"Love Cycle" album of Myrus turns Gold


Pop and R&B singer Myrus is happy over the fact that his album titled Love Cycle is already certified Gold. This 12-track album is available courtesy of Sony BMG.



Ikinagulat ng teenage singer na si Myrus ang balitang sold out na sa maraming record bars ang kanyang debut album titled Love Cycle at ang magandang balita ngayon ay umabot na ito sa Gold Record status.

"I really did not expect the album to turn gold that fast. Siyempre po, bago pa naman ako sa music industry at higit sa lahat, more than a month pa lang ang album ko sa market," masayang pagbabalita ng bagong singer.

Pinapatugtog na sa mga FM radio stations ang napaka-sweet n'yang single na "Laging Ikaw" na may music video kasama si Angelica Panganiban. Ang 18-year-old pop and R&B singer na ito ay nag-shoot ng kanyang music video kasama si Angelica sa Pampanga.

Sa naturang video, si Myrus ay nanliligaw sa aktres at gusto niyang makuha ang atensiyon nito sa pamamagitan ng iba't ibang paraan. Binunggo niya ang isang waiter sa coffee shop, nagpanggap siya na maging isang matanda na naka wheelchair at nagbihis rin siya na parang delivery boy. Sa huli, makukuha rin niya ang matamis na pag-ibig ng dalaga.

Ani Myrus, "Pangarap ko talagang maging isang ganap na recording artist mula noong bata pa ako kaya madalas akong sumali noon sa mga singing contests para mahasa."

Sa ngayon ay busy si Myrus sa pagpo-promote ng kanyang album sa mga malls, schools, at special events. Kasama siya ng 'Kilabot Ng Mga Kolehiyala' na si Ariel Rivera sa mga mall shows nito. Noong Disyembre, nag-perform si Myrus sa programa ng 34th Metro Manila Film Fest Parade.

Lumabas bilang guest si Myrus sa afternoon show ng GMA-7, ang Daisy Siete, kung saan gagamitin ang "Laging Ikaw" bilang theme song. Ito ang second time na ginamit ang kanta ni Myrus sa palabas dahil ang una ay sa TV show nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal, ang Dear Friend sa episode na pinagbidahan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.


TRACK LISTING.


1. Data track (non-playable)
2. Laging Ikaw (music video) feat. Angelica Panganiban
3. Ba't di ko ba Nasabi
4. Laging Ikaw
5. Loving You
6. Ikaw Lamang
7. Huling Yakap
8. Doors
9. Paano Ipadarama
10. Pwede Ba?
11. Love Cycle

Bonus track:
12. Laging Ikaw (minus one)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN