Chokoleit makikigulo sa "Spooftacular Showdown"


Chokoleit (in photo), Pooh and K Brosas will perform with John Lapus, Jon Santos, and Candy Pangilinan tonight, November 22, at the Music Museum for the comedy show Da Spooftacular Showdown.



Marami ang tuwang-tuwa at tawang-tawa sa Da Spooftacular Showdown na siyang ipapalabas sa Music Museum ngayong Sabado, November 22.


Nag-uumapaw sa ngiti at tawanan sa Music Museum ng dahil sa pagpapatawa ng tatlong stars ng show na sina Jon Santos, John Lapus, at Candy Pangilinan. Idagdag mo pa ang kanilang special guest na si Pokwang, kaya lalong tumodo talaga ang kasiyahan.


Kung sumakit na ang tiyan niyo katatawa kina Pooh, Chokoleit at K Brosas sa telebisyon, isipin niyo na lang kung live na live niyo sila mapapanood. Makikigulo sina Pooh, Chokoleit at K Brosas kina Jon, John at Candy sa Da Spooftacular Showdown ngayong Sabado at ihanda ang sarili para sa kanilang comedy skits.


Maki-saya na sa Da Spooftacular Showdown ngayong Sabado at humanda sa sangkaterbang sigla na hatid sa inyo ng ASAP Live. Ipinapalabas ang naturang comedy show tuwing Biyernes at Sabado hanggang December 6, 2008.


Para sa ticket inquiry at seat reservation sa Da Spooftacular Showdown, maaaring tumawag kay Aileen sa 09278592907, sa Ticketworld (891-9999) o sa Music Museum (721-6726).


Para basahin ang review ng Spooftacular, i-click ang LINK.

Ticketworld


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN