JayAnn Bautista will perform in SM Pampanga, Dec 11-12


Pinoy Idol finalist JayAnn Bautista will perform for her two-night concert at SM Pampanga Amphitheater in San Fernando. Dubbed as Whine Up With JayAnn, this concert will take place from December 11 to 12.



There's life after Pinoy Idol for first runner-up JayAnn Bautista. Naka-chika ng PEP si JayAnn, one rainy afternoon last week, sa J's Coffee Shop along Timog Avenue in Quezon City. May masaya siyang balita tungkol sa coming two-night concert niya sa SM Pampanga Amphitheater in San Fernando. Gaganapin ang ang kanyang concert titled Whine Up With JayAnn from December 11 to 12.

Produced by Artist Gate Production, may total capacity of 15,000 katao ang venue. "Thankful po kami na ngayon pa lamang nalaman naming sold out na ang tickets worth P300 each," masayang pagbabalita ni JayAnn. "Special guests ko po ang best friend kong si Rachelle Ann Go, ang kababayan kong si Ronnie Liang of ASAP '08 at mga co-Pinoy Idol finalists kong sina Ram Chaves, Toffer Rei, Kid Camaya, Walter Zerrudo at Rye Estrada.

"Nagpapasalamat din po ako sa manager ni Ronnie, si Kuya George [Roca], siya ang tumulong sa amin para sa concert na ito dahil first time ko po lamang magkakaroon ng solo concert. At thankful din ako sa best friend kong si Rachelle Ann na siyang nagpalakas ng loob ko para ituloy ang concert na ito. She's really a true friend, na nagsimula nang magkasama kami sa Search for A Star ng Viva Entertainment noon. Since then, lagi na kaming magkasama, isinama rin niya ako noon sa ASAP at naging very supportive niya sa akin during our Pinoy Idol search sa simula pa lamang hanggang sa grand finals."

Paano ang rehearsal nila ng mga co-Pinoy Idol finalists niya, like si Rye na umuwi na sa Iloilo?

"Babalik po rito si Rye a week before the concert para sa aming rehearsals" sagot ni JayAnn. "Iyong iba ko po namang guests, madali lamang dahil nasa Manila naman sila."

Dagdag pa niya: "Iyong concert ko po sa San Fernando ay simula pa lamang dahil magkakaroon po kami ng provincial tour starting January 2009. May schedule na po kami ng concert sa Bulacan, Zambales, Tarlac, Pangasinan at Bataan."

Same guests din ba ang kasama niya sa provincial tour?

"Sana nga po ay sila pa rin ang makasama ko, pero magdi-depend po iyon sa availability nila, lalo na si Rachelle Ann at Ronnie," nakangiting sagot ni JayAnn.

Kinumusta ng PEP si JayAnn after na si Gretchen Espina ang nanalo noong grand finals ng Pinoy Idol na ginanap sa SMX Convention Center sa SM Mall of Asia?

"One week din po akong nagdalamhati noon," pag-amin ni JayAnn. "Pero pagkatapos po noon, nag-guest na rin ako sa mga shows ng GMA-7, like ang SOP at SiS. nagkita-kita kaming muli na 12 finalists, okey na po ako. Tuloy po ang communication namin, like kung sino ang may birthday sa amin, pumupunta kami. Iyon nga lamang po sina Rye at Sue [Ellen] nasa Iloilo na sila pareho, pero tuloy po ang pagti-text namin sa isa't isa.

"Kaya isa pong malaking reunion sa amin at dream-come-true sa aming lahat nang i-guest kami ni kuya Ogie [Alcasid] sa kanyang 20/20 concert last September 27, dahil first time naming nakapag-perform sa Araneta Coliseum. Mauulit po iyon sa December 20 and 21, dahil kami rin ang guests ni kuya Ogie sa pre-Christmas concert niya sa Aliw Theater, ang Ogie Sings With The Idols.


SOLO ALBUM. Bukod sa upcoming concert, nagri-recording ngayon si JayAnn ng kanyang solo album, sino ang producer nito?

"Kami na po ang magpu-produce ng album na may eleven tracks, seven songs ay original compositions ko at four revivals. Hahanap na lang po kami ng magri-release nito kapag natapos na akong mag-record. Wala pa po kaming napipiling title ng album at carrier single hanggang hindi ito tapos."

Hindi na rin naman bago kay JayAnn ang recording dahil nakagawa na rin siya ng first solo album niya sa Viva Records. Sad nga lamang siya na hindi ito na-promote masyado that time.

Wala ba siyang balak pasukin ang acting, sa TV o sa movie?

"If given the chance, bakit po hindi," wika ni JayAnn. "Sa ngayon po naman, may contract pa po kami sa Fremantle at sa GMA Artist Center."

If ever na tuluyan niyang pasukin ang pag-arte, sino ang gusto niyang makatambal? At ready na ba siya sa intriga?

"Sana po si Dennis Trillo, siya po ang long-time crush ko, kasi ang husay-husay niyang umarte. Inihahanda ko na po ang sarili ko sa intriga, I guess I'm learning," nakangiting patapos ni JayAnn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN