"Pokwang Ang album na may Puso" now available


True to the comic nature of her album, Pokwang poses with a necklace made from the heart of a banana tree. Pokwang Ang album na may Puso is now available in record bars nationwide courtesy of Star Records.



Simula Oktubre 2008, nagre-rekord na para sa kanyang debutalbum ang komedyante na si Pokwang pero ngayong Enero lang pormal na nai-launchito. Araw-araw kasi umeere ang Wowowee, ang noontime show niya saABS-CBN kung saan co-host siya ni Willie Revillame.

Mula sa pagiging isang contestant sa talent search na "Clownin A Million," isa nang recording artist si Pokwang sa ilalim ng Star Records.Ang titulo ng kanyang album ay Pokwang ... Ang album Na May Puso na maysix songs at isang bonus track.

Ayon sa komedyana sa kanyang press conference noong January22, "Dream ko talagang magkaroon ng album. Tuwing nakikita ko sina Nixon Sy at Annaballe Regalado-Borja[managing director ng Star Records] kahit saang parte ng ABS-CBN, bigla akong nagvo-vocalizationsa harap nila kaya naloloka sila. Maiiyak kayo sa katatawa sa album na 'to, pampatanggal ng stress.


"Meron akong love song na talagang nakaka-in-love dahil super serious ng title,‘Sana Kunin Ka Na Ni Lord.' Meron dingTagalog version ng ‘When You Tell Me That You Love Me.' May mga novelty songsdin na danceable like yung ‘Gaya-gaya, Puntong Maya,' ‘Bratatat' at yung‘Bahoo.' Ilan sa mga composer sina Christian Martinez at Lito Camo."


Ayon kay Pokwang, hindi lang siya ang nangarap na magkaroon siya ng album. "Tinatanong ako lagi ng mga kababayan natin, kelan ba ako maglalabas ng album. Ngayong nailabas na, hindi lang ang pangarap ko ang natupad kung hindi pati na rin ang mga TFC [The Filipino Channel] subscribers."

Hindi ka kaya magkakaproblema sa title ng carrier single mona "Sana Kunin Ka Na Ni Lord"?

"Hindi naman po dahil maganda naman ang mensahe ngcarrier single ko. Saka may kanta naganito si Blackjack noon na nag-click. Wala naman naging problema sa PARI [Philippine Association of the RecordIndustry]. Inaprub naman nila ito. Kaya, positive ako, kami na mag-eenjoy anglahat na makarinig ng aking awitin dahil punong-puno po ito ng aral. Pramis!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Pokwang, "Hindi man ako kasing husay ninaSarah Geronimo, Rachelle Ann Go, Sheryn Regis pero ano, 'yung taas ng bosesnila, gan'un kataas ang pangrap ko na makapagpasaya ng mga tao sa album na'to. Sa mga kanta dito sa album,nagseseryoso ako na parang Aegis pero kapag pinapakinggan mo at dinama mo 'yunglyrics, maloloka ka ng bonggang-bongga. Binigay ko lang 'yung gusto ngtao. Siyempre kung ano 'yung uso, dun tayo."

TRACK LISTING.

1. Sana Kunin Ka Na Ni Lord

2. Bonggacious

3. Pag Na-in Love Ka Na Sakin (When You Tell Me That YouLove Me)

4. Bahoo

5. Gaya Gaya Puto Maya

6. Bratatat

Bonus track: Hai


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN