You've Got Male will hold first major concert, Feb 20


The all-male singing group You've Got Male will conduct their first major concert titled Four...The First Time. Watch them live at the Music Museum tomorrow night, February 20, with guests Pops Fernandez and Lovi Poe.



Bukas ng gabi, February 20, mapapanood na ang first major solo concert ng grupong You've Got Male, ang quartet na pinasisikat ng S.O.P. ng GMA-7. Sa Music Museum magaganap ang nabanggit na concert, may pamagat na Four...The First Time. May kanya-kanyang kuwento ang apat na bumubuo ng grupo--sina Gian Magdangal, Jan Nieto, Harry Santos at Bryan Termulo na maghahantad kahit paano ng pagkakaiba ng kani-kanilang personalidad.

Ayon kay Jan, showcase ito ng kung anuman ang kaya nilang gawin individually. Dugtong niya, "At the same time, 'pag pinagsama-sama kami, mapapanood at maririnig 'yung voicing, 'yung harmony, na talagang kinarir namin."

Brainchild daw ang YGM ni Darling de Jesus ng GMA-7. Sabi pa ni Jan, ibinatay 'yun sa husay nila individually as singers.

"'Yung height namin, halos hindi nagkakalayo. I guess, pati 'yung looks, nagku-complement, Pinag-isipan nilang mabuti 'yung konsepto," sabi pa ni Jan.

Sina Gian at Jan ay parehong produkto ng Philippine Idol ng ABC-5 noon, na unfortunately, hindi kinikilala ng GMA-7 mula nang malipat sa kanila ang franchise sa pamamagitan ng Fremantle Media.

Ironically, kahit naging competitors ang dalawa, kapwa nila sinasabing hinmdi sila nagtratuhan as rivals.

"'Yun ang maganda sa amin ni Jan, at sa iba pa naming kagrupo. Angat agad ang respetuhan," sabi ni Gian.

Iniintriga rin ang dalawa dahil sa lantad nang may anak na si Gian, ang magwa-one year old na si Gian Haley, sa sexy actress na si Sheree. Para sa publiko naman, mas may misteryo pa rin daw si Jan.

"Nasa tumitingin lang naman 'yan," sabi pa ni Jan. "Mayroong iba, mas gusto nila 'yung maputing gaya ni Gian. May mga nagsasabing mas gusto nila ang kulay ko na moreno. Kanya-kanyang preference 'yan."

Katuwiran ni Gian, "Sana lang, hindi maging obstacle sa career ko ang status ko sa buhay. Although, hindi pa naman kami kasal ni Sheree, may balak na rin kami.

"Importante sa akin ang nabuo kong family, ay para sa blessings, gusto ko 'yung magpakasal din kami ni Sheree, hindi lang dahil kailangan, pero 'yung naniniwala kaming lalong magiging binding ang pagsasama namin dahil doon."

Close pala si Harry kay Jan. Tinuturing ni Jan na parang bunsong kapatid si Harry. "Kung nakakaiwan ako ng gamit sa bahay, pinahihiram ako ni Jan," sabi ni Harry.

Si Harry ang nagbigay pa sa amin ng pagkakaiba ng isa'y isa, lalo na sa forte sa music.

"Si Gian kasi, more on R&B. Si Jan, OPM. Fast songs ang trip ni Bryan. Sa akin, medyo classics.

"Kung ano ang hanap ng audience sa music, may mai-o-offer kami, at bawat isa naman sa amin, versatile din," nangingiting banggit ni Harry.

Sina Bryan at Harry ay pareho namang galing sa Pinoy Pop Superstar. Kapwa runners-up lang sila ng kanya-kanyang batches.

Sa kaso ni Bryan, malakas ang dating ng isang ito. Tipong matinee idol nga, bagamat at 5'8", siya ang pinakamaliit sa grupo.

"Hindi naman talaga sa sinasabi kong kulang ako sa buildup sa GMA-7. Siguro, tinetiyempuhan pa nila kung ano ang puwede nilang magawa para sa akin," sabi naman ni Bryan.

Ang mahalaga kay Bryan, hindi siya nagmamadali at may regular show rin siya sa GMA-7, ang S.O.P. "Malaking bagay na 'yun sa akin. 'Yung YGM, may regular spot na roon, at paminsan-minsan, solo-solo namin. Magandang exposure na 'yun," sabi pa ni Bryan.

Kanya-kanya naman silang mga pangarap. Pero, iisa lang ang gustong maabot—ang tagumpay. Panoorin sila sa Four...The First Time concert nila sa Music Museum tomorrow night, February 20, with their guests Pops Fernandez and Lovi Poe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN