Pop Icons excited about their Big Dome concert on Feb 21


(From left) Christian Bautista, Sam Milby, Piolo Pascual, Erik Santos, and Mark Bautista started out as Bible study colleagues but now they are producers-performers in their concert titled Pop Icons. See them perform live at the Araneta Coliseum on February 21, 2009.



Nagsanib puwersa ang lima sa most sought-after bachelors ng bansa at most admired singers and actors ng Philippine show business para sa sa isang engrandeng concert titled Pop Icons. Produced by ASAP Live at Sunday Night Productions, ito ay gaganapin sa Araneta Coliseum on February 21, 2009.

Excited na nga ang mga Pop Icons na binubuo nina Ultimate Heartthrob Piolo Pascual, Rockoustic Heartthrob Sam Milby, Asian Pop Idol Christian Bautista, Prince of Pop Erik Santos at Pop Heartthrob Mark Bautista, para sa kanilang nalalapit na concert.

Ilang mga tanong mula sa entertainment press kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa nalalapit nilang pagtatanghal ang sinagot nina Piolo, Sam, Christian, Erik at Mark sa presscon ng kanilang concert na ginanap kamakailan sa Max's Restaurant sa Scout Tuazon, Quezon City.

Happy din sina Piolo, Sam, Christian, Erik at Mark dahil hindi lang magkakatrabaho sa ASAP '09 ang turingan nilang lima, magkakaibigan din sila. Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan sa kanilang cell group sa Victory fellowship tuwing Linggo ng gabi. Dahil nga pare-pareho naman silang kumakanta nagka-ideya tuloy silang mag-concert ng sama-sama at the same time ay mag-produce din sa kauna-unahang pagkakataon, kaya naman isinilang ang Sunday Night Productions. Sa tulong ng ASAP Live, na bihasa na sa pagpo-produce ng malalaki at hit concerts, maisasakatuparan na ng magkakaibigan ang kanilang first big project together.

Proud na tumatayong lider ng Pop Icons si Piolo dahil silang lima rin ang producers ng Pop Icons concert na ito along with some friends.

"Iba rin kasi kapag kasama mo ang mga kaibigan mo. Bukod sa magkakaibigan kami, lahat kami kumakanta. So, naisip namin why don't we put up a show," masayang pahayag ni Piolo. "Kanina nga nung tinitignan ko yung poster namin, nakakasenti kasi we just started as a small group. Hindi namin aakalain na aabot ng ganito na ipo-produce namin ang sarili naming concert. Tapos ang daming sumusuporta. Nakakataba talaga ng puso. When you're doing something with your friends, it's fun. I'm looking forward to the concert, hindi dahil sa Araneta, but more than that I'll be with my friends."

Dagdag paliwanag pa ni Piolo, "Actually, yung idea came from TFC Global, na pagsama-samahin kami sa show sa States. Hilig din naman naming nag-a-out of the country. So, sabi namin buuin namin yung grupo. Pero naisip din namin since ASAP nga, kailangan dito muna sa Pilipinas. Kaya nga aside from the Araneta concert, mapapanood din ang Pop Icons sa Dagupan on February 13, sa Cebu on February 14 at sa Bacolod on February 28. And then susunod siguro sa abroad na. We're keeping our options open."

Ayon naman kay Christian, less ang pressure na nararamdaman nila ngayon kumpara kapag nagso-solo concert sila.

"Para sa akin, mas masaya at mas madali na kapag grupo kasi tulungan e. Yung pressure medyo nadi-divide sa lahat. At maganda kasi suportahan. Yun nga bosesan. Tapos kapag may group number tulungan lagi yan. I think we're pretty confident na rin na marami namang manonood sa concert namin kasi as of now ang dami ng mga taong bumibili ng tickets. Kaya ngayon pa lang parang nagte-thank you na kami sa kanila," positibong wika ni Christian.

Inamin pa ni Christian na hindi siya makakasama sa Dagupan concert nila on February 13 dahil nakatakda rin siyang magkaroon ng pre-Valentine concert sa Jakarta, Indonesia on the same day.

"Absent po ako sa Dagupan kasi nakakompromiso na po ako. Sorry po sa mga taga-Dagupan. Pero the next day February 14, kasama na po ako sa Cebu. Nandun na po ako. Kaya po sa Dagupan, hindi na siya Pop Icons, Op Icons na lang," pabiro pang sabi ni Christian.

TRIBUTE TO POP ICONS. Anong mga songs at production numbers sa ang pwedeng abangan ng mga manonood sa Pop Icons?

