The Mocha Girls are "Delisciosa"

by Glen Sibonga
Dec 19, 2008
The Mocha Girls are busy promoting their 15-track album under Viva Records titled Mocha Girls Delisciosa.


Proud na proud ang Mocha Girls sa kanilang second album under Viva Records titled Mocha Girls Delisciosa. Todo nga ang pagmamalaki sa kanilang bagong album ng Mocha Girls na kinabibilangan nina Mocha, Hershey, Grace, at Bez.

Kung marami ang napasayaw sa kanilang first album kung saan tampok ang hit dance single nilang "Patcha," siguradong mas mapapaindayog at mapapahataw ang makakarinig sa bago nilang abum with the carrier single "Delisciosa," an infectious upbeat tune written and produced by Blanktape and Diorap of G.13. Ang music video ng "Delisciosa" ay kinunan pa sa Guam nang gawin nila ang kanilang two-week U.S. Tour doon from November 2-15. Nag-arkila pa sila ng private plane at nagkaroon pa sila ng underwater shots para sa naturang music video.

Kasama rin sa bagong album ang "Delisciosa Christmas medley" just in time for the Yuletide season. Also included are the songs "Mobe;" "Sige, Paalam Na" featuring Mayonnaise; at ang intriguing cover ng Kate Perry pop hit na "I Kissed A Girl." Ang kantang ito ay hango sa kotrobersiyang kinasangkutan ng Mocha Girls kung saan lumabas sa isang tabloid ang kissing moment nina Mocha at Hershey sa isang private party. Idinemanda pa nila ang tabloid dahil dito.

Pasok din sa Delisciosa album ang mga tracks sa first album ng Mocha Girls na kinabibilangan ng "Patcha," "Twirl & Shake It," "Hawak Mo Aking Kamay," "Giling Mo" at "Ladidadi." May kasama ring minus one ng mga tracks na Delisciosa, Patcha, Mobe at Sige, Paalam Na para sa mga gustong maki-sing along o gustong maging Mocha Girl for a time.

Anong bago sa Mocha Girls dito sa second album na ito?

"Mas delicious po kami rito," biro ni Mocha nang ma-interview kamakailan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Mocha Girls sa kanilang album launching sa Ratsky Bar and Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. "Pero seriously po, mas pinaganda po namin ang lineup ng songs namin lalo na ang mga dance tracks kung saan kami nakilala. Syempre po nangunguna na riyan ang carrier single naming 'Delisciosa.' Pinapatugtog na po siya sa iba't ibang radio stations at napapanood na rin po sa iba't ibang music channels. Isinama rin namin ang mga songs namin from the first album para mas makumpleto po ang kanilang Mocha experience."

Nag-share naman si Hershey ng kanilang experience sa Guam while doing the music video of "Delisciosa."

"Pinaghirapan po talaga namin ang aming music video at masaya naman ako na maganda ang kinalabasan nito. Nag-enjoy po kami sa paggawa ng music video lalo na po doon sa underwater shoot namin. Ang maganda kasi sa pagpunta namin sa Guam, bukod sa aming successful tour doon kung saan marami kaming napasayang mga kababayan natin at maging mga foreigners, ay nagawa pa namin ito ngang music video," masayang kuwento ni Hershey.

Proud naman sina Grace at Bez sa kanilang bagong album.

"Proud na proud talaga kami. Kaya very thankful kami sa Viva Records at sa lahat ng mga sumusuporta sa amin," say nina Grace at Bez.

After ng promotion ng kanilang second album, muling hahataw ang Mocha Girls sa kanilang series of shows sa abroad next year.


Magiging abala rin sila early next year sa promotion ng kanilang first movie na Sumpa, under Yellow Media, kung saan kasama nila sa cast sina Mark Gil at Joross Gamboa. Busy din ang Mocha sa kanilang regular shows sa Mugen Metrowalk every Tuesdays; Bluewave, Macapagal (Wednesdays); at sa Bagaberde, Roxas Blvd. (Fridays).

Click HERE for the PEP review on Mocha Girls Delisciosa.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Mocha Girls, album, music
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Mocha Girls are busy promoting their 15-track album under Viva Records titled Mocha Girls Delisciosa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results