbye. Magkikita-kita pa tayo sa labas, sa mga kanto, sa mga fiesta, sa mga events. Isa lang ang pangako namin, patuloy kaming gagawa ng musika para sa inyo.”

Sa loob ng ilang oras ay may mahigit 3,000 commments na sa kanilang Facebook account pa lamang na mababasa at halos lahat ay nalulungkot sa pagsa-signing-off nila. May oras rin na umabot ang Agsunta sa Twitter trending topics.

Halos karamihan din ay nakikiusap na bumalik din sila agad at mami-miss daw nila.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang manager ng Agsunta na si Perry Lansigan kung ano ang nangyayari sa banda at bakit nag-desisyon talaga na mag-sign-off sa kanilang YouTube account.

Ang tanging nasabi lang nito, “Tulad nga ng sinabi nila, nirerespeto nila ang boses ng bawat isa. Kung ano man po ang naging desisyon nila ngayon, nirerespeto ko yun. At nandito pa rin ang PPL na naka-suporta sa kanila kung ano ang mga pangarap nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero, babalik pa rin ba ang mga ito at mag-a-upload sa kanilang YouTube channel?

“Siguro ganito na lang, isa rin ako sa nagpi-pray na sana soon, bumalik sila.”





Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results