"Since the concert is titled Pop Icons, lahat ng songs ay pop. Parang tribute namin ito sa mga sikat na pop icons natin from the past, from the different generations. Ibang-iba ang mapapanood nila rito kumpara sa napapanood nila sa amin sa ASAP. Ang mawi-witness nila dito ay production number within a production number. Kaya talagang exciting itong concert namin," sagot ni Erik.

At nagpahabol pa ng biro si Erik nang matanong kung may touch of sexiness na mapapanood sa concert, "Ah, ako lang po ang gagawa nu'n. Hindi, joke lang. Wala pong showing of skin na magaganap. Wholesome po kami."

Since, mga sikat na kayong lima hindi kaya magkaroon ng pagalingan or sapawan sa concert?

"Hindi naman namin iniisip yun. Hindi naman ito contest na kailangan magpagalingan kami. Syempre, suportahan iyan. At lahat ay equally divided pagdating sa exposure, sa songs, everything. Makikita mo talaga yung pagkakaisa namin, yung camaraderie," lahad ni Mark.

Since sabi n'yo ay magkakaibigan na kayo, what qualities do you appreciate the most in each other?

"Si Sam magaling siyang mag-invite ng mga tao and hardworking lalo na sa kanta. Gusto niya practice kami nang practice. Si PJ [Piolo], meron talaga siyang leadership qualities. Si Erik, siya yung life of the group. Ang hindi alam ng tao komedyante si Erik sa totoong buhay, talagang nakakahawa pati yung pagtawa niya. Si Mark, malakas ang kanyang perseverance and he never gives up," sabi ni Christian.

Ayon naman kay Sam, "Para sa lahat, they are very encouraging... we are encouraging each other. Si Kuya [Piolo] here, siya ang pinakamatanda, we really look up to him. Si Erik, siya yung comedian. Magaling siyang manggaya, kaya niya kaming gayahin, all of us. Si Mark, like Christian said, he never gives up. And si Christian, one of the leaders din actually."

Ani Piolo, "Si Ian [Christian], ever since nakikita ko na napaka-focused niya sa trabaho. Yung drive niya sa work nandun talaga. Makikita mo yung discipline at matalino. Si Sam, ang pinakamatagal kong nakasama. Not everybody knows yung pagiging pursigido niya to become a better actor, a better singer, and to become a better Tagalog speaker. Nakikita ko na maski ini-English mo siya, pinipilit niyang sumagot sa Tagalog. Not that he wants to make a difference, but mahal niya ang trabaho niya. Si Erik, he's very passionate sa pagkanta and talagang ramdam na ramdam mo yung kinakanta niya. Siya yung pag pinapanood mo e madadala ka talaga sa kanta niya. Napakagaling niyang kumanta. Siya yung gusto kong kuning wedding singer kapag ikinasal na ako.

"Si Mac-Mac [Mark] naman, siya yung combination ng dalawa e, pwede siyang singer, pwede siyang actor, pwede siyang dancer. So, multi-talented. Yung kakulangan namin ni Ian sa pagsayaw, kayang-kaya niyang gawin. Sa pagkanta naman, napakaganda ng timbre ng boses. At mabait na tao, down to earth and very humble," mahabang pahayag ni Piolo.

Say naman ni Erik, "Si Christian, matalino siya at focus siya sa ginagawa niya. Si Sam, makikita mo yug passion sa ginagawa niya. Si Piolo, mayaman. Syempre guwapo pa rin, lahat kami guwapo. Si Mark, okay na kaibigan at dedicated sa work niya."

"Si Christian, siya yung sobrang meticulous na tao, na lahat talagang pine-perfect niya. Si Sam, hindi ko siya madalas makasama, ang masasabi ko lang sa kanya tahimik lang but very observant. Si Piolo, mabait na tao, sobrang generous na tao. Aside from mayaman sa pera, mayaman din ang puso niya at faith niya. Si Erik, para maiba hindi ko na sasabihing komedyante siya. Mabait siya na tao, seryoso sa trabaho niya pero mahilig nga lang magpatawa," wika naman ni Mark.

May one thing in common ang limang Pop Icons, lahat sila ay walang girlfriend ngayon, so paano na ang Valentine's Day nila?

"Actually, sa Valentine's nasa Cebu kami. We will be at the Waterfront. So, on Valentine's Day mga Cebuano ang kakantahan namin. They will be our dates on Valentine's Day. And siguro after the concert, kami lang sigurong lima ang magkakasama. Siguro with some friends also," ani Sam.

Ang Pop Icons concert will be directed by Rowell Santiago with musical direction from Louie Ocampo.

For ticket inquiries to the February 21 concert Pop Icons, please call Ticketnet at Tel. No. 911-5555.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN