Rachelle Ann Go is "Falling in Love"


On January 30-31, Rachelle Anne Go will be holding her pre-Valentine concert titled Falling in Love. Click HERE to buy show tickets.



Idea raw ni boss Vic del Rosario, CEO ng Viva Entertainment na ilayo ang bagong Viva Records album ni Rachelle Ann Go, ang Falling In Love sa huling album niya na Rachelle Ann Rocks. At ang Falling In Love na rin ang title ng pre-Valentine two-night concert ni Rachelle Ann Go na gaganapin sa Music Museum mula January 30-31.

Sa January 30, very special guests niya sina Richard Poon, Gabriel Valenciano and a surprise guest. Sa January 31, kasama pa rin si Gab nina Christian Bautista, Ogie Alcasid at Gary Valenciano.


Natanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rachelle kung hindi ba siya nagdalawang-isip na pagsamahin ang ex-boyfriend niyang si Christian at ang suitor niya ngayong si Gab Valenciano?

"Hindi po naman unusual iyon na magkasama silang guest sa concert ko," nakangiting sagot ni Rachelle. "Christian is a friend at sanay na rin kaming magkakasama sa ASAP '09 with Gab. Nag-end lamang ang relationship namin ni Christian, pero friends pa rin kami. In fact nang manligaw sa akin si Gab, siya agad ang una kong sinabihan. And I'm glad na pumayag siyang mag-guest sa concert ko."

Ano ang magiging repertoire ng pre-Valentine concert niya?

"I will be singing some of the cuts in my Falling In Love album, na mostly ay songs in the '70s and '80s like "If," "Of All The Things," "Somebody Waiting," "I Got Caught Dancing Again," "If You Don't Know Me By Now," "Didn't We," "Feelings," "Let The Pain Remain, "Traces," "This Time I Will Be Sweeter," "You And Me Against The World," "You And I," "All The Things You Are," and "I'll Always Love You.""

This is the kind of music that best reflects who I am and where I am right now in my life," wika pa ni Rachelle. "Malapit na po ang Valentine's Day, but I hope people will come and watch, because the music is sure to put them in a Valentine mood."


NECKLACE GALORE.
Pinansin din ng PEP ang suot na heart-shaped necklace ni Rachelle na hindi naman niya ikinaila kung sino ang nagbigay noon sa kanya. Paano iyong diamond necklace na bigay sa kanya ni Christian noong sila pa, totoo bang isinoli niya?

"Nasa akin pa rin po ang diamond necklace na bigay ni Christian, nakatago lang at wala po akong balak isoli iyon," natatawang wika ni Rachelle. "In fairness po kay Christian, alam kong ibinigay niya iyon sa akin in good faith, nakakahiya po namang isoli ko, at hindi naman niya hinihingi sa akin. Mabait po si Christian, hindi niya gagawin iyon.

"Ito pong heart-shaped necklace ay bigay sa akin ni Gab bago mag-Christmas, pasalubong niya sa akin nang manggaling siya sa isang show with his dad [Gary Valenciano] abroad," kuwento pa ni Rachelle. "Pero ang Christmas gift po niya sa akin, isang MAC book computer, na nagulat ako kasi alam ko pong mahal iyon. Ako naman, isang chair po ang gift ko sa kanya. Nalaman ko po kasi na may pina-reserved siyang chair sa isang furniture store para sa studio niya sa bahay iyon, kaya gumawa ako ng paraan na mabili ko iyong chair. Ipina-deliver ko sa bahay nila kaya gulat na gulat siya nang pagpasok daw niya sa room niya, naroon na iyong gusto niyang bilhin na chair."

Ano ba ang nagustuhan niya kay Gab?

"Sa ngayon po, nasa level one pa lamang ang relasyon namin ni Gab," seryosong sagot ni Rachelle. "Dati na po kaming magkasama sa ASAP, at "hi!" "hello!" lamang kami. Para po kasing nayayabangan ako sa kanya. Naging close lamang kami after ng team building namin sa Subic last July. Noon ko po nakita sa kanya ang mga katangian na hinahanap ko sa isang guy. Napakabait po niya, kahit busy kami pareho, gumagawa siya ng paraan para magkaroon kami ng communication. Kung may problema po ako, nakatutulong siya sa akin."

Alam ba niyang aalis si Gab sa March para mag-aral sa Florida, USA? Malulungkot ba siya dahil two years din silang magkakalayo at kahit si Gab, nang makausap noon, hindi raw niya alam kung paano, pero itutuloy niya ang studies niya sa States.

"Siyempre po malulungkot ako, pero para po sa kanya iyon, katuparan iyon ng matagal na niyang dream na mag-aral tungkol sa music. Baka nga more than two years pa siya roon, in case na magkaroon siya ng chance na magtrabaho rin doon. "Siguro, magkikita lamang kami kapag may show ako roon. Hopefully, magkita kami sa show namin nina Nikki Bacolod at Jimmy Marquez sa Juneau, Alaska sa March 21; March 27 sa Anchorage, Alaska; March 28, sa Ketchikan, Alaska. Medyo po malayo ang Alaska sa Florida, sana sa April 4, magkita kami dahil sa Hanford, California naman ang last show namin bago bumalik ng Pilipinas."


Produced by Viva Concerts and Events, Falling In Love is directed by Dido Camara with Marc Lopez as musical director. For tickets, call Viva at 687-6181 local 620& 745, Ticketworld at 891-9999 or at the Music Museum at 721-6726 and 721-0635.


Click here to buy show tickets

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN