Gretchen Espina excited about performing with Ramiele Malubay

by Glen Sibonga
Dec 21, 2008
"May sarili siyang opinyon. Nirerespeto ko ‘yon. Pero aaminin ko, tao rin naman ako, nasasaktan din naman ako. Nandun na ‘yon, pero I do respect people's opinion," says Pinoy Idol winner Gretchen Espina about the comment of Philippine Idol winner Mau Marcelo that she did not deserve to win.


Aminado ang Pinoy Idol champion na si Gretchen Espina na nasaktan din siya sa naging pahayag noon ng Philippine Idol winner na si Mau Marcelo. Ayon kasi kay Mau ay hindi deserving si Gretchen na manalo. (Click here to read related story.)

Pero ayon kay Gretchen, iginagalang niya ang opinyon ni Mau.

"May sarili siyang opinyon. Nirerespeto ko ‘yon. Pero aaminin ko, tao rin naman ako, nasasaktan din naman ako. Nandun na ‘yon, pero I do respect people's opinion.

"I already heard opinions like that. Kahit naman po siguro kahit sinong singer na sumali ng competition at nanalo, masasaktan kapag may mga ganyang isyu na lalabas, e. 'Hindi ka deserving. Nanalo ka lang dahil ganyan-ganyan,'" pahayag ni Gretchen sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng The Idol Experience: Ogie Sings With The Idols last Sunday, December 14, sa Danny's Grill sa Timog Avenue, Quezon City.

Okay lang ba sa kanya na magkaroon sila ng showdown sa kantahan ni Mau?

Continue reading below ↓

"Okay lang," sagot ni Gretchen. "Sa akin kasi, ayoko siyang isipin na showdown. Mas gusto ko siyang isipin na singing with someone else. Hindi showdown, e. Mas bagay sigurong tawagin na showcase of talents. Ako kasi, honestly, sa competition kasi ng Pinoy Idol, I wasn't thinking na, 'I'm gonna beat you.' I'm not like that. Hindi po ako ganun. Sa akin kasi, just show your talent."

So, okay lang sa kanya na makatrabaho si Mau kahit na sinabihan siya na hindi siya deserving manalo?

"Okay lang. I believe... I want to believe na at a young age, professional naman po ako pagdating sa trabaho and yun naman po ang importante para magtagal sa industriya, di ba?"

WORKING WITH RAMIELE. More than the inrigues, mas gustong pag-usapan ni Gretchen ang tungkol sa concert nila topbilled by Ogie Alcasid, na gaganapin sa December 20 at 21 sa Aliw Theater.

"Excited na po talaga ako!" bulalas ni Gretchen. "This is my first big concert after winning Pinoy Idol. Tapos topbilled pa ni Kuya Ogie at makakasama ko rin ang mga Idols. Kasama pa si Ramiele [Malubay] ng American Idol at ang Menaya."

Continue reading below ↓

Ano ang feeling na makakasama niya sa concert si Ramiele, na finalist naman ng American Idol—ang counterpart ng Pinoy Idol?

"It's really an honor, not only sa akin, but for all of us Idols. Ako kasi, sinusubaybayan ko talaga yung American Idol. Si Ramiele... We met earlier.Aactually, mabait siya. I'm enjoying the time with her right now. I'm very, very excited doon sa mangyayaring concert."

Magkakaroon ba siya ng duet with Ramiele?

"Sa original list, meron. Pero I don't know yet sa final kung mapu-push through. Hopefully, sana meron para masaya, enjoy. But for sure, meron kaming group number with her and Kuya Ogie."

DEBUT ALBUM. Kinumusta rin ng PEP kay Gretchen ang ginagawa niyang debut album under Sony-BMG Music. Last time na nakausap namin si Gretchen during the first presscon ng naturang concert, sinabi niya na dalawang kanta na sa 12 tracks sa album ang natapos niyang i-record. Ano na ang update sa album niya?

Continue reading below ↓

"Ngayon, nakalima na po kaming songs. Pero mag-stop po ulit kami for the Christmas break. Pero nire-revise pa namin at tini-twist pa namin yung ibang songs para maganda talaga paglabas."

May schedule na ba ng labas ang debut album niya?

"Hopefully, sana sa February, para sabay sa month ng mga puso, di ba? Para sweet-sweet-an!" natatawa niyang sabi.

Bakit love month niya gustong ilabas ang album, may mga love songs bang included sa album?

"I do have love songs sa album. Talagang kapag narinig nila ay alam nilang may pinaghugutan!" sabay tawa ni Gretchen.

Pagdating naman sa pagma-manage sa kanyang career, sinabi ni Gretchen na pumirma na siya, along with Pinoy Idol finalists Jayann Bautista and Ram Chaves, ng bagong management contract sa GMA Artist Center. Inulit ni Gretchen na wala siyang sama ng loob sa GMA-7, kahit na hindi pa siya mabigyan talaga ng big exposure.

"Hindi po talaga masama ang loob ko sa GMA," giit niya. "Sa akin naman kasi, we talked naman with GMA Artist Center. Siguro kung hindi nila ako kinausap, masasaktan ako kasi parang pinaghirapan ko naman yung pagkapanalo ko sa Pinoy Idol, tapos hindi nila ako aalagaan, di ba? Hindi naman po ako pinapabayaan ng Artist Center."

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Mau Marcelo, concert, music
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"May sarili siyang opinyon. Nirerespeto ko ‘yon. Pero aaminin ko, tao rin naman ako, nasasaktan din naman ako. Nandun na ‘yon, pero I do respect people's opinion," says Pinoy Idol winner Gretchen Espina about the comment of Philippine Idol winner Mau Marcelo that she did not deserve to win.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results